Chapter 3 (Unanswered Questions)

1.6K 108 4
                                    

"It's better for her not to know everything." -Marco Louise Vinil

Adreana Kali's POV

Oh. My. Gosh. May balak ata talaga si Marco na patayin ako. Paano ba naman. Nandito kami ngayon sa bukana ng isang gubat. Hindi naman masyadong nakakatakot kasi nga umaga pa. Kaya lang just by thinking na papasok kami diyan, oh darn. Mukhang aatakihin na ko sa puso.

Muntik na ngang humiwalay ang kaluluwa ko kanina dahil sa bilis niyang magdrive ng motor eh. Yes, you heard it right. Motor ang sinakyan namin. Katakot takot na motor.

"Hey. Tatayo kana lang ba diyan?" Tanong ng sira ulo kong kasama. Damn you! Dapat pala hindi na ko sumama kung dito lang pala tayo pupunta! Sinamaan ko siya ng tingin at nagsalita.

"Nasiraan kana ba talaga ng bait o sadyang sira ulo ka na talaga? Ipapaalala ko lang sayo Marco ha. Nasa gubat tayo. As in, GUBAT. Malay ba natin kung may mababangis na hayop pala diyan at baka kainin tayo ng buhay. Kung gusto mong magpakamatay, aba naman. Huwag mo na kong idamay, Ikaw na lang. Don't worry, I wi----hey! Ano ba!" Bakit ba palagi niya nalang pinuputol ang sasabihin ko? Tsk. Hatak hatak niya ko ngayon.

Argh. Ang higpit pamo ng pagkakahawak niya sa wrist ko tapos ang init pa ng kamay niya. Hindi ko alam kung sana niya ko dadalhin. Kahit gustuhin ko mang kumawala sa pagkakahawak niya, hindi ko kaya, masyado siyang malakas.

Hay, bahala na. Nagpahatak nalang ako sa kanya ng tuluyan. Pag naman talaga may nangyaring masama sa akin. Siya mismo ang una kong mumultuhin. Tsk. Bakit ba ang bilis niyang maglakad?!

"Hoy! Bagalan mo namang maglakad!" Hindi naman niya ko pinansin at patuloy lang siya sa paglalakad. Damo damo paman din ang dinadaanan namin. Wala akong ibang makita kundi puno, puno, at puno. Hayyy buhay.

Mukhang naramdaman naman niya na nanghihina na ko dahil sa haba ng nilakad namin kaya naman binagalan na niya ang paglalakad. Salamat naman. May puso din naman pala tong sira ulong to eh. Bigla naman siyang huminto dahilan ng pagkakabangga ko sa likod niya. Aray ah! Putik! Parang bakal yung likod niya. Ilong ko pamo yung napuruhan. Huehue.

"We're here." Mahinahong sabi ng nasa harap ko. Napatingin naman ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa harapan habang nakangiti. Sinundan ko ang tingin niya at nagulat sa nakita. Oh my gosh!

"Ang ganda." Let me rephrase that. Sobrang ganda. Wahhh! I never imagined na may ganito pala kagandang lugar sa Radvark. Kung kanina ay puro damo ang dinadaanan namin, ngayon naman puro bulaklak. Tons of flowers. Para akong nasa isang napakalaking hardin na puno ng bulaklak at halaman.

"Tsk. Parang kanina lang ayaw mong sumama sa akin. Tapos ngayon naman, pa---"

"Shut up." Wala ako sa mood magsalita ngayon. Masyado akong nahypnotize sa ganda ng lugar na to. Naglakad ako papunta sa gitna habang minamasdan ang paligid. Naramadaman ko namang nasa likod ko lang si Marco at sinusundan ako.

Nagstop ako sa gitna at umupo. Tumabi naman sa akin si Marco at umupo. Nawala bigla lahat ng inis ko sa kanya.

"Thank you... for bringing me here."  I'm really thankful na dinala niya ko sa napakagandang lugar nato.

"Alam ko namang magugustuhan mo dito. Isa to sa mga pinangangalagaang lugar ng Radvark. Only few people know this place."

Ang swerte ko naman pala kung ganon. I am one of those few people now.

"Bakit mo nga pala ko dinala dito? Nga pala, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo kanina!" Humarap ako sa kanya at tinititigan siya ng masama. Natawa lang siya sa istura ko at ginulo ang buhok ko. Damn you! Tumingin lang ulit siya sa harapan and I did the same thing. Baka na love at first sight sa akin ang isang to kaya dinala niya ko dito. Wahahahaha. Okay, ako na ang assuming.

"Sabihin nalang nating ito ang paraan ko ng pagwewelcome sayo. Tsk. Baka isipin mo na love at first sight ako sayo kaya dinala kita dito ah! Ngayon palang sasabihin ko na sayo, may iba akong gusto at hindi ikaw yon." Kapal! Walang hiyang lalaking to! Paano niya nalaman yung iniisip ko? Manghuhula kaya ang isang to?

"As if namang gusto kita no. Huwag masyadong assuming." Totoo naman kasi yung sinabi ko. This is just the first time na nakilala namin ang isa't isa. Ang bilis naman ata kung magkakagusto na ko sa kanya. Kahit sinabihan ko siya ng gwapo, ewan lang pero wala talagang spark eh. Hahaha.

Pero seryoso, I've never been in love before. Hindi naman sa mapili ako, pero naniniwala kasi ako sa first and last love and I know that I'm too young for that. I will just wait here and let destiny do his job.

"Good to hear. Atsaka kahit magkagusto man ako sayo, iba parin ang makakatuluyan mo." Natatawang sabi niya.

"Paano mo naman nalaman yan? Sabihin mo nga, manghuhula ka ba?" Kanina pa kasi siya eh. Parang nababasa niya lahat ng nasa isip ko. Ang creepy lang kasi.

"Ang gwapo ko naman para maging manghuhula. Tss. Malakas lang talaga ang pakiramdam ko sa mga bagay bagay." I don't know pero ang mysterious ni Marco. Parang ang dami niyang tinatagong sikreto sa likod ng ngiti niya.

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo kanina tungkol sa Radvark." Pansin ko lNg na palagi niyang iniiwasan yung tanong ko sa bayan nila-- I mean bayan namin.

"Sinabi ko na sayo na iba ang Radvark sa Mandelin." Ayan na naman po yung nakakabobong sagot niya.

"Marco naman eh. Alam kong magkaiba yung dalawa pero sa anong dahilan?!" Umiinit na naman ang ulo ko dahil mukhang tinopak na naman tong kasama ko.

"Basta magkaiba sila, okay? Huwag nang makulit pa Kali. Masasagot din naman ang tanong mo sa paglipas ng mga araw. Hindi lang talaga ngayon ang tamang panahon." Hindi na ko nagtanong muli dahil alam ko namang hindi niya ako sasagutin.

Mga tanghali na nung naisipan na naming umuwi at kumain ng lunch.

-END-

Chapter 3, done! Yieeh naman, nakatatlong chapter na ko. Hahaha. Boto ba kayo kay Marco para kay Kali o hindi? Kung ako sa inyo, hintayin niyo muna yung ibang characters. Hahaha. Don't forget to comment. Bye bye!

Transcendent Love (A Vampire Story)Where stories live. Discover now