chapter 9

11 2 0
                                    

chapter 9

Badminton

[GIRL INACCEPT NYA NAKO SA SOCIAL MEDIA!!], iyan ang sabi ko habang nasa call ako sa messenger ko kasama ang mga kaibigan ko na si red, chelsee, at eli.

[di daw crush pero kilig na kilig ang ante mo HAHAHA], sabi naman ni red .

[What if kayo talaga pero hindi pa lang sya ready umamin?], sabat naman ni chelsee.

[Uyy yung titig nya sayo nung binigay nya yung paperbag parang may something!?], iyon naman ang sabi ni eli.

[Huh!? pano mo naman nasabi eli? achaka tigilan nyo nga 'yan! baka mag assume nanaman ako sa wala!], Ilang beses na din akong umasa sa mga maling lalaki, pero ngayong nalaman ko na ang totoong hangad ng damdamin ko, sinisigaw ng puso ko. Gusto ko si zav, at susubukan ko ulit kahit alam kong risky ako pag dating sa pakikipag relasyon gusto kong sumubok sakanya, at sana kahit papaano ay may nararamdaman din si zav sakin. Kahit katiting ay tatanggapin ko parin.

"Punta na kaming bleachers don red ah? sunod ka nalang?", sabi iyon ni chelsee.

Nakatayo lamang ako sa likod ni chelsee at nag hihintay ng sagot ni red. Nag thumbs up lamang ito at naiwan ito sa room kasama si elaiza dahil cleaners si red at si eli naman ay busy sya daldalin habang nag lilinis.

Nauna na kami sa court sa loob ng campus. Umupo kami doon sa may harap ng senior high school building.

Inilapag namin ang bag namin at bag ni red at eli sa tabi ng samin. Nagulat ako ng biglang nag bulungan ang mga ka grade level namin at kinikilig 'to.

Omg! si zav at ang dalawa nyang kaibigan si matthew at ralph. Si matthew ay may hawak na raketa ng badminton at shuttlecock naman ang hawak ni zav at si ralph ang bag nilang tatlo.

"gago ampogi ni matthew", ngising aso naman si chelsee habang bumubulong sakin. Tinakpan ko ng panyo ang aking bibig dahil baka makita nyang nakangiti ako omg!

Hinawi ni zav ang buhok nya pataas at tinanggal ang specs nya at nilagay iyon sa bulsa ng bag nya hinubad nila ni matthew ang id nila at nilapag iyon sa kalapit sa bag namin sa bleachers.

"Hi girls! pwede bang ilagay namin ang bag namin dito?", si ralph iyon. Itinuro nya ang kalapit na part kung saan nakalapag ang bag namin.

"sige lang lapag nyo dyan, bantayan namin yan!", sabi naman iyon ni chelsee habang bitbit ang potato fries nya at lemon na soda.

Ngumisi ito sa'amin at nakita kong papalapit na si eli at si red sa amin pero nag bago ang muka ni eli ng parang bigla syang binuhusan ng napaka lamig na tubig ng makita nya si ralph. Sinubukan ni eli na mag lakad paalis pero niyakap sya ni red at patuloy na pinaakyat sa bleachers papunta sa tabi namin. Nginitian sya ni ralph at umalis na sa bleachers papunta sa kanyang mga kaibigan.

Naka p.e uniform ng junior high school ang mag kakaibigan, iniabot na ni matthew ang raketa ng badminton kay zav. Pero bago nya iyon tinanggap ay may tatlong babaeng lumapit sakanya, isa na don si tatianna.

tinignan sya ni zav at tumango lamang ito, at nagulat ako ng nag lakad ito papunta sa'akin.

kinuha nya ang phone nya sa bulsa at ibinigay nya ito, "pabantay, baka mahulog eh mag lalaro ako."

THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now