chapter 11

13 2 2
                                    

chapter 11

jeep

"Uwi na'ko!", sabi ni chelsee at red. "Aga pa ah?", sabi ni elle. "Maaga sayo kasi may kasabay kana hahaha", tumawa ito at tumawa din si red at nag high five sila neto. Isinukbit na nila ang mga bag nila sa balikat nila at  kumaway na.

"Uwi na din tayo?", iyon ang tanong ni zav at tumayo na ito. Tinignan ni elle ang oras. 4:45pm. "Tara na...", sabi ni elle. "Pwede sumabay?", iyon naman ang sabi ni eli. Tunango lang si elle at isinukbit na din ang bag nya, kukunin nya na sana ang tumbler nya pero si zav ang kumuha nito. "ako nalang sa tumbler mo.", ngumisi sya.

Kung sa ibang tao nya iyon gagawin ay alam naman natin mag pipilit silang bawiin yon, pero para sakin ay hindi na sya ibang tao. Kaya hinayaan ko na achaka medyo puno pa yon kaya sya nalang ang pinagbuhat ko.

Nag lakad na kami papunta sa main exit ng csansci. Nag lakad kami sa mga pagitan ng bahay. Ang mga pagitan ng bahay na yon ay tagos sa isang malawak na kalsada at isa ito sa pinaka maikling daan para makarating sa labas ng subdivision ng pabahay. Pumunta kami sa waiting area ng mga jeep, bus at minsan tricycle na din. Madami ding studyante ang naroon. Nakakailang lang dahil sa sobrang kagwapuhan netong si zav ay andaming nakatitig sakanya mga tiga ibang school na nag aantay din ng masasakyan minsan seniors pa ng school namin ang naroon nakatitig at nag bubulungan sa likod namin pero di ba nila nakikita na naka junior p.e uniform itong si zav.

Nang may jeep nang huminto na dadaan sa panorama ay sumakay na kami. "Una ka nang pumasok, sunod ka sakanya eli.", iyon ang sabi ni Zav.

Umakyat nako sa jeep at sumunod si eli at sya naman ang sumunod sa'amin. Tumabi si eli sa kanan ko at si Zav naman sa kaliwa ko. Inilagay ko ang bag ko sa kandungan ko.

Inilabas ni Zav ang wallet nyang Louis Vuitton. Halos mapa nganga kami ni eli ng makita namin yon. Bumulong si eli sakin. "Gagu madam, may black card sya...", nagkatinginan kami ni eli at ibinalik ko ang tingin kay Zav. Dumukot sya ng 100 pesos bill sa wallet nya na iyon. Itinago nya na ulit ito sa bag nya. "Saan baba si eli?", tanong nya sakin. "Huy saan ka daw baba?", tanong ni Elle kay Eli. Agad na lumingon si eli na nahaharangan ng kamay nya ang mga bibig nya. "Hala lilibre mo bako— sa amaresa lang thanks.", namumulang sabi ni Eli.

Tumango si Zav at ngumisi. "Bayad po kuya, Isang Amaresa at dalawang Panorama," Iniabot nya ang pera  sa lalaking malapit sa driver at tinanggap naman iyon ng lalaki at binigay sa driver na nag sukli din naman. "Salamat po.", sabi uli ni Zav.

"Ang yaman mo pala talaga sobra pero bakit sa sansay ka nag aaral? feel ko nga ang mayayaman na tulad mo dapat nag aaral sa high schools ng sikat na mga university sa maynila ah.", tanong ni Elle kay Zav. Tumingin si Zav. "You think so? I don't want a luxury life elle, I've seen it. Nakita ko ang mga pinsan ko, pero naisip kong gusto ko ng ibang experience, hindi matalino ang mga pinsan ko at ayokong sayangin ang talino ko. At ayoko din gumastos ang magulang ko sa mamahaling school kung ayoko naman don.", sabi ni Zav sakin. "Grabe don sa hindi matatalino ang pinsan mo ah baka naman—", sinabi ni Elle pero pinutol ni Zav ang sasahin nya. "Trust me, i'm the cousin elle. Nung grade school kami sakin nila pinapagawa ang assignments nila.", sabi ni Zav. "Eh ba't ginagawa mo? pwede mo naman silang turuan ah.", sabi ni Elle. "Basta let's not talk about that elle.", tumingin sya sakin at dinukot nya ang phone nya sa bag nya. Nag open ang lockscreen non at nagulat ako ng makita ko ang lockscreen nya.

Picture namin nung nilibre nyako sa mcdo.

THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now