15

632 27 0
                                    

Pag-uwi ko ng bahay at dumiretso ako sa kuwarto ko para ilagay ang pinamili ko dala ko rin yung ibibigay ko kay Lea, nang maayos ko na yun sa kuwarto ko ay lumabas na ako para ibigay kay Lea yung binili ko para sa kaniya.

Muntik pa kaming magtalo ni Lexi dahil hindi ako pumayag na siya ang magbabayad nito, ang dami niya na ngang binayaran sa akin eh. Pumunta ako sa kuwarto niya at kumatok doon. Nakailang beses akong kumatok bago niya ako pagbuksan.

"Oh ikaw pala Pamie, why?" Nakangiti niyang bungad sa akin.

"Here," itinaas ko ang tatlong paper bag na dala ko sa harapan niya, nagtataka niya yung tinanggap, bago pa siya makasalita ay naglakad na ako paalis.

"Thank you!" Sigaw niya at mukhang masaya siya. Napangiti ako bago pumasok sa kuwarto ko.

Bakit ka ngumingiti Pamie? Inis kong sinampal ang sarili ko at humiga sa kama, napatitig ako sa kisame ng kuwarto ko. Kailan ko ba bababaan ang pride ko para sa pamilya ko? Bakit kase hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap? Napahinga na lang ako ng maluwag bago ipinikit ang mata para matulog, pero bago ako tuluyang makatulog ay nay bigla na lang tumawag sa cellphone ko.

"What?" Inis kong tanong pagkasagot ng tawag, ni hindi ko na nga nagawang tingnan kung sino yun eh.

["Bakit ka galit?"] Natatawang tanong ni Cian, napadilat ako ng mata at biglang napa-upo sa kama.

"Oh sorry, ano ba kase yun?"

["Yayayain sana kitang maglaro ng badminton dito sa park, nandito din yung mga bata, pero mukhang ayaw mo ata kaya sigee, bye-"]

"Wait, papunta na." Konsensiya pa ako eh.

Kumuha lang ako ng jacket at sinuot yun, nagdala rin ako ng cash sa wallet ko at cellphone, kinuha ko na rin yung raketa ko at lumabas na sa kuwarto ko, nagulat pa si Lea sa bigla kong paglabas.

"Aalis ka ulit?" Taka niyang tanong habang hawak-hawak yung damit na binili ko sa kaniya.

"Pahangin lang," tipid kong sagot.

"Ingat," nakangiti niyang sagot, hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbaba ng hagdan. "Mommy, look ang ganda nung binili ni Pamie sa akin-"

Napailing na lang ako sa narinig ko at tuluyan ng pumunta sa kotse ko, inayos ko muna ang mga gamit ko bago nagmaneho paalis.

Hindi rin naman ganon kalayo ang park kaya nakarating din ako kaagad. Nadatnan ko doon si Cian na tinuturuan yung mga bata, nang makita nila ako ay agad nila akong sinalubong at iniwan si Cian doon.

"Ang daya ha, palibhasa dumating si Ate niyo iniwan niyo na ako," kunwaring nagtatampong sabi ni Cian.

"Ang panget mo magtampo kuya," sabi ni Cyrell.

"'Di bagay kuya," si Lloyd.

"Wala ka kaseng pagkain," natatawang sagot naman ni Jimmanuel.

Tinawanan ko lang sila at inabot sa kanila yung dala kong meryenda. Lumapit sa akin si Cian at tiningnan yung mga bata na kumakain.

"Laro muna tayo?" Yaya niya, tumango naman ako at kinuha yung raketa ko.

"G, pero dapat may deal," nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Wag na, wala akong pera panlibre sa'yo," sinamaan ko siya ng tingin.

"So? Ganito na lang, kapag natalo ka, gawan mo ako ng letter na hand written mo," natatawa kong sambit.

"Hala, ang panget ng writing ko," natatawa niyang sagot.

"Ano din? Gusto kong makatanggap ng letter, actually may nagbibigay naman sa akin kapag valentine's pero 'di ako interested kaya tinatapon ko," natatawa kong sabi sa kaniya.

Unsolved Love - Student Series #3 ✓Where stories live. Discover now