Chapter 2 (New Friend)

2.2K 118 19
                                    

"Making friends is not hard... but trusting them is the hard thing to do."
-Adreana Kali Akeldama

Adreana Kali's POV

Time check. 6:30 am. Maaga akong nagising ngayon at hindi ko alam kung bakit. Kanina pa ako nakapaghilamos pero nakapantulog parin ako, nakakatamad magpalit ng damit. Sunday ngayon at ang balak ko lang ay ang magstay sa bahay buong araw since wala naman akong kakilala dito bukod kay Papa.

Binuksan ko muna ang bintana ng kwarto ko para makapagmuni muni. Nakakamangha lang kasi may puno sa tabi ng bintana. Hindi ako mahihirapang takasan si Papa neto. Hahaha. Pero as if namang tatakasan ko si Papa, baka kung ano pang hindi magandang mangyari sa akin no. Bago pa man din ako dito.

Tinignan ko ang mga sasakyang dumadaan. Nakakapagtaka lang kasi halos kotse lahat ng nakikita ko. Wala pa akong nakitang naglalakad na tao. Tsk. Siguro mayaman lahat ng nakatira dito kaya nakakotse lahat sila.

Isasara ko na sana yung bintana nung bigla akong may nakitang mag-ina na naglalakad sa daan. Sa wakas! Hahaha. May tao rin akong nakita. Magkahawak sila ng kamay. Wahhhh~ ang puti nila, sobra. Kakainggit naman. Huehue.

"Kali! Kumain kana dito ng almusal!" Sigaw ni Papa sa baba.

"Bababa na po!" One thing I like about my father is that he's a good cook. Swear! Dali dali akong bumaba at nakita ang mga pagkain na nakahanda sa mesa. Woah! Ang dami!

Umupo na agad ako at sinabayan ako ni Papa sa pagkain.

"Hey little girl. May trabaho ako ngayon, kaya mo bang mag-isa dito?"

"Don't worry about me Pa. Kaya ko na po no. Ah.. pa?" Gusto ko sanang itanong kay Papa kung bakit ang tahimik sa bayan na to unlike Mandelin na sobrang ingay. Feeling ko tuloy hindi ganoon kafriendly ang mga tao dito.

"Bakit?" Itatanong ko ba? Baka sabihin ni Papa, masyado akong mapanghusga. Tsk. Pero sige na nga.

"Bak---" naputol ang sasabihin ko nung may biglang kumatok. Ano ba yan. Panira ng moment. Tss.

"Kali, ikaw na ang magbukas ng pinto. Ililigpit ko lang tong pinagkainan natin." Sabi ni Papa sa kin. Bakit ako?

"Opo." Pumunta na ko sa sala at binuksan ang pinto. May lalaking nakatayo sa harapan at base sa suot niya, pulis din siya gaya ni Papa. Gwapong pulis.

"Sino po kayo?" Ang gaga ko talaga eh no. Halata namang katraho siya ni Papa.

"Ah. Alessandro ang pangalan ko iha. Tawagin mo nalang akong Tito. Ikaw siguro ang anak ni Leo? Kali? Tama ba?" Tanong niya sa akin sabay ngiti. Tumango nalang ako bilang sagot.

Papapasukin ko na siya nung biglang may nagsalita sa likod ko.

"Oh. Nandiyan kana pala. Kali, aalis na kami, sigurado ka bang kaya mo ng mag-isa dito?" Tanong sa akin ni Papa. Kanina niya pa tinatanong yan ah.

"Pa. Kaya ko na po. Sige na po, go na. Baka malate pa kayo sa trabaho." Ipinagtulakan ko na siya palabas. Natatawa naman kaming pinanuod ni Tito Alessandro. Ang kulit kasi ni Papa eh.

"Leo. Gusto mo bang papuntahin ko dito ang anak ko para bantayan si Kali?" Ano daw? Ako papabantayan? I'm not a baby anymore para bantayan. Kaya ko na ang sarili ko and ayoko munang makipagsocialize sa mga tao rito. Mas gusto ko pang mag-isa.

"Ah. Huwag na po Tito, kaya ko na po talaga." Pakiusap ko sa kanya.

"Good idea Alessandro. Mas mapapanatag ang loob ko kung nandito si Marco. Para na rin magkaroon ng bagong kaibigan ang anak ko." Papa naman eh! Hindi makapaniwala ng tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata. Naman eh, ano bang hindi nila maintindihan sa sinabi ko? Kaya ko na nga. Kaya. Ko. Na. Atsaka lalaki yung anak ni Tito, baka kung anong masamang gawin sakin non.

Transcendent Love (A Vampire Story)Where stories live. Discover now