Chapter 5

10 2 0
                                    

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Bumangon akong nakapikit habang nakahawak sa noo na para bang kinukumot ang sakit nito.

Pero ganun na lang ang pagkatigil ko ng may maalala ako.

Ang mga ungol namin... Kung paano namin ginawa yun... At kung ilang beses namin ginawa yun kagabi... Siguro nasa mga six rounds lang?

Ayaw kong idilat ang mga mata ko, natatakot ako... Baka sa pagdilat ko, totoo nga. I'm just scared for some unknown reason.

Idinilat ko din ang mata ko at sinilip ang katawan kong natatabunan ng comforter. Confirmed... Sinubukan kong igalaw ang mga hita ko at napatakip na lang ako sa mukha ko ng makaramdam ng hapdi sa gitna ko.

Pero sa huli, wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Na nakuha na ako... Ang pinangako ko sa sarili ko na hindi ko gagawin ay nagawa ko na... Nadala ako sa tukso na nararamdaman ko... P*tang*na naman oh...

Hindi ko naramdaman ang pagbagsak ng mga luha ko... Ang ka isa-isahang iniingatan ko ay nakuha ng maling lalaki...

Kahit masakit ay sinubukan kong umalis sa kama para makapaglinis. May nakita akong damit na nakalagay sa kama at may naiwang note dun. Dahan-dahan at maingat ang bawat paghakbang ko para makuha ang sulat.

Wear this.

That's all it says.

Dumapo ang tingin ko sa kama at nakita ko ang mantsa ng dugo dun na pinapamukha na talaga sa'king nakuha na ako...

Hindi ko alam ang gagawin ako, sigurado akong umalis at iniwan na niya ako sa kung kanino mang bahay at kwartong ito.

I walked to the bathroom and started to clean my body. As the water splashed on my body from the shower, I couldn't help but to blame myself.

Kasabay ng tubig na pumapatak pababa sa mukha ko ay ang luhang dahilan ang pandidiri ko sa sarili ko...

"Ang dumi ko..." Pinigilan ko ang humagulgol.

Hindi ko naman pwedeng sisihin siya sa nangyari sa'min dahil naiintindihan kong lalaki siya, at mahirap sa kanila ang pigilan ang libog na nararamdaman. But last night, he was able to stop it, but I was the one who insisted on continuing. It's my fault.

I always promise to myself that I will only give this to the man I will marry and who will love me unconditionally. But here I am now, pinipilit na linising mabuti ang katawan at nagbabakasakaling maibalik ang malinis na ako.

Ako yung babaeng nagagalit sa mga babaeng malandi, like paano nila nagagawa yun? Nagagalit ako sa mga babaeng basta-basta na lang bumibigay, pero here I am now... Nangyari ang lahat ng yun sa'kin... Kaya sa susunod, ayaw ko ng magsalita ng patapos dahil halos na lang ng sinasabi ko, kinakain ko.

Gamit ang puting tuwalya ay humarap ako sa salamin at tinititigan ang sarili...

Ang daming lalaki diyang uhaw sa atensyon ko, pero di ko man lang kayang punan ang hinihingi nila kahit na isang 'oo' man lang ay hindi ko maibigay sa kanila kahit matagal na silang naghihintay. Sometimes I feel like I'm taking the wrong path just to find the right one for me. Who knows? Maybe one of those men I rejected is the one for me.

Kung sino pa yung gustong mabigyan ng atensyon ko ay ang siyang hinihindian ko, pero kung sino naman yung ayaw ng atensyon ko siya naman ang pinagbigyan ko.

Lagi na lang na nasa huli ang pagsisisi... Kaya ang masasabi ko lang dun sa mga taong nagsisisi sa huli tulad ko. Hangga't nandiyan pa, wag sayangin ang pagkakataon na makapiling. Kung hindi man kayo sigurado, hintayin niyo lang. Hindi man lahat ng bagay ay nasusuklian, but when it comes to love, all you need is to wait... Maghintay hangga't mapunan lahat ng kulang... Waiting takes process, kaya sa bawat prosesong yun wag na wag niyong hahayaang yun pa ang maging dahilan para mawala at magkalayo kayo sa isa't-isa.

'Till We Meet AgainWhere stories live. Discover now