Chapter 7

130 14 0
                                    

Play the video na lang dito sa taas later ;)

-

We're currently at the GTU Grandstand. Maraming booth and nakatayo dito ngayon unlike sa usual na ayos nito na empty lang para sa practice ng baseball and soccer team ng Greendale.

Sinabihan kami na ngayon kami pipili ng organizations na gusto naming salihan hence there are a lot of different booths by different school organizations.

I really don't know what organization ang pipiliin ko, hindi ko naman kasi alam yung mga organization sa meron sila.

Si Matt ang kasama kong naglilibot dahil hindi ko naman kaklase ang ibang mga kampon ng kadiliman at mahirap sila hagilapin dahil maraming students ngayon sa labas.

Puwera nalang kay Pierre, madali lang yun mahagilap dahil minu-minuto iba iba ang mga babaeng kasama niya.

Mabuti nalang din at mayroon event dito sa school, hindi ko makikita si Professor Salazar sa tatlong sunod-sunod na subjects niya saamin.

"How many organizations are there in total?" tanong ko kay Matt habang binabaybay naming ang kahabaan ng linya ng mga booths

Abala naman ako sa pag-inom ng hot chocolate na bigay saakin ni Matt. Araw araw na niya akong binibigyan ng ganito he said that walang Sibal o Hendrix ang magbibigay saakin ng ganito dahil hindi naman nag aaral si Sibal at hindi naman namin kaklasi si Drix kaya siya nalang raw, which is in favor naman saakin dahil paborito ko itong inumin.

He also gives me hot choco everytime na mapapansin niyang bad trip ako. He knows me very well, I mean all my best friends knows me very well. I mentally always thanked the heavens for giving me him because he's a blessing.

"There were 15 organizations in total last year but I don't know lang ngayon, because every year sometimes nadadagdagan or minsan nababawasan but I heard may nadagdag na isa ngayon though I still don't know kung anong org iyon."

Alam kong napaka-out of place but I can't help but to stare at him. He really has the looks, plus the dimples, oh my gosh! Bakit nga ulit naging bakla siya? Kung hindi lang ay idadagdag ko siya sa mga list ng mga lalaki ko, CHARIZ! Hays bat kasi bakla ka Denzel.

"Ang dami naman palang organizations dito." Sambit ko kahit na ang isip ay busy pa rin pagpantasyahan siya

Matangkad si Matt and mestizo, which is understandable because his mother is white habang ang Daddy naman niya ang Filipino.

Tatlo silang magkakapatid and he is the middle child, hindi niya magawang mag come out sa parents niya kasi natatakot ito, inaasahan daw kasi siya ng Dad niya na maikasal sa isang business partner nila.

I even told him na ako nalang ang pakasalan and even George and Stella na kapag nagkakagipitan na silang magpapamilya at wala ng choice si Matt kundi sundin ang Dad niya ay willing kaming mga babaeng kaibigan niya na tulungan siya.

"Yes. Maybe interested kang sumali sa Greendale Sports Org? Here's their booth, si Ma'am Salazar ang adviser nila." Tinuro niya ang booth sa tapat namin

Maganda at malinis ang pagkakaayos ng booth nila. Hindi siya overdecorated at simplistic ang dating. It screamed formality na medyo hindi tugma sa organization nila. Sana ay binuhay naman nila ng kaunti. Siguro ay concept ito ni Prof. Nababagay din sa ugali siya.

"Uy, si Diora!" dinig kong sabi ng lalaking nandoon sa katabi niya. Siguro ay hindi niya sinasadyang malakasan iyon at marinig ko dahil mabilis nitong tinakpan ang bibig niya

The other guy cleared his throat before approaching me. Halata ko naman ang pamumula ng leeg at tenga nito.

"Hi, Miss Diora. I am Alex, captain of the basketball team. Perhaps, you wanna sign up with us?" mahiyaing ngumiti siya saakin bago iniabot ang form

GTU #1: Loving Her Was RedWhere stories live. Discover now