Chapter 4 (The Place Where Everything Starts)

1.6K 91 2
                                    

"Hundreds of people already looked down on me but the hell I care." - Adreana Kali Akeldama

Adreana Kali's POV

It's Monday today and this is my first day in Radvark University. I really don't know what to feel. Kakabahan ba ko o maeexcite, or should I need to feel both. Huehue.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin, hinihintay ko si Papa. Sabi niya kasi ihahatid niya ko since hindi pa ganon kafamiliar sa akin ang lugar na to. Atsaka as if namang maglalakad ako papunta sa school ko, baka kung ano pang mangyari sakin no.

I'm already wearing my new school uniform. Dark gray skirt na 3 inches above the knee, white long sleeves na pinatungan ng maroon blazer at dark blue na necktie na may yellow lining. It's kind of awesome to wear this though. Dati kasi sa dati kong school sa Mandelin, walang school uniform. We're free to wear whatever we want basta ba disente and komportable kami.

"Hey, little girl. Tara na." Ayan na naman po siya. Ayoko talagang tinatawag akong little girl. Duh. I'm not a kid anymore. Pero dahil Papa ko ang tumatawag sa akin non, it's okay for me.

Sumakay na kami sa kotse at nagsimula na siyang magdrive. Dadaanan na naman ba namin yung creepy na gubat? Susme, sana hindi.

"Ang aga aga, nakakunot na nga yang noo mo." Sabi sa akin ni Papa. Kasi naman. Hindi ko talaga mapigilang hindi mag-alala kung anong pwedeng mangyari sa akin mamaya sa RU. Siguradong magtataka ang mga estudyante kung bakit ako lumipat kahit 3rd quarter na. Anong sasabihin ko kapag tinanong nga nila yon?

"Pa. Anong klaseng mga estudyante ang nag-aaral sa Radvark University?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam anak. Hindi pa man ako nag-aral don." Grabe. Ang tino ng sagot ni Papa. Baka naman si Marco talaga ang anak niya at hindi ako. Pareho kasi silang pilosopo. Kainis.

"Pa naman!" Nagtatampo kong sabi sa kanya. Ang ayos ayos ng tanong ko. Huehue.

"Hahaha. Sorry. Hindi ko alam kung anong klaseng estudyante ang nandoon anak pero sinisigurado ko sayo na may magandang maidudulot sayo ang paaralang yon." Sincere na sabi niya. Pag ganito na si Papa, panatag na ko na totoo ang mga sinasabi niya. Siya lang pinagkakatiwalaan ko sa ngayon, wala ng iba.

"Sabi niyo po eh." Sabi ko habang nakangiti.

Ilang minuto lang ang nakalipas at laking pasasalamat ko at hindi namin dinaanan ang masukal na gubat na yon.

Biglang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang luma at sira sirang gate. Eyy? Bakit kami nandito? Walang namang mga estudyante dito ah. Katabi kasi ng gate ay sangkaterbang puno ang nakatanim. Tapos pati yung loob puro puno lang din.

Hindi ko tuloy alam kung anong meron sa loob kasi natatakpan ng mga puno.

"Pa. Naliligaw ba tayo?" Nakakapagtaka lang talaga kung bakit dito kami huminto.

"Hindi tayo naliligaw anak. Ito na yon. Ang Radvark University." Ano daw?! Wait. Nabingi ata ako sa sinabi ni Papa.

"Pa, hindi magandang biro yan." Duh. Paano magiging eskwelahan tong parang gubat at hunted na lugar na to.

"Hindi ako nagbibiro anak. Ito na talaga ang bagong eskwelahan mo." Ano bang pinagsasabi niya?

Bigla nalang bumusina si papa dahilan ng pagkagulat ko. May lumabas namang isang matandang lalaki out of nowhere. Nakaitim na damit siya, as in pure black. Parang yung sa men in black. Saan kaya to galing? Naglakad siya patungo sa gate.

"Pa, sino yan?" Tanong ko kay papa pero imbis na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya.

Magrereklamo na sana ako nung biglang binuksan nung lalaki yung gate.

"Sige na anak. Baba ka na, siya ang maghahatid sayo sa Radvark University. Hindi kasi pwede ang mga sasakyan sa loob kaya hindi na kita maihahatid don." Tinignan ko naman yung lalaki at nakatingin din pala siya sa amin.

"Pero pa! Paano ku---"

"Hep. Wala ng pero pero. Malelate kana. 7:00 na oh kaya naman bumaba kana diyan." Wahhh! Pinagtatabuyan na ko ng sarili kong tatay. Kainis.

"Okay po. Bye pa, ingat sa pagmamaneho." Ngumiti naman siya at bumaba na ako ng kotse. Sinuot ko muna yung jacket na dala ko, ewan ko ba kung bakit ang lamig ngayon.

Kinawayan ko si Papa mula sa bitana ng kotse. He did the same thing.

"Enjoy your first day anak." Pagkasabi niya non ay nagmaneho na siya paalis. Mukhang wala na kong choice kundi ang lumapit kay manong na nakaitim.

Babatiin ko sana siya nung bigla siyang naglakad papasok sa loob. Ano ba yan. Sinundan ko nakang siya. Halos puno ang nakikita kong dinadaanan namin pero dahil sa maaga pa naman, hindi ganoon nakakatakot. Pero iniisip ko palang na araw araw akong maglalakad sa daan na to, kinakabahan na ko. Huehue.

Dire diretso lang siyang naglalakad. Gusto ko sanang magtanong kaya lang baka mapahiya lang ako. Ang sosyal naman kasi masyado ng school na to.

Nagulat nalang ako nung unti unti ng nawawala yung mga puno sa dinadaanan namin, mukhang malapit na kami. Ano kayang istura ng Radvark University. Sana walang mga bully. Tsk.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay tumigil na si kuyang nakasuit sa paglalakad. Bigla siyang lumingon sa direksyon ko.

"Nandito na tayo." Pagkasabi niya non ay agad na siyang umalis.

"W-wait!" Hindi niya ata ako narinig at bumalik na siya dun sa kakahuyan. Ano ba yan, bakit ba ako laging iniiwan ng mga tao? Huehue. Kainis.

Pero ano daw sabi niya? Nandito na kami? Tinignan ko ang paligid. Wah! Ang ganda! Parang garden na may pathwalk sa gitna. Tapos may mga bench pa sa ilalim ng puno. May mga iilang estudyante na ang nakaupo sa bench habang nagkukwentuhan. Mukhang hindi naman nila ako napapansin. Ibinsling ko na lang ang titig ko sa harapan and to my surprise. May isang malapalasyong eskwelahana ang nakatayo sa harapan ko ngayon.

DAMN. Ito ba talaga ang University na papasukan ko?

-END-

Transcendent Love (A Vampire Story)Where stories live. Discover now