[28] Suddenly It's Magic

46.2K 663 123
                                    

One look...one touch...words just won't say enough, when you fall inlove.

__________________________________________

Rain's POV

Nakasalampak kaming dalawa ni Reino sa sofa habang may benda ang ulo niya at may pasak na lollipop yung bibig niya at masama ang tingin sakin >>.<<

"Ano nanaman?" sita ko sa kanya kasi ang awkward nung silence eh! Sumimangot lang ito

"Wala. Masakit yung ulo ko" saad niya saka kinapa ang nakabendang noo. Eh kasi naman eh.

"Kasalanan mo yan kaya!" sabi ko sa kanya tsaka umingos. Pasimple ko siyang pinagmasdan. He wasn't wearing a shirt, ang macho ng ungas.

"Hanggang kelan ka ba dito sa bahay ko? Umuwi ka na nga" sabi ko sa kanya as he incredulously looked at me, saka umiling.

"Wala ka talagang pusong babaeng yakuza ka. Matapos mong halos hatiin na parang pakwan yung ulo ko ipagtatabuyan mo pa ako. Hindi ako makakapagdrive tatagas yung utak ko" he said saka ako sumimangot.

"Exag ka naman. O e di magpasundo ka sa ate mo" sabi ko sa kanya "Tutal Ate's Boy ka naman" dugtong ko pa.

"Ayaw ko nga, dito muna ako. Tsaka suot mo pa yang damit ko" sabi nito. Bigla naman akong tinamaan ng hiya. Ano bang nangyari kagabi? Pinagmasdan ko si Reino na nanatiling nakatutok pa din ang mga mata sa TV.

Rain focus ka lang sa mukha niya, sa mukha lang wag na bababa ang mapangahas na mga mata down there.

"Ano ba kasing nangyari kagabi?" tanong ko. Ang huling naaalala ko ay umiiyak ako ng dahil kay...

dahil kay...

Corvette...

bigla nanamang napuno ng kalungkutan ang puso ko.

My tenshi. Hindi ko sinasadyang saktan siya. Kung kaya ko lang turuan ang puso ko. Pero napalingon ako kay Reino. I felt myself blush. I curled up on the sofa as I hugged my knees. I was still wearing his polo shirt and a pair of shorts now. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko...

tuturuan ko bang hindi mahalin si Reino?

napasulyap ako sa kanya.

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now