Kabanata 8

53.2K 2.2K 308
                                    

Kabanata 8

Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Dashiel na nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya habang nasa lupa ang paningin. Sa tuwing makikita ko siyang ganoon, hindi ko maiwasan isipin kung gaano siya kaseryoso at katahimik na tao. His aura was too powerful, menacing and dangerous. He's like any deadly storm that no one would ever dare to meet.

Ibang-iba siya sa Dashiel na nakausap ko kagabi. Para bang hindi malayo ang agwat namin at iisa lang ang mundong ginagalawan, na kung tutuusin ay milya-milya ang distansiya namin dalawa.

Humikab ako, aminadong inaantok pa kahit pa oras na ng pagpasok sa eskwelahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Dashiel.

"But I've never seen anything as beautiful as you…"

Bumuntong hininga ako.

"Ayan na naman. Naiisip ko na naman. Hindi naman ako dapat maniwala doon, ah! Ang daming magagandang babae sa Maynila. Siguradong niloloko niya lang ako." sabi ko, ang paningin ay nasa lupang nilalakaran rin habang nakanguso.

"I see. Talking to yourself again, huh?"

"Ay palakang bundat!" napapatalong wika ko at nag angat ng tingin sa kanya. May mapaglarong ngisi sa kanyang mapupulang labi. "I-Ikaw pala…"

Kunyari hindi mo siya napansin, Dreya.

His smirk grew wider but even more sexy.

"Spacing out?"

"Hindi naman. May iniisip lang."

Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. I can see how corded his arms are. Balbon rin siya at kitang-kita ‘yon dahil sa pagiging maputi niya. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasan kwestyunin ang kutis na mayroon ako.

I've never been this bothered about my complexion not until I met him… and have this unfamiliar feelings for him. Naiisip kong hindi kami maganda tingnan kung magtatabi dahil maputi siya at kayumanggi naman ako.

Ano kayang sabon ang gamit niya? Baka puwede kong subukan.

"Dreya…"

I blinked my eyes for a few times as soon as I heard him call me. Wala na ang ngisi sa labi niya at seryoso nang nakatitig sa akin ngayon.

"Ano 'yon?"

"You okay?"

Tumango ako. "Ayos lang. Pasensya na, may iniisip lang ako tungkol sa eskwelahan."

"Problem?"

"Wala naman."

He stared at me for a little while as if he's trying to convince himself by my answer. Tumango siya hindi kalaunan.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na. May nadaan namang sasakyan diyan. At saka inihatid mo na ako nung nakaraan-"

"Get use to it then." he cut me off.

Pagkasabi no'n ay kinuha niya ang kamay ko at marahan akong hinila paikot sa passenger side.

"Hala, Dashiel!" aligagang tawag ko sa kanya at luminga-linga sa paligid. "Baka may makakita sa atin,  malalagot ako!"

He suddenly pinned me against the closed door and stared intently into my eyes. He tilted his head.

"And I should care because?"

"Dahil hindi maganda sa paningin ng iba na makitang magkasama tayo at inihahatid mo pa ako sa eskwelahan."

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoWhere stories live. Discover now