ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7

3.6K 237 53
                                    

[= A =] :

"Puny*t*!!!!!"

Halos hindi na makagalaw ang mga lalaking naka luhod sa harapan ng isang lalaking nag wawala.

Pinagbabasag na nito ang mga gamit na naroon sa loob ng tronong silid nito at kahit ang koronong nasa ulo nito ay hinagis narin at natanggal ang ibang mga dyamanteng nag sisilbing palamuti nito.

"Mga walang kwenta!! Mga inutil!! Tontá!! Mga bwesit!! Ahhhhhhhhhh!!"

Pinag sisipa na naman nito ang sarili nitong upuan at dahil sa taglay nitong mahika at lakas na lumalabas sa kanyang katawan ay tumilapon ang sarili nitong trono at nawasak.

Nangangatog na ang mga kalamnan nila dahil hindi nila alam kung ano ang gagawin nila upang maibsan ang galit ng kanilang Hari na nagwawala.

Hindi na nila maitago pa ang takot na kanina pa nila nararamdaman lalo na at wala rin sa palasyo ang nagsisilbi nilang Reyna.

Subalit alam din naman nila na hindi rin mapapa amo ng lubusan ng kanilang Reyna ang kanilang Hari pero kahit papaano ay kumakalma din ito pag may ideyang nabubuo ang kanilang Reyna.

"Lahat nalang ba ng mga taong nakapalibot sa akin na inaasahan kong makakatulong sa aking plano ay puro mga inutil at mahihina?"

Napayuko nalang sila nang biglang humarap sa kanila ang kanilang Hari na nag aalab ang mata dahil sa galit.

Alam nilang mahina sila sa simulat sapol pero ng dahil sa mahika ng Hari na ipinagkaloob sa kanila ay nagkaroon sila ng pambihirang lakas at mahika na wala sa karaniwang mga mamayan sa kaharian ng Llum kaya mataas ang kumpyansa nila sa kanilang mga sarili na makakaya nila ang lahat ng mga pinag uutos ng Hari sa kanila.

Subalit noong nakaraang araw ay nagulat nalang sila at hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin sa kanilang Hari sa katanungan nito ngayon dahil kahit sila ay hindi nila alam kung ano ang sagot.

Malakas nga ba sila o nag dediluryo lamang sila.

Kung hindi dahil sa tulong ng isang makapangyarihang mangkukulam ay hindi nila alam kung ano ang nangyari doon sa grupong pinapunta sa isang nayon sa ilalim ng kahariang Wrofupis.

Nakita nila sa pamamagitan ng isang bolang kristal ng mangkukulam ang lahat ng pangyayari at aaminin nilang kinilabutan sila sa kanilang nakita ng talunin ng walang kahirap-hirap nang isang misteryusong tao ang kanilang mga kasamahan.

Lalo na sa parteng bigla nalang naging alikabok ang kanilang mga kasamahan at naglaho na parang bula at kahit anong gawin ng mangkukulam upang alamin ang misteryusong tao na iyon ay hindi niya kaya sapagkat tila may isang harang ang pumipigil upang pasukin ang katauhan nito.

"Hindi kayo mag sasalita? Pwes mas mabuti pang mawalan kayo ng dila!!"

Halos gusto na nila tumakbo palabas sa kinaruruonan nila upang tumakas sa galit ng Hari.

Halos maihi sila sa takot ng bigla nalang hinablot ng Hari ang isa nilang kasamahan at pinugutan ng ulo.

Kitang-kita nila kung paano nangisay ang katawan nito hanggang sa hindi na gumalaw at ang dugong sumisirit ay tila naging ulan na bumasa sa katawan ng haring nakangisi na ngayon.

"Napasobra yata ako, pero bakit ko pa papagurin ang aking sarili na putulin ang dila niyo kung pwede palang diritso ko na kayong patayin sapagkat wala rin naman kayong mga silbi."

Hindi na sila nag atubili pang tumakbo upang tumakas pero paano nga ba sila makakatas mula sa kamay ng kanilang Hari.

Isang himala na siguro kung makakatakas ka pa nang buhay mula sa kanyang mga kamay.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now