chapter 10

13 2 3
                                    

chapter 10

ikaw

"ang galing nya mag badminton teh! look!", iyan ang sabi ng isang babaeng katabi namin na kausap ang kaibigan nya. Imbis na kaibigan nya ang tumingin ako yung lumingon para tignan si zav.

Gags po! ang hot nya! pawis na pawis na sya at ewan ko ba ang gwapo nya lalo pag hawak nya ang raketa ng badminton. Likod nya ang nakikita ko dahil duon sya pumwesto sa may harapan namin.

"ahh!", ang pinakawalang boses ni zav na imbes ang shuttlecock ang hampasin nya, humampas sa noo nya ang lumilipad na raketa ni matthew.

"gagu pre? sorry!", tumakbo si matthew sakanya at di ko na din napigilan tumakbo papalapit sakanya.

Hinila ko ang balikat nya para humarap sya sa'akin, tinignan ko ang muka nyang nakakunot sa sakit, nakahawak din sya sa noo nya. "okay ka lang?", hingal pero kalmado kong sabi. "ansakit gago", pinunasan nya ang pawis nya gamit ang kamay nya kaya nakita ko ang noo nyang namumula. "huy...gusto mo ba lagyan natin ng ice compress?", tatayo na sana ako para kunin iyon sa bag ko pero hinawakan nya ang kamay ko. "pero wala naman yong yelo eh", kalmado nyang sabi. "edi bibili ako- ay si matthew pala kasi sya naman may kasalanan eh", ngumisi ako pero di ako tumawa, tumawa si zav. "silly girl...", bulong nya sa ere.

Pinabili na namin si matthew ng yelo sa labas at katabi ko naman ngayon si zav sa bleachers, kinuha ko muna yung first aid kit ng room namin pinunasan ko na muna ng wipes iyong noo nya, ang weird kasi hinahayaan nya na akong hawakan sya, "nasira ba yung specs mo bud>", tanong iyon ni ralph at umiling si zav na nakatingin sa phone nya habang pinupunasan ko ang noo nya. Pinag titinginan na kami nga mga ka batch mate namin even the other junior and seniors ng school namin. Dumating na si matthew at inilagay na namin ang yelo sa ice compress, ipinatong na iyon ni matthew sa noo nya at medyo umangal sya sa sakit. "aray ko! dahan dahan naman pre pinalipad mo na nga yung raketa mo sa noo ko di mo pa makuhang-", ng biglang sumulpot si ralph, "gentle daw paps, gentle~", at tumawaito ng malakas. 

Binawi ni zav ang cold compress at tumingin sa'akin, di sya umiimik pero nakatingin sya, nilingon ko nalang, "b-bakit?", tanong ko sakanya. "lagay mo sa noo ko dahan dahan lang masakit eh...", kalmado nyang sabi.

Nakita ko na naglalakad na pabalik si chelsee, red, at eli galing sa third floor ng main building. Nakita ko ang bakas ng mga gulat sa kanilang muka pero sa kabilang banda ay si matthew ay pikon na pikon na sa pang aasar at panggi-guiltrip sakanya si ralph. 

"oh anyare sayo zav?", tanong red na bitbit ag books nya at props para sa play namin. "tinamaan ng raketa sa ulo HAHAHA", halakhak ni ralph and nage-echo sa tenga namin. "sabay tayo uwi?", tanong ni zav, bago ako sumagot ay sumabat nanaman si ralph. "pag tapos magpa-baby papahatid ka din pauwi pre?", pag bubulas ni ralph. "pake mo crush mo nga si ano eh...", sabi ni zav pabalik, naksimangot na ito.

"anyare diba may service ka?", tanong ko sakanya. "ayoko na mag service", simple nyang sagot. "huh? bakit naman anong naisipan mo...", ngiwi ko sa sabi nya, mas gusto ko nga ang service kesa commute kasi mas mabilis kang makakauwi, "may kasabay nakong uuwi eh, lagi...", tumingin sya sakin. 

"huh sino kasabay mo?? sila matthew ba?", tanong ko.

"ikaw."

THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now