ALONE

820 8 0
                                    

A few days later.

Hindi naging maganda ang pakiramdam sa bawat araw na nag rereview kami ni Yvo. Hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya kasi ayaw kong maabala siya.

Lately hirap akong huminga at palaging nahihilo, mas lalo tuloy akong hindi makapag focus sa ginagawa.

Kaya kabadong-kabado ako ngayon lalo na't araw na ng aming exam. Pinagdadasal ko nalang sana na maging okay ako habang nag tetake.

"We're here." huminto sa Yvo sa pagbababaan ko, habang nagtatanggal naman ako ng seatbelt ay lumingon siya sakin. "Good luck with your exam, Bbi. I hope you do well, I love you."

Ngumiti siya saakin at sinuklian ko din naman iyon. As of now, wala pa akong nararamdaman na kahit ano so confident ako na magagawa ko naman ng maayos yung exam. Dagdag pa na nag good luck sakin si Yvo.

"Good luck din sayo, Yvo. After this week bakasyon na rin natin. Gala tayo ah. "

"Yes, we'll do that."

Bumaba ako sa kotse niya matapos namin magpaalam sa isat-isa. Pagpasok ko sa room ay nandon na si Sarah.

Nakaupo lang siya.

"Kamusta pag re-review mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Huh? Anong review? Di ko alam yun.  Nakakain bayon?"

"Bonak. Good luck nalang sayo."

"Good luck din sayo, accla." hindi na kami nakapag usap pa ni Sarah ng matagal kasi dumating na din yung prof namin para simulan yung exam.

I was okay on the first part of our test, alam ko ang mga sagot doon dahil napag-aralan ko talaga iyon ng mabuti. Pero pagdating sa bandang dulo nawala na ako. Nagtry ako ng nagtry na maalala kung ano yun pero hindi ko talaga maisip. Hanggang sa makalipas ang oras at maubusan ako nito. Pinasa ko ang papel ng may madaming blanko.

First subject palang iyon, at ang sabi ko ay babawi ako sa mga susunod na subject. Pero naulit lang din ang nangyari.

Nagmemental breakdown na ako dahil sa mga nangyayari. Paulit-ulit kong nginangatngat ang mga kuko ko hanggang sa hindi ko mamalayang nagdurugo na pala ito.

Akala ko yun na yon.

Nang ilang subject nalang ang natitira, bigla nanamang bumigat ang aking pahinga. Nanlalabo nadin ang mga mata ko dahil sa hilo. Hindi kona halos mabasa ang test paper ko, pero kahit ganon nagpumilit parin ako.

Kailangan kong masagutan to.

Kailangan kong maipasa to.

Pero ayaw talaga makisama ng katawan ko. Nabitawan ko ang ballpen at napahawak sa aking dibdib. Gusto ko manghingi ng tulong pero walang lumalabas na tunog sa bibig ko. Sumulyap din ako kay Sarah pero abala siya sa pagsagot ng test.

Walang nakakakita saakin.

Walang nakakaalam kung gaano na ako nahihirapan dito.

Walang nagtangkang lingunin ako. Parang hindi man lang nila naririnig ang bigat ng paghinga ko.

This feeling... I'm very familiar with this feeling.

Sanay na ako dito eh....

Niyuko ko nalang ang ulo ko at pumikit. Hindi na nagabala pang subukin sagutan ang exam. Isinuko ko nalang.

Dumilat nalang ako ng marinig ko ang senyas ng prof na tapos na ang exam at wala akong nasagot.

Pagtapos din ng araw na iyon ay hindi ako nagpasundo kay Yvo. Umuwi akl ng mag-isa sa condo at doon umiyak. Nagagalit nanaman ako sa sarili ko.

Nagtalukbong ako ng kumot at niyakap ang sarili. Humikbi ako ng ako lang ang nakakaalam.

Hindi naman kagad makukuha ang resulta ng exam, pero nahihimigan kona ang kalalabasan ng akin.

Nakakahiya.

Sinubukan ko naman eh.

Nagreview panga ako.

Pero dahil dito sa masamang pakiramdaman ko, nauwi lahat ng pinaghirapan ko sa wala.

Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko sakin?

Ano nalang ang magiging tingin sakin ni Yvo?

Nakita niya kung paano ako mag review dito. Magkasama kami nung mga panahong yun. Magiging palagay niya siguro ay wala namang pumapasok sa utak ko. Or kung may utak paba ako.

Ang tanda kona para ibagsak ang examination ko ng ganito.

Daig pako ng mga mas bata sakin.

Lumakas lalo ang pagiyak ko. Lumala din ang pagkirot sa puso ko. Sobrang sakit.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Gusto ko nalang umiyak ng umiyak.

Kinahihiya kona ang sirili ko, paano pa kaya yung mga taong nakapalibot sakin?

Pinagod ko ang isip at ang sarili ko nun hanggang sa makatulog.

At pagising ko mag aala una na ng hapon. Magangmaga ang mga mata ko, wala din akong gana bumangon kaya nanatili nalang ako sa kama. Di narin ako nagabala pang kumain.

Nakatulala lang ako habang nakahiga. Napansin ko pa ang patuloy na pag vibrate ng cellphone ko pero hindi ko man lang binigyan iyon ng kahit isang sulyap.

Papahinga muna ako sa lahat ngayong araw. Kahit ngayon lang.

Pagtapos nito magpapaka-okay na ulit ako. Haharap ako kay Yvo na parang walang nangyari. Tapos tutuparin namin yung plano naming gala since bakasyon na.

Ngayon lang talaga.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko at hinayaang makatulog muli.

Choose me, Yvo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon