ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4

2.6K 113 1
                                    

[= Xavion =] :

Dahil sa walang pasok sa araw na ito ay halos nakatambay ang lahat dito sa loob ng Cantena.

Yung iba kumakain at yung iba naman ay nag uusap lang ng kung ano-ano.

Sobrang dami namin dito na nag sisiksikan sa hindi ko malang dahilan na kahit wala ng maupuan ang iba ay naka tayo lang sa may gilid at nag uusap tungkol sa nangyari kahapon.

Buti nalang at parte ako ng Uníc estudyante at may sarili kaming pwesto.

Subalit nag tataka ako dito kay Prinsipe Lawrence na sobrang tahimik na parang wala dito ang kanyang pag iisip habang si Quinta naman ay mariing naka tingin kay Prinsipe Lawrence.

Ano ba ang nangyari sa dalawang ito na parang may kakaiba sa pagitan nila.

"Tsskk!!"

Napatingin ako ng Prinsesa Zia na kanina pa irap ng irap at masama ang pagkakatingin kay Quinta.

Hindi ko akalain na makita ko ang ganitong bahagi ng pagkatao ni Prinsesa

Ang buong akala ko kasi ay isa siyang tahimik,mahiyain at ayaw sa gulo pero heto siya ngayon at parang handa ng makipag sambunutan kay Quinta.

Yung ibang mga kasama kong nakapalibot sa aming mesa ay tahimik lamang habang nag mamatyag sa tatlo maliban lamang kay Prinsipe Frost na hindi mapa kali sa kanyang pwesto dahil kanina pa ito tingin ng tingin sa paligid na parang may hinahanap.

Napa buntong hininga ako at hinihilot ko ang aking sintido dahil parang nahihilo ako at sumasakit ang aking ulo dahil sa ingay at sikip ng paligid.

Ang tagal ko pa naman pumunta dito para wala na ang ibang mga estudyante pero hindi ko akalain na gagawin nila itong tambayan.

"Rence, kausapin mo naman ako at gusto ko malaman ang sagot mo sa mga tanong ko sayo ka gabi."

"Napaka landi talaga."

Bigla ako napatigil sa aking ginagawa at napa angat ng tingin dahil sa sinabi ni Prinsesa Zia kay Quinta na naka tayo at nilapitan si Prinsipe Lawrence.

Subalit parang wala namang narinig si Prinsipe Lawrence sa kanyang paligid dahil tila na hulog ito sa isang malalim na pag iisip.

Alam ko kung gaano kalaki ang kanyang problema sa buong kaharian at idagdag pa yung nangyari kahapon kaya siguro parang wala siya sa sarili niya ngayon.

Kita kong hahawakan na sana ni Quinta si Prinsipe Lawrence sa pisngi pero bigla nalang tumayo si Prinsesa Zia at mabilis na hinawakan ang kamay ni Quinta.

"Pwede ba, tigilan mo na ang kapatid ko? Marami na siyang problema kaya huwag ka nang dumagdag pa."

Hindi ko mapigilang mapa singhap dahil sa pagkagulat sa sinabi ni Prinsesa Zia kay Quinta at kita ko rin ang mga kasama ko na nanlalaki rin ang kanilang mga mata maliban lamang kay Ahrimita na naka ismid lang na tila na aaliw ito sa pangyayari.

Tinignan ko naman si Prinsipe Lawrence kung ano ang kanyang reaksyon sa dalawang babaeng nag aaway na sa kanyang subalit tulala lamang siya na mas lalong nagpa kunot sa aking noo.

Ano ba ang iniisip niya.

O sino ba ang iniisip niya at tila wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Hindi ganito ang nakilala kong Prinsipe Lawrence dahil ang isang Prinsipe Lawrence ay mapag matyag sa paligid at alisto.

"Pwede ba Zia ay huwag kang mangialam sa buhay relasyon namin ng kuya mo?"

Woooo!!! Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko dahil tila lumabas na yata ang tunay na kulay nitong Quinta na ito habang masama ang pagkakatingin niya kay Prinsesa Zia.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now