Chapter 6: Nephilim Wizards

7.4K 195 3
                                    

Chapter 6 

Inilibot ni Sab ang tingin sa loob ng cr. Para sa isang lalake ay napakaorganized naman lahat ng gamit niya. Hindi niya maiwasang humanga sa lalaki. Tinignan niya ang sarili sa salamin at hindi niya maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa natuklasan niya. Ngayon ay mapaptunayan na niya hindi talaga si Phoenix ang hinahanap nila. Pero agad ding nawala ang ngiti na iyon ng maalala niya ang nakaukit na simbolo sa palad ng ama nito. Hindi niya matandaan kung saan nga ba niya nakita ang bagay na iyon.   

"Sab!" napatalon pa siya sa gulat ng biglang kumatok si Phoenix mula sa labas.   

"Nandito sa may kama yung damit mo." Narinig niyang sabi nito.   

"Sige. Salamat!" biknusan niya ang shower at nagsimula na siyang linisin ang sarili. Habang naliligo siya ay nilaro-laro pa niya ang tubig. Minsan ay gagawin niya itong matigas na yelo tapos ay muling ibabalik sa normal na anyo nito.   

Ibinalot niya ng twalyang binigay ni Phoenix ang kanyang katawan bago lumabas ng banyo. Pagkalabas niya ng banyo ay sumilip muna siya para siguraduhing wala si Phoenix doon. Nang makita niyang wala naman siya ay tuluyan na siyang lumabas at kinuha na niya ang damit na ipinahiram ni Phoenix.   

Isang malaking shirt at malaking jersey short ang nakita niya doon. Kahit malaki sa kanya ay sinuot na rin niya kesa sa wala naman siyang maisuot. Ang problema lang ay wala siyang panloob. Mabuti na lamang ay makapal ang t-shirt na ibinigay sa kanya ni Phoenix.   

Nasa kalagitnaan siya ng pagbibihis niya ng may mapansin siyang kakaiba sa may bedside table nito. Lumapit siya doon at kinuha ang bagay na iyon. Hindi siya pweding magkamali. Alam niya kung ano ang bagay na iyon.   

"Tapos ka na bang magbihis?!" nagulat siya may sumigaw si Phoenix mula sa labas ng pinto kaya naman dali dali niyang tinapos ang pagbibihis.   

"Oo tapos na!" sagot niya dito at ilang segundo lang ay nasa harapan na niyasi Phoenix.   

"Mukha kang jejemon" natatawang sabi nito na nakapagpasimangot sa kanya. Bigla ay naalala niya yung nakita niya kaya naman kinuha niya iyon at ipinakita kay Phoenix.   

"Kanino ang kwintas na ito?" nakita niya ang panlalaki ng mata ni Phoenix. Agad niya kinuha iyon mula sa kamay niya at itinago sa isang drawer na may susi.   

"Wag kang makialam ng kung anu-anong gamit dito!"   

"Pero..kanino ba ang kwintas na iyon?" pilit na tanong niya. Kailangan niyang malaman.   

"Sa pamilya namin. Bago mamatay ang ina ko ay ibinigay niya sa akin ang kwintas na iyon." Hindi makapaniwalang nakatingin si Sab sa mga mata ni Phoenix. Kung kanina ay masaya siya dahil sigurado siyang hindi si Phoenix ang dark prince naglaho iyon dahil sa inamin nito sa kanya.   

Ang kwintas na iyon ay pagmamay-ari ng isa pang grupo ng mga wizards sa mundo nila. Ang mga wizards na iyon ay siyang mahigpit na kaaway hindi lamang ng mga lumen wizards kundi maging ang mga dark wizards. Sila ang tinatawag na Nephilim Wizards. Ang alam ng lahat ay wala ng natitira ni isa sa kanila pagkatapos silang talunin ng mga dark at lumen wizards noon kaya naman hindi niya akalain na meron pa rin palang nabubuhay. Si Phoenix. Maaring isa siya sa kanila, pwedi ring hindi dahil may posibilidad na hindi naman siya tunay na anak ng kanyang mga magulang.   

Mas malala pa ang mga nephilim wizards sa mga dark wizards. Kung ang mga dark wizards ay nais lamang na mapasakanila ang Magus World. Ang mga ito naman ay gusto nilang mawasak ang Magus World dahil sa kadahilanang hindi naman daw dapat ito naroroon. Naniniwala sila na hindi pweding magkaroon ng dalawang mundo. Ang mundo lamang ng mga tao ang nararapat na naroroon. Kaya naman ang kanilang layunin ay wasakin ang Magus World at sakupin ang mundo ng mga tao upang sila ang mamuno doon.   

Awakening of DarknessWhere stories live. Discover now