ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0

3.3K 209 45
                                    

[ = Zavier Qhaszim = ] :

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa mga inutil na nakapalibot sa aking palasyo, puro mga walang kwenta at walang silbi.

Lahat nalang sila pabigat sa aking buhay at dagdag problema.

Sobra-sobra na ang kahihiyang natatangap nang aking kaharian na pinapangunahan ni Ellese at ngayon naman ay si Lucifia.

Hindi ko akalain na ang maging Reyna ko ngayon ay mas walang kwenta pala kumpara kay Ellese na kahit ang simpleng karamdaman lamang sa tiyan ay hindi pa kayang magamot at wala akong Oras upang sayangin ang aking lakas at mahika upang gamutin ang mga katulad nilang hindi mapapakinabangan.

Halos ma ubos na nga ang aking lakas upang gamutin ang aking mga mamayan na hindi nakayanan ang itim na enerhiyang lumaganap kanina ay dumagdag pa itong si Lucifia sa sakit sa ulo.

Hindi ko alam kung si Lucifia ba talaga ang tunay na Ina ni Ellese dahil puro sila mga walang silbi.

Kung hindi lang dahil sa aking mga anak na si Quinta at Quinara ay baka hindi ko na tatanggapin pa si Lucifia bilang isang aking Reyna.

Kahit naman na siya ang aking Reyna ay wala paring makakahigit kay Maragh sa aking puso.

Siya at siya lamang ang aking mahahalin at wala ng iba pa.

Kung tulad lamang ako sa ibang mga hari na iba't-ibang mga babae ang ginawang asawa ay baka nagawa ko na kaso ayaw ko pagtaksilan si Maragh kahit wala na siya kaya mananatili akong tapat hanggang sumunod ako sa kanya sa kabilang mundo.

Habang naka upo ako sa higaan ay napatingin ako sa bintana dito sa loob ng silid namin ni Maragh at iniisip ang aming mga masayang mga alala.

'Maragh aking mahal. Kung nagawa lang sana ni Ellese na gamutin ang kanyang sarili ay baka buhay kapa magpahanggang ngayon at masaya tayong pinamumunoan ang aking kaharian.'

Hindi ko mapigilang mapaluha habang inaalala ko ang kanyang mga ngiti at tawa, ang kanyang mga yakap at halik na laging nagpapawi sa aking mga pagod at pag-alala.

Tulad nalang kanina kung sana nandito lamang siya ay hindi ako mag-alala sa maaaring mangyari sa aking kaharian dahil alam kong kaagapay at kasangga ko siya lagi kaso wala siya kaya punong-puno ang puso ko ng pag alala at pagkakabahala para sa aking mga mama-mayan, kaharian at para sa aking mga anak.

Sana nasa maayos lamang na kalagayan si Quinta at Quinara, kahit na alam kong malakas sila ay hindi ko mapigilang mag alala sa kanila lalo na kay Quinta dahil baka dahil sa tinataglay niyang pambihirang lakas kaya siya inataki nong nakaraang araw at baka ang tao din na iyon ang may pakana sa enerhiyang itim upang balikan ang aking pinakamamahal na anak.

Baka dahil si Quinta ang kasintahan ni Prinsipe Lawrence at alam kong susunod na maging isang emperatís sa buong kaharian ng Llum kaya siya ang pinupunterya ng mga taong may inggit sa kanya.

Mag ingat ka aking anak at magpakatatag sa lahat ng pag subok na darating sa iyong buhay.

Pinahiran ko ang aking mga luha at napailing upang alisin ang aking mga pangamba at masamang isip dahil alam kong hindi pabayaan ni Prinsipe Lawrence ang aking anak na Prinsesa.

Tumayo ako at pumunta sa isang mesa na may nakapatong na ilang mga larawan.

Tinignan ko ang mga ito at napangiti ng mapait lalo ng dumapo ang mga mata ko sa larawan naming tatlo ni Quinta at Quinara lalo na dun sa larawan namin ni Maragh na may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

Wala nang iba pang mga larawan dito bukod sa aming lima. Quinara, Quinta, Ako at si Maragh at kasali si Xavion na aking nag iisang anak na lalaki.

Kinuha ko ang larawan namin ni Maragh at kinuha ko rin ang larawan ng aking mga anak na sina Quinta at Quinara.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ