UMBRELLA

1.5K 27 0
                                    

"Ang susunod na station ay Betty Go-Belmonte."

"Uhm, h-hindi na kailangan. Ayos naman ako" Nahihiya at nag-aalinlangan kong sagot.

"Oh. Okay. Then, tell me if it gets really uncomfortable."

Waw, napaka lambing ng boses niya. Hindi nakakasawa pakinggan kung pwede lang sana magkausap pa kami ng matagal eh...

Nagpatuloy na ang byahe at nagtiis ako sa sikip buong pag andar ng tren. Humarap nalang ako nang bahagya sa parte ni Yvo, dahil nakakahumalik ang bango'ng nanggagaling sa kaniya.

Kahit na ganon ay pinanatili ko ang ulo ko na nakayuko, ayaw kong mag angat ng tingin sa kaniya kasi baka mabasa niya ang ekspresyon kong nahihirapan dahil sa sikip at natutuwa dahil sa bango niya.

Hindi pa ako nakakarating sa school pero ang hagard kona, grabe talaga epekto ng public transportation.

Maya-maya pa hindi ko namalayan na nasa recto na pala kami. Finally.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag ng makalabas na ako sa tren, pero hindi muna ako bumaba ng hagdan dahil sa nagsisiksikan pa ang mga tao. Nag unat-unat muna ako.

Habang ginagawa iyon saka ko lang napansin si Yvo na gaya ko, nagaantay humupa ang mga tao bago bumaba.

Dumidilim na ang kalangitan, pero nagliliwanag ang kaniyang kagwapuhan.

Napatitig ako sa kaniya na para bang isinasaulo ang bawat linya nang kaniyang mukha. Ngunit tila ba naramdaman niya ang aking tingin ng bahagyang lumingon din siya saakin.

Our eyes met and it was as if electricity ran through my body.

Ito palang ang unang araw naming magkatagpo, ni hindi ko siya kilala ng lubos pero ganito na agad ang impact niya saakin sa saglit na magkatagpo ang aming mga mata.

Nag iwas ako ng tingin dahil sa hindi ko makayanan ang bigat sa mga titig niya at naglakad na palapit sa escalator para makababa.

Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likod ko. Umakto nalang ako na parang wala lang iyon.

Paglabas sa lugar na iyon, handa na sana akong maglakad patungong FEU dahil sa malapit nalang naman. Kaso saktong bumuhos ang malakas na ulan.

Kamalasan nga naman.

Buti nalang may payong ako, kala niyo ah.

Ibinuklat ko ang payong ko at sakto namang sumulpot ang mukha ni Yvo sa gilid ko. Nagulat pa ako pero hindi ko iyon ipinahalata.

Mukha siyang namomroblema, wala atang payong. Naku, mababasa na siya, mapuputikan pa ang puti niyang uniporme.

"Having a trouble?" Naglakas loob na akong magtanong, tutal nag offer din siyang tumayo kanina para lang magka space ako sa tren.

Tumingin siya saakin at agad kong napansin ang dumaang pagkinang sa kaniyang mga mata, nagtila hero siguro ako para sa kaniya.

Hehe

"Actually, my car parked just near here kaso biglang umulan and I dont have an umbrella so..." Napakamot siya sa ulo habang sinasabi iyon.

Pati pagkamot niya ay napakahinhin. Daig pa ang babae kung gumalaw.

"Let's go!" Nakangiti kong sambit. Napakunot naman ang noo niya. "Hatid na kita sa car mo, sabi mo malapit lang naman kaya magtiis nalang tayo sa iisang payong."

Umangat ang gilid ng kaniyang labi saka nagiwas ng tingin para bang nahihiya siyang tumawa sa harap ko.

"Hmh?" I tilted my head a little, nagtataka kasi ako.

"Para kasing baliktad ang nangyayari, ako dapat ang nag-aalok ng payong para sa isang babae pero ako ngayon ang inaalukan. Nakakahiya tuloy."

"Suus, uso na ang equality sa panahon ngayon noh. Normal na dapat na kumilos din ng ganito ang mga babae." Lumapad ang ngiti sa kaniyang labi tila ba napahanga sa sinabi ko.

"You're right."

Gah!! Ang pogi niya ngumiti huhu.

"So ano, tara na? Turo mo nalang sakin kung saan."

"Wait." Marahan niyang hinawakan ang braso ko upang pigilan ang pag-alis. "Ako na hahawak sa payong, para hindi kana mahirapan kasi mas matangkad ako ng di hamak sayo."

Nagdampi ang mga balat namin ng kuhanin niya mula sa kamay ko ang payong.

May kung anong kumikiliti sa tiyan ko habang maingat kaming naglalakad sa daan. Minsan akong napapasulyap sa kaniya at nakangiti naman siya ng maliit sa tuwing naabutan ko.

"Dito ka, matatalsikan ka nang mga dumadaang sasakyan." Ipinagpalit niya kami ng pwesto.

"Ikaw naman ngayon ang matatalsikan."

"Ayos lang, magagawan ko naman ng paraan." Hindi na ako sumagot kasi mauutal lang ako.

Hanggang sa marating na nga namin ang kotse niya.

Naka Mercedes ang kuya, di niyo keri.

Since nandito na kami, marapat na umalis na ako diba?

"Uhm ano..." Tila hindi ko mawari ang nais iparating sa kaniya. Gusto ko pa siyang maka-usap kung pwede lang.

"Hatid na kita." Biglang saad niya.

"Huh? Hindi na kailangan, tatawid lang naman ako tapos ayon na." Pagtanggi ko.

Ang lapit-lapit nalang naman kasi ng FEU.

"Please let me, this is my way of thanking you. Tyaka pagtumawid ka, matatalsikan ka ng mga putik."

Natetempt talaga akong magpahatid sa kaniya. Una dahil sa baka last narin naman naming pagkikita to, susulitin kona. Pangalawa lang yung rason na binanggit niya.

"Since you're insisting... Sure." Nag-init ang pisngi kong pumayag sa nais niya.

Ngumiti siya saakin saka ako pinagbuksan ng pinto. Sobrang lapit nalang naman talaga ng FEU pero bahala na. Hindi na nga ako nag abalang magsuot ng seatbelt.

"By the way, if you dont mind can I ask your name?" He asked after smoothly maneuvering the car.

Ito nanaman yung parang kumikiliti sa tiyan ako. Parang tanga, tinanong lang yung pangalan eh.

"Ashryfah Mala Sarip." Wow buong-buo, Ash! Nice.

"You are also taking medical, I can see from your uniform." sinulyapan niya ako saglit saka muling ibinalik ang mga mata sa daan.

"Yup. First year."

Unti-unti nang nabubura ang ngiti ko ng mapansing malapit na kami sa tapat ng gate ng school.

Kung kelan nagkaka conversation na kami eh. Hmp naman!

"I see."

Hininto niya ang sasakyan.

"Ano, bababa na ako."

Wala akong choice pero kailangan huhu!

Allah, gumawa ka nang paraan pleaseee.

May tao na akong nagugustuhan pero may kung anong humahatak saakin na gustong mapalapit sa lalaking ito.

And just like that, Allah made a move as I prayed.

"Can I get your number?"

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now