Chapter 8 - Cannot be

6.6K 195 1
                                    

Watty's giving me a hardtime to update my story. But here is

Chapter 8 - Cannot be

Ang pagtama ng sinag ng araw ang dahilan kung bakit nagising si Sab mula sa pagkakatulog. Tatayo na sana siya pero hindi niya magawang makatayo dahil sa isang kamay na nakapalupot sa kanya. Nanlaki pa ang mata niya ng mapagtantong may katabi siyang lalaki.

"D-diel?" nagulat siya ng makitang si Diel ang lalaking iyon pero agad siyang napangiti ng maalala ang kagabi. He comforted her habang siya naman ay iyak lang ng iyak. Ang ngiting iyon ay bigla nalang nawala ng makita niya ang isa pang lalaki sa may pintuan na matalim ang tingin sa kanila.

"I didn't know you have company. Kaya pala." Sabi ni Phoenix sa kanya na marahil ay tinutukoy ang sinabi niya dito kagabi. Gusto sana niyang sundan si Phoenix pero bigla nalang may humawak sa kamay niya.

"Don't"

"I need to follow him. Nakakahiya. Nakitulog nalang ako sa bahay niya may sabit pa ako." pabirong sabi niya dito. Ngumisi lang sa kanya si Diel.

"Iyon ba talaga ang dahilan?" hindi na sumagot pa si Sab at sinundan nalang si Phoenix na naghahanda ng kanilang agahan na para sa kanilang dalawa lang sana.

"Phoenix?" hindi nilingon ni Phoenix si Sab. Naninikip pa rin ang dibdib niya dahil labis siyang nasaktan sa nakita. Kagabi lang ay siya ang kahalikan ni Sab pero ngayon iba naman ang katabi nitong natulog. Sa sariling pamamahay pa niya.

"I'm sorry about Diel. Wala kasi siyang matulugan kagabi and ayoko namang istorbohin ang pagtulog mo ka-"

"Kaya sa tabi mo siya natulog? Kaya pagkatapos mong sabihin na gusto mo ako ay pinaalis mo ako? Yung totoo Sab? Naglolokohan nalang ba tayo dito? Kasi kung oo, tigilan mo na. Nasasaktan ako e!" iniwan nalang sa kusina ni Phoenix si Sab pero agad siyang sinundan ni Sabria.

"Gusto mong malaman ang totoo?" hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at agad niya itong sinagot.

"Oo! Dahil sa tagal kitang kilala ganoon na rin kita katagal minahal!" nakita ni Phoenix ang unti-unting pagpatak ng luha ni Sabria kaya naman muli nanaman niyang naramdaman ang kirot sa kanyang dibdib. Mas masakit kesa noong nakita niya ang babae na kasama ang isang lalaking di niya kilala kilala sa iisang kwarto.

"Gusto kita e. Gustong gusto kita kaya naman ang sakit-sakit dito." Tinuro niya ang puso niya.

"Pero anong magagawa ko Phoenix? Hindi tayo pwede. Kahit anong gawin ko hindi tayo pwede dahil sa mata ng lahat, magkalaban tayo." Napakunot ang noo ni Phoenix dahil hindi nanaman niya maintindihan ang sinasabi ni Sab sa kanya.

"Yung sinasabi ko sayo na mga wizards? Isa ako sa kanila. Hindi totoong may kaibigan ako na wizard dahil ako mismo ay isang wizard. Isa akong prinsesa ng mga wizard na ikinubli dito sa mundo ng mga tao para malaman ko kung paano namuhay ang ina ko noon. Hindi naman ako dapat manatili ng matagal dito pero pinilit ko ang mga magulang ko na manatili dito dahil sayo!" lumunok ng ilang beses si Sab at umiling-iling.

"Ayokong kalabanin ka Phoenix. Ayoko dahil hindi ko kaya. Isa kang Nephilim wizard na mahigpit na kaaway ng buong Magus World. Kapag nalaman nila ang tungkol sayo-"

"Papatayin nila ako. Katulad ng ginawa nila sa ama ko tama?" pagtatapos ni Phoenix sa sasabihin ni Sab. Tumalikod siya dito dahil hindi niya kayang makita na umiiyak ito ng dahil sa kanya. At hindi rin niya alam kung kakayanin pa niyan makita si Sab ngayong alam niya na kabilang siya sa mga wizard na sinasabi nito na maaaring pumatay sa ama niya.


Hindi napigilan ni Sab ang sarili at tumakbo siya kay Phoenix at niyakap ito mula sa likod. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa binata. Alam niyang nasasaktan din ito kagaya niya. Kung bakit naman kasi hindi nalang sila naging ordinaryong taong dalawa. Bakit kailangan pang maging Nephilim wizard si Phoenix at maging prinsesa siya ng mga lumen wizard?

Awakening of DarknessWhere stories live. Discover now