chapter 2

20 3 0
                                    

chapter 2

sakay ka na!

buong araw ng klase namin ay makulimlim ang kalangitan, nang humagip na ang alas-tres ay nagsilabasan na ang aking mga kaklase at nag paalam na din ang dalawa kong kaibigan na si red at chelsee na uuwi na, kami nalang ni eli ang natitira.

Ibinigay ko kay ma'am tess ang folder na ipinapaabot ni ma'am ariane. Pag kakuha ng teacher ng folder ay nag paalam nako at kinuha ko ang bag ko.

"huy elle bilisan mo na aabutin na tayo ng ulan!", sigaw ni eli at tumakbo nako palabas. "tara na." sambit ko at bumaba na kami mula sa third floor hanggang ground floor ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. 

"may dala ka bang payong??", tanong ni eli. kinapa ko ang bag ko, HALA DI KO NADALA! ANG MALAS NAMAN TALAGA OH! "hala! wala akong dala!", nag aalalang sagot ko. Inutusan nya ko na ilagay ang bag ko sa harap at binuksan nya ang kanyang automatic umbrella, ipinag siksikan namin ang sarili namin doong dalawa hanggang makarating kami sa entrance ng subdivision na pinag tatayuan ng school namin.

basang basa na ang sleeves ko at yung kay eli din, sumilong kami sa harap ng 7/11 sa kanto ng subdivision at nag antay ng jeep. "hala may jeep na pala na sasakyan ko! una na bako?", tanong ni eli. "sige na una kana!", sagot ko. "oh sige ingat ka ah!", sagot ko sakanya at kinawayan sya, pinanood ko sya hanggang makapasok sa loob ng jeep at sandali na lang ay umandar na ito.

halos kalahating oras nakong naghihintay ng jeep dito pero lahat ng dumadaan ay punuan! di parin tumitila ang malakas na ulan.

may tricycle na tuminto sa harap ko, "elle!", sigaw ni zav. Tumingin ako sakanya, "bakit?", nagulat ako sa pag tawag nya, "kanina kapa dito?", sabi ng baritonong boses nya. "oo eh...lagi kasing puno yung jeep papuntang marilao eh," sabi ko. "sabay kana samin," sabi nya at lumabas ng tricycle at lumipat sa likuran ng driver. "sakay na.", nilingon nya ko at naka simangot na sya. 

agad akong tumayo at pumasok sa tricycle, nang makita ko ng katabi ko. magandang babae sya, maputi at long hair, tinarayan ako!

"ano ba kasi yan, pasabay sabay pa...", bulong nya at irap sakin.

Huh?! sino ba tong bruha na to?! maganda nga masama naman yung ugali! GRRR! 

"sorry wala lang talaga akong masakyan ngayon...", sabi ko sakanya. Nakakainis pero nakikisabay lang naman ako kaya inintindi ko na. Tinignan nya lang ako ng masama at inirapan ako.

Nang mapadpad kami ng muzon ay pumunta ang tricycle sa mcdo at bumaba ang kasama ni zav sa service.

"kuya pasundo nalang po ako ng 5:30pm dito sa mcdo", tumango ang driver at nagulat ako kasi bumalik sa loob si zav. "umusog ka don.", malamig na sabi nya at sumunod naman ako at umusog, umupo sya katabi ng pasukan ng tricycle.

"naibigay mo ba yung folder na pinapabigay ni ma'am ariane?", tanong nya. Tumango lamang ako at tumingin sa salamin ng tricycle at tinignan kung nasaan na kami. 

Parehas kaming tahimik ng binasag din naman ni zav iyon, "saan kaba? para masabi ko at maihatid ka namin ni kuya.", tinaasan nya nanaman ako ng kilay. "doon lang sa unang kanto...", itinuro ko. "kuya dun daw po sa unang kanto, pasok nalang po tayo! wala kasi 'tong payong na dala!", sabi nya masyado kasing malakas ang ulan kaya pasigaw nya iyon sinabi at nag thumbs up naman ang driver. 

Ipinasok ang tricycle sa unang kanto. "kuya dito lang po", tumigil ang tricycle at tumingin ako kay zav habang inaayos ang bag at gamit ko. "thank you sa pag sabay sakin, zav...", tumango sya at lumabas nako ng tricycle.

Pag pasok ko sa bahay ay nakita ako ng mama ko, "noelle! bakit basa ka? 'di ka ba nanghiram ng payong?!", sabi nya sa'akin at ibinaba ko ang bag ko sa sahig. "ligo lang po ako sa taas ma", sabi ko habang tinatanggal ko ang sapatos ko.

Umakyat narin ako sa kwarto ko at kumuha ng damit at naligo na. Pag tapos ko ay umupo ako sa kama at tinignan ang cellphone ko, andaming notifications ng group chat naming mag kakaibigan at chinat ko sila.

*GC*

'sinabay ako ni zav pauwi guys', nakangisi ako habang tinatype ko ito.

agad naman silang nag reply ng, 

'weh ba? send proof!', reply ni red

'seryoso ba teh? CONGRATS!', ang sabi ni eli

'BOI THIS IS TRUE NASA MCDO AKO KANINA NAKITA KO NASA LOOB KA NG TRICYCLE AT PUMASOK SI ZAV SA LOOB', sabi naman ito ni chelsee at nag send pa ito ng video ng pag pasok ni zav sa tricycle.

"noelle! bumaba kana dito at kumain kana!", sigaw ni mama galing kusina.

THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now