[10] Beautiful Monsters

48.4K 655 79
                                    

Magsisipag na nga akong mag-update! pagkatapos ng The Famous Meets the Ordinary sana po ay subaybayan niyo din yung iba kong kwento ha? hohoho especially po yung Lady Killer Series :) may part po si Corvette sa mga kwento ko kasi pag grand finale siya! lol yun ay kung di ko siya isingit nalang dito nyahahaha! ayun game na!
____________________________________________________________________________________

Lena's POV

Putang inaaaaaaaaaaaaa~ oo nagmumura ako! bakit?! hindi bawal magmura sa mundong ibabaw! at putang ina talagaaaaaaaaaa!!!!

Tutulungan daw niya akong mabawi si Aston pero ano'ng ginagawa ng matandang hukluban na ito?! inaalipin lang ako eh! salaksakan ko kaya ng drift wood yang baga niya! =_________= leshe! pauwiin daw ba lahat ng katulong?! pagkatapos ako ang pagagawin ng gawaing bahay?!

Tawag tawag pa ako sa campo nagrequest ng transfer sa intelligence division muna kasi hindi ako makakapag report araw araw pagkatapos eto lang ang gagawin ko? magiging aliping saguiguilid ng matandang ito?!

"Bilisan mo sa garden Lena magluluto ka pa! Not to mention lilinisin mo pa yung music room!" sabi pa nito

+_______________________+

Maiintindihan naman siguro ako ng mundo kung sakaling magbura ako ng ilang inaanay ng 'drift wood' sa ibabaw ng planeta hindi ba?!

At yung unggoy na Aston naman na yun! walangya! may taping sa Singapore di man lang nagpasabi kahit pa ba balikan lang siya! Well ano pa nga ba ang aasahan ko dun? Tama naman yung sinabi ng lola niya eh na wala na talagang pakialam sa akin si Aston. Nakakainis! Loko kang unggoy ka ah! akala mo ah! pagkatapos ng kaartehang ito magiging under ka na ulit!

Hayy miss ko na yung unggoy ko na busy sa pagpapaka gorilya! pero tulad nga ng sinabi ng lola ni Aston, matigas ulo nun eh! sintigas malamang ng titanium hindi ko mapapa-amo yun ng basta basta lalo pa ngayon. Pero hindi na ako mag-eemo, hindi na pwede walang mangyayari kung puro ka-emohan sa katawan lang ang gagawin ko.

 Pero wala ding mangyayari sa akin kung puro pagdadamo lang sa garden ang gagawin ko! hindi ako kambing para trabahuhin ito! Powtek! Kaya naman nangigigil na pumasok ako sa loob ng bahay!

"Grandmere! Yung totoo?! Paano ko mababawi si Aston kung puro pagdadamo lang ang ginagawa ko dito?!" sigaw ko sa loob ng bahay habang ang matandang hukluban ay busyng busy sa paninigarilyo! grrr! nakakapikon na itong matandang ito kahit kelan talagaaaa~

"O kung ayaw mo eh di sumunod ka sa Singapore, ang hirap sa iyong bata ka wala kang pasensya! napakamainitan ng ulo mo kaya lagi kang sopla ni Volt eh. Paano mo siya makukuha kung simpleng pagdadamo lang eh nirereklamo mo pa? napakareklamador ng kabataan ngayon! kung gusto mo magsumbong ka sa barangay" sabi pa nito napasimangot tuloy ako! ibalik niyo nalang pala yung inggliserang matanda! nagtatagalog na nga ngayon wagas naman mamabara! hmp! =___= mangkukulam! >.<

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now