NEED

774 13 0
                                    

Iniwan nila ako non ng mag-isa sa sahig. Umiiyak at walang magawa.

'Mag-isa nanaman ako.'

Halos kalahating oras din akong nagi-iiyak don hanggang sa maubusan na ako ng luha.

Kahit na ganon ay nanatili parin akong naka-upo sa sahig. Nakatulala. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang nga sinabi ni Mommy, parang makakabisado ko na nga lahat eh.

Gumalaw lang ako ng sumagi sa akin ang alaalang hindi ko pa nga pala nabubuksan yung email. Nauna pa sila Mommy. Kaya dinampot ko ang cellphone ko para buksan iyon. Kahit na masakit ay gusto ko pading makita.

Maliban don ay wala pa ding message galing kay Yvo na naka-uwi na siya.

Paumanhin kaagad ang bumungad saakin pagka-open ko ng email at sumunod doon ang salitang 'Failed'.  I failed the exam.

Nanunubig nanaman ang mga mata.

Kailangan ko siya.

Me:

Yvo, nakauwi kana?

'Hindi siya nagreply. '

Me:

Yvo...

'Wala paring response.'

Me:

Pwede ba kitang makita? Nasan ka?

Me:

Yvo, please...

Me:

I need you right now.

I am desperately begging for someone to hold me, to comfort me. Mag dadagdag pa sana ako ng message ng maalala ko ang isang salita ni Mommy kanina.

'Nakakapagod na daw ako.'

Kung sarili ko ngang magulang ay napapagod na saakin, paano pa kaya si Yvo?

Unti-unti nanamang nagpatakan ang mga luha ko, nakita ko pa kung paano mabasa nun ang screen ng cellphone ko. Nanlalabo narin ang paningin ko ngunit nagawa ko pang mamataan ang dalawang mensahe na nanggaling sa taong mahal ko.

Yvo:

I just saw your messages right now, hindi pa ako nakakauwi. Hahatid ko palang si Ashantie, dumaan muna kasi kami sa coffee shop kanina.

Yvo:

Sayo ako uwi?

'Nagkape pa talaga sila kanina. Habang nasasaktan ako dito, sila nag eenjoy ng kape don.'

Me:

Bakit kayo pumuntang coffee shop?

Sobrang hirap na mag type kasi umiiyak din ako at the same time, pero pinilit ko. Gusto ko kasing malaman kung bakit.

Yvo:

Nag-usap kami saglit. Nalaman ko pa na same course and year kami. We talked about school and stuffs.

Me:

So, what do you think of her?

Yvo:

Well, she's fun to be with. Magkapatid nga kayo.

'Yvo instantly get along with her.'

My sister.

Hindi kona siya nireplyan after ng sinabi niya, sinubukan ko nalang patahanin ang sarili ko. Kung may mapupuntahan lang sana ako ngayon.

No.

There's someone.

I still have one.

Me:

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now