MANTIE

792 14 0
                                    

It's been two years.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga damit na gagamitin sa maikling panahon habang nasa pilipinas. Mamaya na kasi ang flight ko.

"Hello, Mantie." pinat ko ang ulo ng alagang aso ng lapitan niya ako at dilaan ang pisngi.

Si Mantie ay alaga kong aso na dalawang taon naring nasa akin, after kong makarecover sa sakit ko ay nanatili ako dito sa paris, dito ko narin balak ituloy ang pag-aaral. Uuwi lang ako ngayon sa pilipinas para sa huling pagkakataon. 

Habang naglalambing kay Mantie ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may mensahe mula doon.

Yvo:

Eat before you take off and sabihan mo ako kapag nakababa kana, susunduin kita.

Yvo:

Ingat, I love you.

Sa loob ng dalawang taon ay nasa pilipinas lang si Yvo, graduating na kasi siya. Dito siya nagpasko last year kasama ko. Sa pagbalik din dito sa paris ay kasabay kona si Yvo, may hospital din naman daw pala sila dito kaya pwedeng dito na siya magtrabaho at mamuhay.

Me:

Noted po, I love you too.

Matapos kong isend yun ay bumalik na ako sa pag-aayos ng bagahe. Konti lang naman ang mga dadalhin ko dahil sa tatlong araw lang ako doon. 

Nang patapos na ako ay saglit akong napatigil. Nakita ko kasi sa sahig ang maliit na envelope, nilalaman non ang huling liham ng ate ko. Pinaabot niya iyon kay Yvo para ibigay saakin bago ang surgery. Hanggang ngayon ay hindi ko padin iyon binubuksan, maski nga din sa libing ni ate ay hindi ako dumalo. Hindi ko kasi kaya.

Pero ngayon, ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ko kung bakit ako babalik ng pilipinas.

Hindi pa din kami kinakasal ni Yvo, naging mahirap kasi ang sitwasyon. Pero hanggang ngayon ay kami padin, naging matatag kami. 

Si Mantie naman ay sa pilipinas ko nakuha, isang araw kasi nang lumabas ako ng condo at pumuntang convenience store para bumili ng ice-cream, nakasalamuha ko siya nung tuta palang siya. Mukha siyang gusgusin at nakaka awa, kaya binilhan ko nadin siya ng treats. 

Habang kumain ako ng ice-cream ay kumakain din siya ng binili ko.

Tapos nung pauwi na ako, nagpaalam na ako sa kaniya. Ang hindi ko lang alam ay sumunod pala siya saakin hanggang condo. Nagulat nalang ako ng habang nag bubukas ako ng pinto ay may dumila sa paahan ko.

At imbis na itaboy ay kinuha ko siya at pinaliguan. Mas nakakagulat pa kasi ng malinisan ko na siya ay may nakita akong itim na pa-heart ang shape sa tyan niya. Brown ang kabuohang kulay ng aso, pero itong parte niya lang sa tyan ang itim. Parang yung birthmark ni ate sa tiyan.

Dahil doon ay napaluha ako, sariwa pa ang sugat na iniwan saakin ng ate ko. Kaya kahit sa simpleng bagay lang na ito ay naiiyak na agad ako.

Sa gitna ng pag-iyak ko ay naalala ko ang isang pangyayari sa panaginip ko, yung panaginip na nasa pinic kami. Naalala kona pagtapos non ang huli kong nasilayan ay magkakasama padin kami, pero wala na si Ate. Sa halip, may isang aso doon. Hindi kona maalala yung itsura ng aso, pero pahiwatig na siguro yon.

Kaya napagdesisyonan ko na isama nalang din dito sa paris si Mantie, wala namang pagdadalawang isip na sumang-ayon si Yvo.

<¤><¤>¤<¤>

Pagkalapag palang ng eroplano sa airport kumirot na kagad ang puso ko.  Iba parin epekto sakin ng pilipinas.

Yvo:

I'm at the waiting area.

Bitbit ang isang pirasong maleta, hinanap ko si Yvo sa paligid. Hindi kona sinama si Mantie, may nakilala naman ako doong pwedeng mapag-iwanan sa kaniya.

"Bbi!" Napalingon ako ng marinig ang tinig niyang iyon.

"Yvo!" Mabilis akong naglakad at ng makalapit sa kaniya ay niyapos ko kaagad siya ng yakap. "I miss you!"

"I miss you too..." he kissed my temple . "You looked so pretty, nagliliwanag ka sa kagandahan dito sa airport."

"Ako paba? Just kidding." We both giggled.

"Kain muna tayo? I'm sure you are hungry." tumango ako sa kaniya at kumapit sa kanang braso. Siya narin ang naghila ng maleta ko hanggang sa makasakay kami sa bago niyang Mercedes. "Didiretso naba tayo sa hotel or may gusto ka pang puntahan?" tanong niya habang  nagmamaneho.

"Meron. Kay ate sana, Yvo." sinulyapan niya ako saka tumango.

At gaya nga ng napag-usapan, pagtapos naming kumain dinala niya ako kung nasaan si ate. Hindi ko alam na dito pala siya nilibing. Bukod kasi sa hindi ako dumalo, sinuhestyon ko rin na huwag sabihin saakin kung nasaan siya. Kaya sa dalawang taon ay ngayon palang ang unang beses kong pagdalaw dito.

"Hintayin nalang kita sa kotse o gusto mo samahan kita?" Tanong sakin ni Yvo.

"Kaya ko naman na, Yvo. Hintayin mo nalang ako. Di rin naman ako magtatagal."

"You can take your time, Ash. Dito lang ako. " Tumango ako sa kaniya saka tuluyang naglakad sa puntod ni ate bitbit ang isang klase ng bulaklak at envelope na ngayon ko palang din bubuksan.

"Hi, its been so long huh. Kamusta ka naman diyan?" My hand was place in my chest while talking to her. "Inaalagan ko ng mabuti tong puso mo..."

"Sorry ngayon lang din ako nakapunta ah, hindi ko pa kasi talaga kaya eh. Hindi din ako sigurado kung kailan ako muling makakabalik, pero sana huwag kang magagalit baka multuhin mo pa ako. Joke lang."

"Ate, gusto kong mag sorry sa lahat ng nagawa ko sayo dati. Sorry kasi lagi akong galit sayo, insecurities kasi kita eh, sorry ah sobrang selfish ko nakulangan lang sa aruga. Sorry din kasi lahat ng to ay ngayon ko lang nasasabi kung kelan wala kana, ngayon ko lang nare-realize lahat at naa-appreciate. "

"Sobrang dami kong kasalanan sayo, pero ito ikaw, nagawa mo pading isakripisyo para saakin ang buhay mo." Ngumiti ako ng mapait at hinaplos ang pangalan niyang naka ukit.

Matapos ng ilang saglit ay kinuha ko na ang envelope para buksan at basahin. Nanginginig ang mga kamay, kanina ko padin pinipigipan ang mga luha ko.

Huminga muna ako ng malalim bago inumpisahan ang pagbasa.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now