30

613 24 1
                                    

Nagising ako na subrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak at di maintindihan. Kaagad namang naramdaman ko ang tiyan ko na parang hinuhukay kaya mabilis aking pumunta sa cr at sumuka.

Para akong lantang gulay, subrang sakit ng tiyan ko dahil wala na yung laman, hindi ko din matandaan ang nangyari.

What if may ginawa akong katarantaduhan kagabi? Nakakahiya naman.

Naligo ako kaagad para mahimasmasan ako, pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi simula doon sa nakita ko si Cian.

Sana naman wala akong ginawa kagabi na ikahihiya ko, jusko anong gagawin ko? Kaya ayaw ko ng nalalasing eh kase pagsisisihan ko kinabukasan.

Kaagad naman akong lumabas ng kuwarto at saktong kalalabas lang din ni Lea galing sa kuwarto niya.

"What happen to your eyes?" Nag-aalala kong tanong dahil may pasa siya doon. "Sinong may gawa niyan sa'yo? Bugbugin ko na ba?" Inis kong tanong.

Nagulat naman ako nang irapan ako ng bruha.

"Bugbugin mo sarili mo, impakta ka!" Sigaw niya sa akin at naunang bumaba ng hagdan.

"What?" Nagtataka kong tanong.

"Ikaw may gawa nito, palibhasa lasing ka kaya di mo maalala," medyo naiinis niyang sagot.

"How?" Medyo natatawa kong tanong.

Bakit kaya nagkaroon ng pasa yun? Ano ba kaseng ginawa ko kagabi? I can't remember.

"Tse, manahimik ka na nga lang, palibhasa maganda nangyari sa'yo kagabi eh, kikiligin na sana ako sa inyo pero nung inaasar kita bigla mo na lang akong sinuntok tapos nakatulog kana," natatawa ako sa kwento niya pero ano yung sinasabi niya?

"What? Anong kikiligin kana sana sa amin? The who?"

"Oh my god, hindi mo alam na kasama mo si Cian kagabi?" Napahawak naman kaagad ako sa bibigniya dahil baka marinig nila Mommy.

"Stop, they already know, si Cian pa nagsabi," napanganga naman ako sa sagot niya. "What? Hindi ka ba magso-sorry sa ginawa mo sa akin? Look at me, ilang days pa bago ito mawala!" Naiiyak niyang dagdag.

"Seryuso ka? Alam nila Mommy? Eh hindi pa nga kami nagkaka-usap ng maayos ni Cian eh,"

Ano naman kaya ang sinabi ng lalaki na yun? Sana naman di niya sinabi na boyfriend ko siya. Nakakahiya kapag tinanong ako nila Mommy.

"Aba malay ko sa inyo, bakit ako tinatanong mo?" Naglakad siya papunta sa kusina, umupo naman ako sa upuan, pinagtimpla niya ako ng kape habang namo-mroblema sa nangyari kagabi.

"Lea, help me, anong ginawa ko kagabing katangahan?" Naiiyak kong tanong.

"Malay ko sa'yo, hindi mo ako kasama kagabi, sila Azal at Xiena pati na rin si Cian, sila na lang tanungin mo."

Wala namang kwentang kausap 'to.

Dahil sa inis ay nagpaalam ako na maglalaro muna ng badminton, matagal na rin nung huli akong nakahawak ng raketa. Naalala ko naman yung mga bata, sana lang nandoon pa sila park.

Bumili muna ako ng pwede nilang kainin, nang makabili ay nagdrive na ako papunta sa park. As always nakita ko sila doon na naglalaro, si Mia, Cyrell, Jimmanuel, Lloyd, Kurt at Vimmia, mabilis naman nila akong sinalubong ng makita  nila ako.

"I miss you ate Pamie," niyakap ako ni Mia at Vimmia samantalang yung tatlo naman ay pagkain ang inuna.

"Na miss ko yung pagkain mo ate," sabi ni Cy na may kagat-kagat ng chicken.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now