Chapter 5 (Living in a New World)

1.5K 103 10
                                    

"Sometimes, I just want to be alone and avoid meeting new people." -Adreana Kali Akeldama

Adreana Kali's POV

Hindi ko alam kung eskwelahan ba talaga tong nasa harapan ko o palasyo. Triple yung laki niya sa dati kong eskwelahan sa Mandelin. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may ganito palang klaseng University sa Radvark.

Bigla tuloy akong nahiya kasi feeling ko hindi ako bagay sa lugar nato. Mukha kasing mga mayayaman at may mataas na ranko ang mga nag-aaral dito. Tsk, hindi naman ako katulad nila. Ibang iba ako sa kanila.

Pagkatapos kong mamangha sa ganda ng Radvark University ay pumasok na ko. Hindi ko pa kasi alam ang schedule ko kaya kailangan kong pumunta sa Faculty para doon ko kunin yung copy.

Naglakad na ko papasok pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Sobrang dami na ng mga estudyante ang nasa loob. Ang buong akala ko ay konti palang sila dahil nga sa masyado pang maaga. Tuluyan na tuloy akong nahiya. Huehue. Pagkapasok ko palang kasi ay sa akin na lahat sila nakatingin.

Yung mga mata nila, parang sinasabi na 'Anong ginagawa ng isang to dito?' 'Bago ba to?' 'Sino tong babaeng to?' Lupa, lamunin mo na ko. Ngayon din! Huehue. Ayoko na. Ayoko na talaga.

Sinubukan kong hindi nalang sila pansinin at nagconcentrate nalang sa paghahanap sa faculty. Kahit hindi ko man sila tignan isa isa ay alam kong nakatitig lahat sila sa akin. One thing that I hate the most is being the center of attention. Ayoko talaga ng atensyon ng ibang tao. Call me introvert if you want. Well, mas prefer ko naman talaga ang matawag na introvert.

Damn it. Asan ba ang pesteng  faculty na yon?!

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad nung may biglang bumangga sa akin.

"Ouch!" Punyemas, ang sakit ah!

"Sa susunod kasi tignan mo muna yuung dinadaanan mo." Aba! Sira ulo tong isang to ah! Ako na yung nasaktan, ako pa yung may kasalanan!

"Excuse m---- Marco?!"

"Hi, Kali." Dito din siya nag-aaral? Ewan ko pero bigla akong natuwa nung nakita ko siya kasi atleast may kakilala na ko kahit isang tao lang dito sa school. Huehue.

"Dito ka din nag-aaral?" Tanong ko sa kanya. Feeling ko mas lalong dumami ang mga nakatitig sa akin dahil sa kausap ko ngayon si Marco sa gitna ng hallway.

"Hindi ba halata?" Ayan na naman po siya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Minsan ayoko na rin siyang kausapin kasi ganyan palagi yung mga sagot niya. Tsk.

"Biro lang. Oo, dito ako nag-aaral at dahil sa mabait ako, sasamahan kita ngayon dahil first day mo. Baka kung ano pang mangyari sayo, patay ako kay Tito Leo." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Pero ramdam ko na mas naragdagan ang mga mata na nakatingin sa akin. Bakit? Dahil ba sa kausap ko si Marco? Tsk. Siguro sikat ang mokong na to dito sa school.

Napaatras ako nung bigla nalang lumapit sa akin si Marco. As in super lapit talaga!

"Nasisiraan ka na ba?!" Pabulong na sabi ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako at biglang nilapit ang ulo niya sa tenga ko.

Sira ulo tong isang to!

"Don't mind the people around you. Mga inggit lang yang mga yan dahil ngayon lang sila nakakita ng taong mukhang prinsesa." OH.MY.GOD. Pagkatapos niyang sabihin yon ay nginitian niya lang ako at nagsimula ng maglakad. Did I heard it right? Mukha daw akong prinsesa? Wahhh! Walang hiya kang Marco ka! Namumula tuloy yung pisngi ko. Huehue. Sinundan ko nalang siya at naglakad na rin kasabay niya.

Transcendent Love (A Vampire Story)Where stories live. Discover now