ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5

5.8K 256 31
                                    

"Ano ba, bitawan niyo nga ako sabi."

Sa pag ikot-ikot ko sa Akademya ay napadpad ako dito sa likurang bahagi ng mga gusali ng paaralan at aghahanap na sana ako ng puno ng kahoy na pwede ko maakyatan ng may marinig akong mga boses sa may di kalayuan.

"Huwag ka na nga mag inarte, ayaw mo non kami na ang lumapit sa isang hamak na babaeng tulad mo na anak lamang ng isang lingkod sa kaharian ng Llum?"

Napa kunot ang noo ko nang marinig ko na naman ang mga tinig na mula sa likod nang mga matataas na pumlumpong.

Hindi ko na sana ito papansinin pa dahil baka mga bulakbol lamang itong mga estupidyanteng ayaw pumasok pero ng marinig ko na naman ulit ang boses ng isang babae ay tila sumanib si aleng Marites sa aking katawan.

"Hindi ko pinangarap ang mga katulad niyo na walang mga MODO." Grabe ang tapang naman ng babae na iyon at diin na diin ang modo kaso bigla nalang akong may narinig ng isang malakas na ingay na parang nag sanib na balat.

Kaya sumilip agad ako upang makita ang pinaggagawa nila baka kasi ibang balat yung nag salpukan.

Bad pa naman yun.

"Wala kang karapatan na pag salitaan kaming mga lalaki at tulad ko na anak ng isa sa tagapag payo sa kaharian kung isang hamak na babae at hampas lupa ka lamang."

Nakaturong sabi ng lalaki habang bakas sa mukha nito ang galit na nakatanaw sa babaeng naka upo na sa damuhan habang hawak-hawak nito ang kanyang kanang pisngi.

Yon pala ang nagsalpukang balat.

Balat sa palad at pisngi lang pala yun.

Akala ko pa naman kung ano na.

Na excite pa naman ako. Pshhh!!

Umikot lamang ang mga mata ko sa iri at aalis na sana ng makita ko na tila may gagawin silang kakaiba dahil na simula na silang mag hubad ng kanilang pang itaas na damit.

"Alam mo, gusto sana kitang gawing isa sa mga babae ko dahil maganda ka naman kaso iba din ang tabas ng dila mo kaya baka ayaw mo sa maginoong paraan at baka gusto mo sa masarap na galawan."

"Hahaha baka nga kamahalan."

"Ipatikim mo din siya sa amin pagkatapos mo kamahalan. Hahaha."

"Nakakapanabik naman ito. Hahaha."

Sabay naman silang nag tatawanan pagkatapos nila mag palitan ng nakakadiring salita.

Nakita ko ang isa na yumuko at marahas na hinawakan ang mukha nung babae.

Nang tignan ko ang ay kitang kita ko sa mukha nito ang takot habang may mga luhang umaalpas sa kanyang mga mata.

Hinawakan naman ng isa ang mga kamay nito at malakas na tinulak pahiga sa damuhan ang babae.

Ang isa naman ay hinawakan ang mga binti ng babae dahil nag simula na itong mag sisipa upang makawala sa pagkakahawak nila.

Yung nakahawak na butiki sa pisngi ng babae kanina ay mahigpit ng naka takip ang kamay nito sa bigbig ng babae upang hindi ito maka gawa ng ingay.

Habang ang tinatawag nilang kamahalan na mukha ding butiki ay tawa lamang ng tawa habang nakikita ko ang nakakadiring kamanyakan sa kanyang mga mata.

"Sabi sa inyo eh, na mas gusto niya nang masara-..."

"Parang nasa kapanabik-nabik na kayo na bahagi ah. Pwede makisali?"

Lumabas na ako sa pinag tataguan ko kanina dahil sa parang nanga-ngati na ang mga kamao kong sumayad sa pisngi ng mga butiking manyakis.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now