6

814 39 0
                                    


"Oh? Anyare diyan sa damit mo?" Tanong ni Lexi na makapasok ako ng kotse niya.

"Nabuhusan ko ng shake," sagot ko naman ay hinubad ang jacket ni Cian.

"Saan naman galing ang jacket mo? Wala ka namang suot na jacket kanina nung pumunta tayo dito eh," lahat na lang talaga napapansin niya.

"Kay Mr. Sungit," sagot ko na lang, tinaasan niya ako ng kilay ng hindi niya makilala kung sino ang tinutukoy ko. "Hayaan mo na nga lang, umuwi na tayo."

Hindi na rin naman siya nagtanong at nagmaneho na lang pauwi, hinatid niya muna ako sa bahay, pagdating ko ay ganon pa rin, wala pa rin si Mommy kaya umakyat na ako sa kwarto ko.

Inilapag ko sa tray ng labahan yung jacket at panyo ni Cian, kung hindi ko lang talaga ito kailangan hinding-hindi ko ito hihiramin sa kaniya, kaya lang nakakahiya naman kung maglalakad ako na subrang dumi ng damit ko noh.

Pumunta muna ako sa study table ko at inayos ang mga gamit ko, handa na para matulog, nang hihiga na ako sa kama ko ay may kumatok sa kwarto ko.

"Pam, are still awake?" Dahan-dahang binuksan ni Mommy yung pinto ng kuwarto ko.

"Yup, why?" I ask.

"May gustong magpakilala sa'yo," napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya.

"Who?" Gabing-gabi na ah, gusto ko ng matulog.

"Let's go downstairs and you see," gusto ko mang hindi siya sundin ay hindi pwede, baka mawalan ako ng respeto sa kung sino man ang gustong magpakilala sa akin.

Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay kilala ko na kung sino yung lalaking naka-upo sa coach namin. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko na mabilis ko ring pinunasan ng tuluyan na akong makababa.

Hindi dapat nila ako nakikitang mahina, dapat malakas ako.

Taas noo akong humarap sa kaniya.

"A-Anak-"

"Who are you?" Matapang kong tanong, napatingin ako sa babaeng kasama niya na dahan-dahang tumayo at ngumiti sa akin.

"Pamie, this is Lea, your siste-"

"I don't have a sister you fucking bitch-" isang malutong na sampal ang sinalo ng kaliwa kong pisnge, napasinghap si Lea ng mapatingin ako sa kaniya. This is the first my mom's hand land on my face. Subrang sakit.

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko, masama kong tiningnan si Daddy at si Mommy bago ako tumakbo pabalik sa kuwarto ko, tinawag pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin.

I locked myself in my room, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiiyak, paano nila nagawa 'to sa akin? Iniwan na kami ni Daddy tapos tatanggapin lang siya ni Mommy na ganon-ganon lang at may kasama pang anak sa labas? Paano niya napatawad ng ganon kadali?

Samantalang ako hanggang ngayon hirap na hirap pa ring tanggapin na pinagpalit kami ni Daddy sa kabit niya. Tapos babalik siya na parang walang nangyari? May dala pa talagang sabit.

Kinabukasan maaga akong gumising, nag-asikaso kaagad ako para hindi ko sila maabutan, kinuha ko yung susi sa driver namin at sinabing ako na ang magmamaneho, hindi na rin ako nag abala pang mag almusal dahil ayaw ko silang makita.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Lea na naka pajama, malamang na dito sila pinatulog ni Mommy.

"Hi Pam, good mor-"

"Walang maganda sa umaga!" Putol ko sa kaniya at inirapan siya. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na papunta ng garahe.

Nagmaneho na ako papunta ng school, dahil may nadaanan din naman akong café ay huminto muna ako para magkape. Habang nagkakape ay nag text sa akin si coach.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon