GOSSIP GUYS

875 14 0
                                    

Nandito nako eh, ano pa bang gagawin ko? Edi panindigan.

I was about to text Yvo to inform him that I'm currently at his school but before I could do so, I heard the three men not so far away from me talking about someone.

"Bruh, Valentine looked so weird these past few days. Pansin niyo ba?" Guy 1

"Yeah, natutulala nga siya bigla-bigla eh." Guy 2

"And always on the phone. What if he is seeing someone na?" Guy 3

"Hell bro, he is allergic to girls remember?" Guy 2

"Then maybe its not a girl?" Guy 3

"Dont say that. Hindi dapat tayo nag a-accuse ng wala namang pagbabasehan. Baka kaya lang ganito akto niya kasi may ibang dahilan. Antayin nalang natin siya magsabi satin ng may kusang loob." Guy 1

"Well, you're right. Teka, kumain naba yon?" Guy 3

"Di pa ata. Bilhan na natin." Guy 2

Shala, nakinig na ako sa buong conversation nila imbis na kumilos dito para makita si Yvo.

Napaka chismosa ko talaga.

Itong tatlong lalaki ay naka suot ng unipormeng kagaya namin ni Yvo, hindi ko nga lang alam kung anong year nila.

So ayun na nga imbis na pagtuonan sila ng pansin, nag chat nalang ako sa bebelabs ko. Charot.

Pero hindi siya nagrereply.

So tinawagan kona din siya. Kinakabahan pa ako kasi hindi naman namin tinatawagan ang isat-isa. Puro text lang ganon.

Kaso wala ding pinatunguhan yung kaba ko, hindi naman kasi nag ring ang phone niya. Nakapatay siguro.

Ano nalang ang gagawin ko dito?

Bhie huhu, sign na siguro to na umuwi nalang ako. Pero may part talaga saakin na gustong mag stay at makita siya.

Para na akong naiiyak, bagsak yung balikat ko at nakitingin lang sa sahig. Pinagsakluban ata ako ng langit at lupa.

Gusto ko lang naman kasi siyang makitaaaaa! Damot naman ni tadhana.

"Excuse me, miss. You okay?" Napabuga ako ng hangin nabg marinig ko iyon. Wala talaga me sa mood tapos may nakipag interact.

Unti-unti at walang gana akong nag angat ng tingin sa taong iyon para lang makita na siya si Guy 1 sa mga nagchichismisan kanina. Nakita ko pa ang dalawa niyang tropang papalapit nadin saamin ng may nagtatakang tingin habang bitbit ang mga pagkaing binili.

"Uhm... Yeah." mahinang pagsagot ko.

"Numeron dito, bro? Pinopormahan mo?" Guy 2

"Nice one~" Guy 3

"Nagtatanong lang ako kung ayos lang ba siya, para kasing hindi eh. Pero sabi niya okay labg daw siya." Nagkibit balikat pa ang lalaki.

Ayoko sa ugali nung dalawa niyang kaibigan, samantalang medyo matino naman tong isa. Ngayon ko lang din napansin na di hamak may mga itsura sila. Pero wala paring kakabog kay Yvo.

Habang nag-uusap sila ay nararamdaman ko naman ang mga matang nakatutok saamin. Mukhang nakaka-agaw pansin din kasama tong mga to. Mabuti pa umalis na ako kesa mapag-usapan pa dito.

"Ano, una na ako-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinutol na ako ni Guy 1

"May hinihintay ka ba dito? May kikitain ganon?" nang matanong iyon ay agad sumagi sa isip ko si Yvo. Siya ang nais kong kitain ngayon.

"Meron, kaso hindi ko nasabihan na pupunta ako kaya wala siyang ideya. Di ko rin siya ma-contact ngayon, kaya sa ibang araw nalang siguro." Hindi kona napigilang sabihin iyon.

"Oh. Sino ba iyan at baka matulungan ka naming mapagkita kayo. Boyfriend moba? Anong course and year?" Mabilis na saad ni Guy 3

"Madami kaming kakilala dito kaya hindi impossibleng matulungan ka namin." dagdag pa ni Guy 2

"Hindi naman ito importante..." Joke lang, importante talaga ito para sakin. "Tyaka baka nakakaabala pako sa inyo." Although kayo naman ang nag offered, sana panindigan niyo. "Pero..."

"Pero?" Sabay-sabay nilang untag.

'Gusto ko talaga siyang makita.'

"Baka kilala niyo si Yvo... Ybaru Valentine Lorenzo ang buong pangalan niya at 4th year med..." Nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay tinanong ko na din. Nagbabaka sakali lang.

Sobrang laki nitong UST at napakadami ding mag-aaral. So maliit lang ang chance na may koneksyon ang tatlong to sa kaniya.

Ilang segundo na ang lumipas pero wala padin akong natatanggap na response sa mga lalaki, sa halip gulat, nagtataka, at di makapaniwala ang mga ekspresyong naka guhit sa mga mukha nila.

"V-Valentine...? Si Val ang pinunta mo dito? As in Valentine Lorenzo...Ybaru??" Uutal-utal na pahayag ni Guy 1.

Tumango-tango naman ako sa kaniya. Para akong nabuhayan ng maisip na baka kilala nga nila. Yung maliit na chance na sinasabi ko kanina ay joke lang, totoong pabor saakin ang tadhana.

Nagkatitigan silang tatlo na para bang sa isip nag-uusap-usap ang mga ito.

"Si Valentine nga..." bulong ni Guy 3

Hindi ko man ma-gets ang reaction nila, alam ko naman na ang Yvo ko at Valentine na pinag-uusapan nila kanina ay iisa.

"Kilala niyo ba siya? Nasan siya? Pwede ko ba siyang makita?" hindi magkanda ugaga kong tanong.

"S-saglit lang haa, medyo sabog kami eh. Nasa library siya ngayon, tawagin ko lang para ano, bumalik diwa namin. Dito ka lang haa, kayong dalawa samahan niyo muna siya." Parang walang kaluluwang sabi ni Guy 1

Tumango naman ang dalawa pero halata paring hindi nagsi-sink in sa kanila ang mga nangyayari.

Ganon ba talaga ka big deal sa kanila ang pakikipag kita ni Yvo sa isang babae?

Makalipas ang mahigit kinse minuto, nanatili lang kaming tatlo sa isang tabi at wala ni isang nagtangkang magsalita. Hanggang sa humahangos na lumabas si Yvo at yung isang lalaki.

Napaayos ako ng tayo at napapigil hininga nang magtama ang mga mata namin.

Lumapit siya saakin habang kinakalma ang pahinga. Ako naman ay hindi mapigilang mapatitig sakinya. Napaka pogi kasi.

"Ashryfah, what are you doing here? Are you alone? Paano ka nakarating dito? Bakit hindi mo ako sinabihan? H-hindi man lang tuloy ako nakapag handa ng sarili, nasundo rin sana kita. " mahaba niyang sabi.

"Mag-isa lang akong pumunta dito, sumakay ako ng jeep para makarating at hindi kita nasabihan kagad kasi di ko alam pano sasabihin, pero nag text naman ako kanina nung nakarating nako, tinawagan pa nga kita kaso ayaw mag ring." Pagsagot ko naman sa mga tanong niya.

"My phone died, I'm charging it in library right now. Sorry I can't answer" he looked so sincere.

"Okay lang, nakita naman na kita ngayon. Dahil sa kanilang tatlo..."

Magpapasalamat talaga ako ng bonggang-bongga sa kanila huhu. Hulog sila ng langit, kingina.

Choose me, Yvo.Where stories live. Discover now