ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4

3.8K 238 42
                                    

[= Larson =] :

"Kumusta na ang kalagayan ni Prinsesa Quinta, Klendio?"

Napatingin ako kay Prinsipe Lawrence ng bigla itong tumayo upang salubungin ang kalalabas palang sa loob ng silid na si Klendio, ang isa sa manggagamot dito sa klinika ng Akademya.

Dito agad idiniritso sa Akademya si Prinsesa Quinta at ang mga alalay nito ng malaman naming sila pala ang mga babaeng inataki ng taong nakatalukbong kahapon doon sa bayan.

"Maayos na po Prinsipe Lawrence at sa tulong ni Prinsesa Zemiragh kahapon ay nawala na ang maitim na pinsala sa kanyang buong katawan at baka mamaya ay magigising na si Prinsesa Quinta."

Kita ko na tila nakahinga ng maluwag si Prinsipe Lawrence dahil sa kanyang narinig mula sa lalaking manggagamot.

Naintindihan ko naman siya kung bakit ganyan ang kanyang pag alala pagdating kay Prinsesa Quinta sapagkat naging kasintahan din niya ito noon at isa pa parte din ito ng kanyang tungkulin bilang isang susunod na Emperador ang pangalagaan at siguraduhin ang siguridad ng kanyang mga nasasakupan.

"Salamat, Klendio."

"Walang anuman iyon Prinsipe Lawrence at kung meron mang may mas karapatan na makatanggap sa salitang iyan ay walang iba kundi si Prinsesa Zemiragh dahil kung hindi dahil sa tulong niya ay baka hindi pa maging maayos ang kalagayan ni Prinsesa Quinta hanggang ngayon."

Tama. Dahil kahit anong gawin ng ibang mga manggagamot ay tila naging walang silbi lamang ang kanilang mga mahika sapagkat hindi ito tumatalab kahit anong gawin nila.

Buti nalang at napapayag ni Prinsipe Lawrence si Prinsesa Zemiragh na tumulong dahil sa wala talaga itong balak na pagalingin ang kanyang kapatid dahil hindi rin ito nakakausap ng matino na tila may iniisip itong isang malaking bagay.

Kahit ako ay napapaisip din kung bakit at sa anong dahilan ng taong nakatalukbong na iyon ang umataki ng mga mamayan sa loob ng Llum kahapon ng tanghaling tapat.

Isa pa sa katanungan ko ay kung bakit magkatulad ang pinsala niya sa pinsala na nagagawa ni Prinsesa Zemiragh dahil ang buong akala ko ay walang ibang makakagawa non maliban nalang kay Prinsesa Zemiragh pero buti nalang at hindi si Prinsesa Zemiragh ang nabiktima ng taong iyon dahil baka hahanapin ko talaga siya kahit saang lupalop pa siya nakatira.

Nag uusap pa si Prinsipe Lawrence at si Klendio sa ilang bagay habang ako ay nag iisip sa mga pangyayari at sa mga problema na dumating sa buong kaharian na tila wala na itong katapusan.

Hindi lang isang kaguluhan ang nangyari kahapon sapagkat may nakuha din akong ulat na may sinalakay na namang nayon ang mga taga Kasamaanian kahapon at nawala rin ang lahat ng mga mamayan na naninirahan doon pero walang bakas ng dugo ang makikita at ang magulong paligid lamang ang naging palatandaan na sinalakay ito.

Sa kamalas malasan lamang ay isa itong nayon sa ilalim ng aming kaharian at hindi ko alam kung bakit tila walang pakialam ang aking Amang hari sa nangyari sa kanyang nasasakupan.

Hindi kaya kasabwat ng lalaking nakatulukbong na iyon ang nangyaring kaguluhan sa nayon?

Hindi kaya ito ang isang paraan nila upang ibaling ang atensyon ng mga nakakataas sa kanyang ginawang kaguluhan upang hindi mapansin ang pagsalakay na kanilang gagawin sa ibang lugar?

Kung ganun ay dapat dudoblehin namin ang pagbabantay at siguridad sa bawat kaharian upang hindi kami malingat at sana ganyan din ang maisip ng kasalakuyang namumuno ngayon.

"Ahhhhhhhhhhhhh."

Naputol ang pag iisip ko ng marinig namin ang isang malakas na sigaw at pagka basag ng mga gamit sa loob ng silid na kinalalagyan ni Prinsesa Quinta at sing bilis ng kidlat ang pagkawala ni Prinsipe Lawrence sa kanyang kinatatayuan at nakapasok agad ito sa silid na pinagmulan ng ingay.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now