Chapter 2: Back

13K 255 2
                                    

Guys!! Heartbreakers Season 2 is now available on National Bookstore. Part 1: Frustrations and Disappointments. Part 2: Memory is such a B**ch.

The Heartbreaker's First Love one shot is included in Part 2. Please grab a copy now for only Php 95.00. The book is publish under PSICOM.



Follow me on twitter @lovevender10

or add me on facebook https://www.facebook.com/Ode10



Chapter 2

"A b c d e!!!!" naparoll eyes nalang si Sab sa tumawag sa kanya. Mali kasi ang pagkakabigkas niya sa pangalan niya at ayaw na ayaw niyang natatawag ng pangalawang pangalan niya.


"It's Ab.si.di! And please lang! Tumigil ka sa kakatawag sa akin ng ganyan!" Dumila lang sa kanya si Jinny. Si Jinny ang anak nina Jiro at Nikki. 15 years old palang siya. Sa ngayon ay nasa Magus World na sila. Sa totoo lang ay wala talaga siyang balak na sumama sa kanila pero wala siyang magawa.


"Princess" yumuko sa kanya ang bawat makasalubong niya sa Glacies Kingdom pero hindi niya pinansin iyon at nanatili lang siyang nakasimangot habang naglalakad kasunod ng kanyang mga magulang. Ito kasi ang ayaw niya sa lahat. Ang ituring siyang mas mataas kung ikukumpara sa iba. Kung tutuusin kasi ay hindi naman siya ang makapangyarihan, hindi naman siya ang nakatalo sa dark princess noon kung hindi ang kanyang ina. So bakit kailangan na tingalain din siya? Dahil anak siya nito?


"Abcdee." Napalingon siya sa tumawag sa kanya at ganoon nalang ang ngiti niya sa kanyang labi ng makita ang taong iyon.


"Diel!!!" patakbo siyang lumapit dito at mabilis na niyakap ng mahigpit. Kung meron mang taong malapit sa kanya dito sa Magus World, si Diel iyon. Isang rason na doon ay dahil hindi niya ito itinuturing na prinsesa katulad ng iba. Si Diel ang anak nina Jana at Clyde.


"Komusta na? Kaya mo na ba kontrolin kapangyarihan mo?" habang tinuturuan kasi siya ni Master Jed na kontrolin ang kapangyarihan niya ay tinutulungan din siya ni Diel.


"Ayos na. Hindi naman kami babalik sa mundo ng mga mortal kung hindi ko pa kayang kontrolin."


"E bakit kayo nandito?" napasimangot naman siya at humiwalay na sa yakap nito.


"May kakaibang nangyari kasi doon kaya kinailangan naming bumalik dito." Kumunot ang noo ni Diel. Gwapo si Diel pero mas nakakasiguro siya na mas gwapo si Phoenix dito. Katulad kasi ng mga magulang nito ay madalas na tahimik lang siya. Sa tuwing magkasama nga silang dalawa ay siya lang madalas ang nagsasalita sa kanila.


"May kung anong anino ako nakita sa mundo ng mga mortal." Wala siyang nakuhang reaksyon kay Diel.


"Hindi ko alam, kahit nina Mama kung ano bang klasing nilala iyon. Noong una ay akala ko namamalikmata lang ako hanggang sa magpakita ulit iyon sa pangalawang pagakataon. At noon ay tatlo na silang nagpakita sa akin."


"Dark wizards?" napailing siya.


"Imposibleng dark wizard iyon dahil wala ng kahit isa ang nabubuhay na dark wizards hindi ba?" napatango nalang si Diel sa kanya.

Awakening of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon