Chapter 5: Suspicions

7.8K 200 6
                                    

Sorry sa late update guys. 

Actually last Sunday pa dapat ito pero nagloloko si watty at ayaw niya mapost so pasensya na Can I ask you a favor? Please vote for my entry @kendii 

Here's the link http://www.kendii.com/2015/07/07/akda-ni-lovevender.html Just click the heart button and like. You can also read my entry guys and leave a comment. Thank you :) Badly need your votes :(     

Chapter 5 

Nakatitig lang si Sabria sa mata ng kanyang mga magulang. Hindi makapaniwala sa mga sinabi nito. Kung tutuusin ay posible naman talaga na magkaroong ng isang anak ang isang dark wizard at isang lumen wizard. Pero ganun pa man ay nagulat pa rin siya at hindi makapaniwala.  

"May sumusunod sa akin nitong nakaraang araw." Pag-amin niya sa mga magulang.   

"Hindi ko alam kung sino siya pero alam ko na lagi lang siyang nakasunod sa akin. Sinubukan ko siyang hulihin noong minsan pero wala ding nangyari."   

"Posibleng iyon ang dark prince." Napatingin silang lahat sa bigla nalamang pumasok sa kanilang hardin.   

"Jelly? Anong ginagawa mo dito?"   

"Magkakilala kayo?" gulat na sabi ng kanyang ina na lalong nagpalito sa kanya. Sa paraan ng tanong nito ay mukhang kilala to ng kanyang ina. Bigla ay napalayo siya kay Jelly.   

"Jillian" tama nga ang hinala niya. Ito nga ang bestfriend ng kanyang ina na siya ring dark princess.   

"Nagkakamali ka. Ako ang doppelganger ni Jillian. Ako si Qetsiyah." Pakilala nito sa kanya.  Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala dahil ngayon lamang niya nalaman na totoo pàla ang mga doppelganger.

"Bakit mo kilala ang anak namin?" tanong sa kanya ni Kyle at inilayo kay Qetsiyah si Sabria.   

"Matagal na akong nasa mundong ito. Hindi ko inaasahan na sa eskwelahan na papasukan ko ay makikita ko doon ang anak ninyo."   

"Sinungaling" akusa ni Kyle sa kanya na hinayaan nalang ni Qetsiyah.   

"Bukod sa sumusunod sa iyo, may isa pa akong pnaghihinalaan na maaaring ang dark prince kaya naman nagkita tayo sa iisang paaralan Sabria." Bigla ay nakaramdam ng kaba si Sab. Nararamdaman kasi niya na malapit na tao sa kanya ang tinutukoy nito.   

"Si Phoenix" at hind nga siya nagkamali. Naramdaman niyang may kakaiba kay Phoenix pero alam ko na hindi siya ang wizard na hinahanap namin.   

"Hindi siya iyon." Mariing sabi niya. Tumaas lang ang isang sulok ng labi ni Qetsiyah.   

"At paano ka nakakasigurong hindi siya yon?" hindi siya nakasagot sa tanong na iyon. Basta ang alam lang niya ay hindi siya ang wizard na hinahanap nila.   


"Tulala ka nanaman." Pansin sa kanya ni Rheya. Si Phoenix naman ay nakatingin lang sa kanya at hindi nagsasalita. Tumingin siya sa mata nito, na para bang doon ay hinahanap niya ang isang katibayan na hindi siya ang dark prince na hinahanap nila.   

"Malusaw si Phoenix." Noon lang nawala ang tingin niya sa lalaki. Narinig pa niya ang pagngisi nito. Hanggang sa dumating na ang prof nila ay nakatuon lang ang pansin nito kay Phoenix.   

"Ano bang iniisip mo?" biglang tanong nito sa kanya kaya naman napatingin ito sa kanya.   

"Simula ng bumalik ka pagktapos mong mawala ng isang linggo lagi ka nalang wala sa sarili mo. May problema ka ba?" umiling lang siya dito. Iniisip niya kung ano nga ba ang dapat niyang gawin upang mapatunayan niya sa Qetsiyah na iyon at maging sa mga magulang niya na nagkakamali sila. Na hindi si Phoenix ang hinahanap nila.   

Awakening of DarknessOnde as histórias ganham vida. Descobre agora