25

570 27 1
                                    

Iyak ako ng iyak dito sa kuwarto ko dahil sa hindi maliwanag na usapan namin ni Cian. Bakit ang bilis sa kaniyang bitawan ako?

Bakit gano'n siya? Anong nagawa ko? Totoo ba lahat ng sinabi niya?

"Stop crying, Pamie, for pete sake! Kanina ka pang umaga eh!" Reklamo ni Lea.

"G-Get out! G-Gusto kong mapag-isa!" Bulong ko habang nakadapa at nakatabon ng unan ang mukha.

"Pamie naman-"

"I said, get out!" Sigaw ko sa kaniya.

"Okay, okay." Sabi niya at itinaas ang dalawang kamay para sabihing sumusuko na siya.

Ni-lock ko ang pinto ng kuwarto ko at mas lalong umiyak ng umiyak, masakit na yung mata ko pero wala na akong pakialam, subra akong nasaktan, all this time ba trip lang sa kaniya lahat? Gano'n ba ako kadaling binatawan? Hindi niya ba talaga ako minahal?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumayo ako at tumingin sa salamin, kinuha ko yung jacket ko at susi ng kotse.

Mabilis akong lumabas ng bahay, hindi ko pinansin si Manang na tumawag sa akin, mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagmaneho ng mabilis, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sa ngayon gusto kong sumigaw.

Madilim na sa paligid at halos wala ng sasakyan na dumadaan, fresh na fresh pa sa akin yung nangyari kanina. Gusto long sumigaw ng sumigaw hanggang sa maubusan ako ng boses.

Hanggang sa di ko namalayan na nasa pantalan na ako kung saan lagi kaming nagkikita. Bumaba ako ng kotse ko at tumakbo sa dulo ng pantalan at sumigaw ng malakas.

Sunod-sunod na tumulo ulit ang luha sa mata ko.

"B-Bakit gano'n? What's wrong with me?" Bulong ko. Napaupo ako at napahawak sa dibdib ko, hirap na hirap na akong huminga pero gusto kong ilabas ito ngayon din.

"Pamie?!" Rinig kong sigaw ni Lea, mabilis siyang bumaba sa kotse na dala niya at nilapitan ako. "Please, stand up!" Utos niya pero umiling lang ako at umiyak ulit.

Wala siyang nagawa kundi ang umupo din at yakapin ako, umiyak ako ng umiyak sa braso niya.

"Shhh, it's okay, umiyak ka lang, iiyak mo lang lahat pero bukas wag ka ng umiyak ha." She said.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, naalala ko lahat ng ala-ala namin, lahat ng masasayang ala-ala na kasama ko siya, kung paano kami nagkakilala, kung paano magsimula ang lahat dahil sa fishball, kung paano kami mag agawan dahil sa pagkain, I miss all of those memories.

"Hey what happened?!" Napatingin ako kay Lexi ng lumapit ito sa amin, awang-awa siya sa akin, kasunod niya naman ay si Tristan at Josh.

"I'm sorry, Pamie." Rinig kong bulong ni Josh.

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko. Hindi nila dapat ako makitang umiiyak.

"Wag kana magpanggap," si Tristan.

"Gabi na, nandito pa kayo sa labas?" Tanong ni Josh.

"Sinundan ko siya." Paliwanag naman ni Lea at tinuro pa ako.

Hindi ko sila pinansin na nag-aaway doon kung bakit gabi na ay nasa labas pa rin kami, sino ba kaseng nagsabi sa kanila na pumunta sila dito?

"Tinawagan ko si Lexi at sinabi kong may problema ka, tapos sinama niya pala si Tristan tapos tinawagan din si Josh kaya nandito sila." Paliwanag ni Lea na animo'y nabasa ang nasa isip ko.

Hindi na lang ako sumagot at tumitig na lang sa dagat na natatamaan ng sinag ng buwan. Yung luha ko kanina umurong na dahil sa kanila, ang hapdi na rin ng mata ko at hindi ko na alam kung may luha pa ba akong ilalabas.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now