ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7

4.2K 228 45
                                    

[=Someone=] :

"Wala pa rin ba kayong nahanap na bakas upang matukoy kung nasaan ang aking kapatid?"

Tinignan ko ang mga tauhan ko na nakayuko sa aking harapan at ibinaling ko ang aking paningin kung saan sana siya dapat ngayon naka upo.

Hindi ako mawawalan ng pag asa habang buo pa ang bolang dyamanteng nasa kanyang tronong upuan.

"Ipag paumanhin niyo po aming Kamahalan pero hanggang ngayon ay wala parin kaming nakitang bakas o nahanap na kahit kaunting impormasyon."

Naramdaman kong may parang tubig na umagos sa aking kamay at nang tinignan ko ito ay kulay pulang likido ang tumutulo mula rito.

Hindi ko na malayan na nadiinan ko na pala ng sobra ang pagkakakuyom ko sa aking mga palad.

Sinusundan ko ang bawat patak ng aking dugo at sa bawat mapatakan nito ay natutunaw at umuusok.

"Pero huwag kayo mag alala aming Kamahalan hindi kami titigil sa pag hahanap hanggat hindi namin makita at mahanap ang Reyna."

Hindi ko binalingan ng tingin ang isa sa aking tauhan na siyang nag sasalita.

Tinignan ko lang ulit ang bolang umiilaw ng kulay asul na nag papahiwatig na buhay parin ang may nag mamay-ari nito.

Hindi ko alam kung bakit dito niya inilagay ang puso ng kanyang mahika na siyang nag sisilbing buhay niya.

Kahit alam kong malakas parin siya kahit wala sa kanya ang puso ng mahika niya ay hindi parin iyon sapat upang manalo siya laban sa itim na mahika ng kasamaan.

Nakikita kaya niya ang hinaharap ng kanyang buhay kaya niya ito ginawa? O ginagawa niya lamang ito para sa isang misyon at obligasyon.

Kahit nag iisa ko siyang kapatid ay hindi ko rin mabasa at nahuhulaan ang kanyang mga ginagawang hakbang.

Kung isa siyang mesteryosa sa paningin ng iba ay mas lalo na sa akin dahil sa natatanging taglay niyang mahika.

Isa pa siya lamang ang may kakayahang pweding ilipat ang puso ng mahika sa isang bagay at higit sa lahat ay walang sinomang pweding humawak nito maliban sa kanya.

Napa buntong hininga nalang ako at nilapitan ang bolang lumulutang sa kanyang tronong upuan.

Napakagandang pag masdan nito dahil tila may maliliit na boltahing kuryente ang nakapalibot dito.

Napaka mesteryoso tulad nang may nagmamay-ari sa bolang ito.

Alam kong may nanalaytay na lahing Diyos sa kanyang dugo dahil narin sa kanyang ina.

Kahit hindi kami magkapatid na tunay ay mahal na mahal ko parin siya bilang isang nakababatang kapatid.

Ngunit mula noong umalis siya ay hindi ko na siya nakita pang muli.

Wala man lang akong nagawa upang iligtas siya sa kamay ng mga kaaway.

Kahit isinilang ako upang maging tagapagtanggol at tagapagligtas niya ay wala akong ginawa at nagawa.

Wala akong silbi bilang kapatid at tagapagligtas niya pero habang buo pa at nakikita ko pa ang bolang ito ay gagawin ko ang lahat upang maibalik ko siya dito kung saan siya ang nararapat na mamuno.

"Mag sipag handa kayo at sasama ako sa inyo ngayon."

Kilangan ko na rin kumilos at kailangan mag bayad ang sino mang may kasalanan.

"Ipag paumanhin niyo ang biglaan kong pag pasok Kamahalan pero may nais po akong ipa abot sa inyo."

Napatingin ako sa isang taong biglang pumasok sa silid kung saan ang trono ng aking kapatid at kita ko ang pag habol nito ng kanyang hininga at alam kong isa itong napaka importanteng ulat.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1On viuen les histories. Descobreix ara