Chapter 7: That Feeling

7K 179 2
                                    

Like my page on fb :)

 https://www.facebook.com/pages/Lovevender-WP/765950920097347?ref=hl  


 Chapter 7

 Kahit saan bumaling si Phoenix ay hindi siya makatulog. Hindi dahil hindi siya komportable sa kanyang hinihigaan, iyon ay dahil hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Sab sa kanya. Kalokohan mang iisipin pero may parte sa kanya na gustong maniwala dito pero sa tuwing maiisip niya na ang sinasabi ni Sab na pumatay sa mga magulang niya ay isa lamang sa likha ng imahinasyon ng tao na isang malaking kalokohan.   

Naisipan na lamang niyang tumayo at nagtungo sa may kusina upang uminom ng tubig. Kailangan niyang papagpahingahin ang kanyang utak dahil marami pa silang ginagawa sa school. Nagulat pa siya ng pagdating niya sa kusina ay nakita niya doon si Sab na umiinom ng tubig. Hindi man lang niya napansin na pumunta ito sa kusina.   

"Pinakialaman ko na ang ref mo. Nauhaw kasi ako." sabi nito sa kanya. Napansin naman niya ang pamumutla nito pero binalewala niya at kumuha nalang ng baso.   

"Sige. Goodnight." Tumango lamang siya pero mabilis siyang napatakbo palapit dito ng makita niyang matutumba ito. Naramdaman niya ang init ng katawan nito.   

"You're burning!" sabi niya habang inaayos ang pagkakahawak dito. Hindi na rin kasi makatayo ng maayos si Sab. Sa huli ay napili niyang buhatin ito.   

Dinala niya ito sa kanyang kwarto at maayos na inihiga sa kama. Bumaba siyang muli upang kumuha ng mainit na tubig at bimpo. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman niyang pag-aalala pero noong makita niya ang namumutlang mukha ni Sabria ay bigla nalang nagwala ang sistema niya.   

Kinuha niya ang upuan sa may study table niya at sinimulan niyang punasan ng maligamgam na tubig ang mukha ni Sab. Napakaamo ng mukha nito kapag tulog kumapara sa makulit na mukha nito kapag gising. Napapangiti nalang siya kapag naalala niya ang mga pangungulit nito sa kanya.   

"Phoenix" nagulat siya ng lumabas nalang sa mga labi nito ang kanyang pangalan. Ibig sabihin ba nito ay napapaniginipan niya siya? Hindi niya maiwasang mapangiti sa kaisipang iyon.   

"Phoenix" muling tawag nito sa kanya at itinaas pa ang isang kamay kaya naman iniabot niya ito.   

"I'm here" malambing na sagot niya at hinagkan ang noo nito. Muli siyang tinawag nito.   

"Ayoko Phoenix" napakunot siya ng noo.   

"Ayokong kalabanin ka."   

"Anong pinagsasabi mo?" hindi niya maiwasang tanong dito. Pilit niyang ginigising ito dahil nagsimula na itong umiyak.   

"Gusto kita." Mahinang lang ang pagkakasabi nito doon pero sapat na para marinig niya at matigilan siya. Unti-unting dumilat si Sab at sinalubong siya ng luhaang mata nito.   

"Phoenix" tawag nitong muli sa kanya. Nakatitig lang siya dito at hindi makapaniwala sa sinabi nito.   

Inaamin niya sa sarili niya na unang kita palang niya kay Sab ay may kakaibang naramdaman na siya dito. At habang tumatagal na kasama niya ito ay hindi niya maiwasan na magustuhan ito dahil ito lang naman ang bukod tanging laging kumakausap sa kanya. Sa tuwing hindi siya kinukulit nito ay nakakaramdam siya ng inis sa sarili dahil hindi niya maiwasan maisip na baka nagsawa na ito sa pangungulit sa kanya.   

Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at tinawid niya ang distansya ng kanilang labi. Hinawakan niya ito sa batok upang palalimin ang halik niya. Hindi tumutugon si Sab marahil dala ng pagkabigla pero ng magtagal ay tumugon din ito sa kanya. Mabilis niyang naiupo ito at naikandong sa kanya. Si Sab ang unang humiwalay sa kanilang dalawa.   

Awakening of DarknessWhere stories live. Discover now