Chapter 10: A Revelation

6.7K 163 3
                                    

Hey guys! I'm sorry about the late update, again. Nagfinals kasi kame but now, it's our sembreak!!! Hope you'll enjoy your sembreak guys :)

Chapter 10

"Shanel" napalingon si Shanel ng may tumawag sa kanya at laking gulat niya ng makita sina Jiro, Jana, Nikki at si Clyde. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit biglaan pagdating ninyo?"

"May mahalaga kaming dapat sabihin sa iyo kaya naman hindi na namin ipinaalam pa. Asaan si Kyle?" sabi ni Jiro. Pinapasok na muna ni Shanel ang mga ito bago tinawag ang asawa. Wala pa ang anak niyang si Sabria dahil nasa paaralan pa ito.


"Spill it." Naiinip na sabi ni Kyle. Kanina pa sila nasa living room ng mansyon pero nanatili lamang silang tahimik.

"We found the Dark Prince." Simula ni Nikki. Napunta sa kanya ang atensyon ng mag-asawa kaya naman napayuko siya. Tinignan niya si Shanel at iniisip kung ano ang magiging reaksyon sa oras na malaman nito ang katotohanan. Alam niyang masakit para sa isang ina ang makitang nasasaktan ang iyong anak. Marahil wala pang alam ngayon si Sabria pero sa oras na malaman nito ang totoo alam niyang masasaktan ito.

"Where?" matigas na tanong ni Kyle. Tumingin si Nikki kay Jiro at parang humihingi ng tulong. Kaya naman si Jiro na mismo ang nagsabi ng katotohanan.

Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ni Shanel. Nasa mansyon na ngayon sina Jiro, Nikki, Clyde at Jana. Ibinalita na nga sa kanya ang kanilang nalaman at hindi niya maiwasang mag-alala para sa kanyang anak sa oras na malaman nito ang katotohanan. Alam niya kung anong pakiramdam na malaman na isang kalaban ang isang matalik mong kaibigan. At dala na rin siguro ng hormones niya dahil sa pagbubuntis kaya hindi niya maiwasang maging emosyonal.

"How did you knew about this?" tanong sa kanila ni Kyle. Ngumisi si Jiro pero bakas sa kanya ang inis.

"Kay Qetsiyah. Alam na pala nito kung saan matatagpuan ang Dark Prince pero nanatili itong tahimik at hinihintay lang pala na sumuko tayo at hingan siya ng tulong." Naikuyom ni Kyle ang kanyang kamao. Hindi niya gusto ang nangyayari. Alam niyang panibagong sakit nanaman ang mararamdaman ng anak sa oras na malaman ang tungkol dito. Kasasabi lang nito na isang Nephilim Wizard ang lalaking iniibig. Ngayon naman, ang pinakamatalik na kaibigan pa nito ang Dark Prince.

Hinagod niya ang likod ni Shanel upang pakalmahin ito sa pag-iyak. Makakasama iyon sa bata. Mabuti na lamang pala at hindi nito sinabi ang tungkol kay Phoenix dahil siguradong mas masasaktan ito para sa anak nila katulad na lamang ng nararamdaman niya ngayon.

"Kaya kayo pinadala dito ni King Shone?"

"Yeah. And we need to do something upang mailayo ang loob ni Sab kay Rheya. In that way, hindi siya masyadong masasaktan sa oras na malaman nito ang totoo?" sagot ni Nikki.

"Sab!" napalingon sila sa may pintuan at doon nakita nila si Diel na hinahabol ang tumatakbong si Sab. Right there, alam nila na narinig nila ang isapan ng mga ito. Napahilot nalang sa ulo si Kyle dahil sa hindi nila matapos-tapos na problema. Akala nila, ng mawala ang mga dark wizards ay tapos na ang lahat. Makakapamuhay na sila ng mapayapa pero heto sila ngayon at panibagong problema nanaman ang hinaharap.

"Sab!" patuloy lang sa paghabol si Diel pero laking gulat niya ng bigla nalang naglaho si Sab. Naglaho nalang ito na parang bula sa kanyang paningin. Biglang sumulpot ang gnome na si Zairen sa tabi niya.

"Nagaya niya ang kakayahan ko." nakangiting sabi niya. Mukhang nakuha ni Sa bang kakayahan ng kanyang ina na gayahin ang kapangyarihan at kakayahan ng ibang wizards.

"Come on Sab. Magpakita ka!" patuloy na sigaw niya pero hindi na niya mahanap ang babae. Sumunod na rin sa kanya ang mga magulang niya at si Jiro.

"Maybe you should let her first." Tapik sa kanya ng kanyang ama. Napabuntong hininga nalang siya at sinunod ang sinabi nito. Pinaalis na rin muna niya si Zairen at sinabihang hanapin ito.

Awakening of DarknessOù les histoires vivent. Découvrez maintenant