I.D

2.1K 24 0
                                    

"Arriving at Katipunan station paparating na sa Katipunan station."

Ngumiti siya pabalik!

And guess what, mas lalo siyang pumogi nung ngumiti! Napa iwas tuloy ako ng tingin ng wala sa oras. Feeling ko din nag-iinit na yung mga pisngi ko eh.

'Walang mag-a-assume for today's video, Ashryfah. Bawal yan. Baka naman sumakit lang ngipin niya kaya napangiwi siya ng ganon. Or baka may syndrome siya and pag ngiti ang isa sa mga bagay na hindi niya maiwasang gawin?'

'Reason, Ash! Mag-isip ka ng iba pang rason!'

Wait.

'Eh kung bumaba nalang kaya ako sa station na to then sakay nalang ako sa next train?'

Handa na sana akong tumayo para tumungo sa pintuan ngunit bago ko pa malaman ay nagsarado na ito. Sa sobra kong pag-iisip hindi ko na namalayan.

'Bakit kasi gwapo pa ang nasa harap ko? Natetest tuloy loyalty ko sa crush ko.'

'He is so handsome, I wonder what's his name?'

Mabilis nanaman ang naging pag-andar ng tren at bahagyang napa-sway ang mga nakatayo. Kasama na siya doon. Dahil doon ay bumaliktad din ang I.D niyang nakasabit sa leeg at humarap sa akin ng di sadya.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now