Chapter 12

148 6 0
                                    

HELLO EVERYONE!!!! Sorry ngayon lang ako nakapag update. I think this is the last update muna, malapit na ang finals need ko mag review then by x-mass break siguro sisimulan ko na ang tadtarin ang story na to.

BTW thank you sa 1k na nagbabasa na ng LHWR!!!! Keep voting guy, thank youuu... <3

-

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung 2nd Anniversary namin. Naging masaya naman yung mga kasunod na araw dahil nagkaroon din nga kami ng bar party after that night, kasama ang nga squad and even my sisters come, except kay Ate Chanel who's still in the camp.

Hindi rin nawala nung araw na yun si Professor Salazar at hindi ko rin expect na dumating din si Professor Amethyst nung araw na yun.

Nakabonding ko ng maayos si Ma'am Amy and she's so happy to be with. Happy-go-lucky si Ma'am maliban na lang sa best friend niya parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Nung araw lang nun nalaman kong mag best friend sila, dahil napaka cold nila sa isa't isa pero ganun lang raw sila pero the real thing is, maloko si Ma'am Amy.

Isang buwan na rin na hindi ko expect na lagi na lang kami nag kakaroon ng misunderstanding ni Sibal. Still the same 'issue', it's still the ugly duck Sandara.

Isang buwan na kaming nagkakalabuan ni Sibal. I don't know what happened pero I feel it, may iba na sa kinikilos ni Sibal, he is not the same Sibal I used to know.

Sabi nga nila, kahit gaano mo alagaan ang tanim mo kung may salot pa rin didikit, wala rin.

I just don't want that Sibal na iwan ako o lokohin ako.

Kung hindi lang talaga dumating yang salot na yan.

I am here sa private room naming magkakaibigan at wala pa akong class at mamaya pang 10 sabay sabay yung mga class namin kaya ito kami ngayon walang magawa dito sa room.

I grab my phone at mag iinstagram nalang ako dahil wala naman akong magawa. Napakunot ako ng noo ng makita ko ang Instagram post ni Pen na nasa faculty sila at picture nilang mga Professors.

Lahat sila nakangiti at nakita ko ring nakangiti si Ma'am Amy, but her best of friend Kayla Calista Salazar nakabusangot, parang napilitan lang magpicture.

I never saw her smile. Ano kaya itsura niya kapag nakasmile siya? Maganda kaya? O mas maganda pa saakin kapag nakangit?

What the hell? No way! I am way more beautiful that her kaya!!

And wait, what? Bakit ba ako napapaisip kung ano itsura niya kapag naka smile? Ano bang pakialam ko? Wala, wala, wala akong pakialam!

Wala akong pakialam sakanya.

Utot niya mabantot!

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na iniistalk ko na pala siya, what the hell?!?! Sa kakamadali kong pagtanggal sa account niya ay na like ko ang isa niyang post.

Gosh, paano ba tanggalin ang pagkakalike nito? I know na magnonotif yun sakanya!! Shettt

That is so embarrassing!!!

My heartbeat fast when ma'am Salazar message me. Ano bubuksan ko? O hahayaan ko nalang?

Lord help me po!!

Nanginginig man ang kamay ay binuksan ko ang message ni Ma'am saakin. Halos mag init buong mukha ko sa message niya.

KC
Kayla Calista Salazar • Instagram
10M followers • 20 posts
You don't follow each other on Instagram
You both follow Pen and 5 others

GTU #1: Loving Her Was RedWhere stories live. Discover now