11

706 31 0
                                    

"Dahil nandito na lahat ng player, magsisimula ba ang palaro sa ilang minuto." Napatingin ako sa taas kung saan nandoon ang nagsasalita.

Nagulat pa ako ng ipagtabi ng benches ang SSA at Supreme Academy. Kitang-kita ko tuloy si Cian, lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin at kapag nahuhuli ko ngingiti lang at iiwas, minsan magtatago pa.

I open my cellphone and message him on Instagram. Para kaseng baliw.

CianAlmzn

Lakas ng trip mo.

Kain tayo mamaya ng kwek-kwek?

Ayaw ko nga.

Ede wag

Oo na, libre mo ha.

Kung sinong manalo dito siya manlilibre

Dapat yung talo, para fair.

Yung panalo na, kase alam kong matatalo ako eh HAHAHAHAHA

Mukha mo, ikaw kaya yung best player dati.

Wala na yun, sigee na mags-start na.

"Sino ba yan? Kanina pa kita tinatawag hindi mo man lang ako pinakikinggan," inis na sabi ni Lexi at nakuha pang tingnan ang cellphone ko.

"Ano ba yun?" Taka kong tanong.

"Double daw muna ang maglalaro, pang tatlo pa tayo," sagot niya naman.

"Eh 'di ba single lang ako?" Taka kong tanong.

"Oo nga, pero dahil wala tayong ibang player sa double tayong dalawa ang ilalaban," tumango na lang ako at itinago na rin ang cellphone ko.

Nang magsimula na ang laro ay nanuod muna kami, kinakabahan ako habang nanunuod, hindi pala ganon kadali ang kalaban namin, bakit kase kami pa yung naisipang ilaban ni Dean eh, kulang na lang umatras ako sa galing nila.

"Labas muna kaya tayo? Kinakabahan ako," bulang ko kay Lexi.

"Baliw ka ba? Paano kung tayo agad ang tawagin tapos wala tayo dito, ede nalintikan na?" Napasimangot na lang ako at tumingin na lang ulit sa naglalaro.

Matapos maglaro ang ibang players ay tinawag na kami, nanginginig akong tumayo at inayos ang hawak kong raketa habang nakatingin sa gitna. Kung sino man ang makakalaban namin sana lang hindi ganon kagaling sa nauna.

"Let's all welcome the double player of Supreme Academy." Lahat ng tao ay nagpalakpakan ng pumasok sa gitna sila Cian kasama ang partner niya.

Mas lalo naman akong kinabahan dahil isang beses na akong natalo ni Cian sa badminton. Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad siya na nakangiti.

"Don't be scared Pamie, baka mapano ka pa, hindi ka makaka focus ng maayos," bulong sa akin ni Lexi. Napahinga ako ng malalim bago inikot sa kamay ko ang raketa para paglaruan ito.

Nang magsisimula na ang laro ay muli akong napatingin kay Cian, malaki niya akong ngitian, ngiti ng isang kalaban. Mukhang makakalibre siya ah. Inikot niya sa kamay niya yung raketa at nagulat ako ng tumalsik yung hawakan nun. Napasinghap naman lahat ng nakakita nun.

Ano nang gagamitin niya?

Sandali siyang dinaluhan ng kasama niya, may pinag-uusapan lang sila at tanging iling lang ang naisagot ni Cian. Lahat ng nanunuod ay nagtataka na at nababahala lalo na yung nga taga Supreme Academy.

Dahil hindi na ako mapakali ay lumusot na ako sa net at pinuntahan siya. May ilan na nagbulunga pero wala na akong pakialam, ma-issue man o hindi bahala na.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now