Chapter 13 (Returning Memories)

25 4 1
                                    


(10 years ago)


"Papa, I still want to live and have a happy life with you and mama"


Bigkas ng isang batang babae na nagngangalang Thana habang hawak hawak ng kanyang ama ang kanyang mga maliit na kamay. May anim na pares ng mga mata ang nakatingin sa nanghihinang bata.


"Oo naman anak, you will live. Hindi ko hahayaang mamatay ka ng ganito" Umiiyak na sabi ng ama niyang si Leo na halos hindi na alam ang gagawin ng dahil sa patuloy na pagsuka ng anak niya ng dugo.


Ang kanyang ina at lola ay halos mawalan ng malay habang patuloy na nagiisip ng paraan kung paano ililigtas ang kanyang anak.


Inatake ng mga Neonates ang bayan ng Radvark, halos lahat ng mga taong naninirahan dito ay walang awang pinaslang ng mga bampira. Ang pamilya na lamang nina Leo ang natirang buhay kasama ang kanyang mga mabubuting bampirang kaibigan na sina Claro at Allesandro.


Nailigtas din ng dalawa ang kanilang mga anak na sina Cian at Marco. Binata na ang mga ito ngunit tumigil ang kanilang pagtanda nang umabot sila ng labing walong taong gulang.


"Papa isang paraan lang ang makakapagligtas sa batang yan!" Suhestyon ni Marco na halos sugatan dahil sa pakikipagpalaban sa mga neonates.


"No! Hindi maaari! Hindi niyo pwedeng gawing bampira ang anak ko! Hindi ako papayag!" Mariin na sabi ng ina ni Thana habang umiiyak.


Nakagat ng isang neonate ang batang babae at ang tanging paraan lamang upang mailigtas siya mula rito ay ang alisin ang dugo ng neonate na unti unting pumapasok sa kanyang katawan at palitan ng isang dugong bughaw na bampira na tanging ang anak lamang ni Claro na si Cian ang makakagawa.


Ngunit kapalit nito ay ang pang habang buhay na pagiging bampira ng batang si Thana.


"Wala na tayong magagawa pa Aisa, mamatay ang anak mo!" Malakas na sigaw ng lola ni Thana. Muli na naming uminda sa sakit ang bata at halos mawalan na ng hinanga. Dahil dito ay si Leo na ang nagdesisyon.


"Nakikiusap ako Claro, iligtas niyo ang anak ko." Pakiusap ni Leo sa kanyang kaibigan. Isang dugong bughaw si Claro ngunit tanging ang kanyang anak lamang ang may kakayahang alisin ang dugo ng neonate kay Thana.


"Nahihibang kana Leo. Marami pang ibang paraan!" Hindi makapaniwalaang sagot ni Aisa."Gusto mo ba talagang maging bampira ang anak mo?" Dagdag pa nito.


Malaki ang galit ni Aisa sa mga bampira kaya oras na maging isa na rin sa mga ito ang kanyang anak ay maaaring kamuhian niya rin ito.


"Hindi ko hinihinngi ang opinyon mo Aisa. Ikaw ang dahilan kung bakit nagaagaw buhay ang anak natin. Ako ang magdedesisyon." Mariin na sabi ni Leo.


Tinignan niya muli si Claro at tumango ito.


Hinakawakan ng mag-amang si Allesandro at Marco si Aisa upang wala hindi makalapit ito sa kanyang anak at sa balak nilang gawin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Transcendent Love (A Vampire Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon