Chapter 8 (Destined To Meet)

1.4K 94 17
                                    

Adreana Kali's POV

"Good evening, Rex."

Rex? Nakatayo parin kami hanggang ngayon habang pinagmamasdan ang lalaking kakapasok lang. Shit.

Akala ko at titigil siya para batiin kaming lahat pero dirediretso lang siyang naglakad papunta sa table nina Rana. Feeling ko ang bigat sa pakiramdam ng bawat hakbang niya. Damn. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Nginitian siya nung tatlo pero wala parin siyang pinapakitang emosyon. What's with this guy?

Nung makaupo na siya ay doon palang umupo ang mg estudyante. Wooh. Salamat naman at makakaupo na.

Ang dami kong gustong itanong kina Marco at Selene pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Atsaka magsimula ng dumating yung tinawag nilang Rex ay wala ata ni isang estudyante ang nagsalita.

Napipi ata lahat kami dito. Pakiramdam ko kasi oras na magsalita ako ay yun narin ang katapusan ng buhay ko.

Good thing dahil nakatalikod ako sa kanila. Dude. Sinong gugustuhin na tumingin sa kanila lalo na pag kunakain? Parang nilalapit ko si Kamatayan sa akin no!

Nagmadali nalang akong kumain at napagdesisyonan ko na na magtanong kina Selene. Bulong lang, siguro naman hindi nila ako maririnig non no?

"Who's Rex?" Bigla namang napatigil sa pagkain sina Selene at Marco sabay tingin sa akin na parang isa akong mamatay tao.

"What?" Tanong ko sa kanila. Pero kasabay non ay ang pagiiba ng timpla ng paligid. Wahhh! Bakit feeling ko narinig ako ng mga ibang students?!

Tumingin ako sa paligid at tama nga ako nakatitig ng masama sa akin ang iba. Yung iba naman halatang walang narinig.

Pero duh! Bulong lang yon! It's just impossible if they heard me!

Hindi ko alam kung bakit pero biglang nanlamig ang likod ko. Shit.

Feelin ko nakatitig din sa akin yung mga nasa likod including that.... Rex.

Just by thinking of it parang mamatay na ko. Jusko.

"Kali. Just eat, okay?" Sabi sa akin ni Selene. Pero etong si Marco seryosong nakatingin lang ng diretso sa akin. S-sa akin nga ba? Pakiramdam ko kasi nakatitig siya sa mga taong nasa likod ko at hindi sa akin.

Pinabayaan ko nalang siya at kumain nalang ako gaya ng sinabi ni Selene. I reay don't know kung bakit nagkakaganito ang mga estudyante.

Sino ba talaga si Rex at parang kontrolado niya ang lahat? Does it really mean that he is the King? But he's too young to be a king!

Pero just by looking at him, maiisip mo na may kakaiba sa kanya. Argh! I better stop. I don't want to die at a young age.

After we finished eating, tatayo na sana kami nung maybiglang nagsalita. Hinanap ko naman kung sino yon...

Nagsisisi naman ako kung bakit pa ako tumingin sa likod. Huehue. Kainis. Si Rana yung nagsalita at nakatalikod siya sa amin pero sa harapan niya ay ang Rex kaya parang magkaharapan kami.

"Listen everyone. After dinner, go straight to your dorm. Wala ng pupunta pa kung saan saan. Once na nahuli kayo na pakalat kalat sa school or sa dorm. Alam niyo na ang mangyayari."

Transcendent Love (A Vampire Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora