chapter 5

21 2 0
                                    

chapter 5

ayoko nga pt.2

Tinaasan ko sya ng kilay at inaabangan ko ang magiging reaction nya, umismid lang sya sakin.

"sige sabi mo e.", ngumisi si zav at pinuntahan ang mga kagrupo nya tumayo na din ako at nilapit sila red na nag iinstruct ng susunod na gagawin.

"guys usog na ulit tayo sa gilid, andyan na sila zav.", sabi ko tumango ang mga kagrupo namin at ngumisi si red. "Bibigay ka din naman pala kay ano eh", at nag lakad na ito papunta ulit sa grupo namin.

Nilapitan ko si zav na naka upo sa bench sa gilid ko. "Practice na kayo, pinausog ko na sila.", sabi ko at bumalik ako sa pwesto ko para ayusin yung mga sfx na gagamitin namin sa play, isang musical play ng napiling tema ng teacher namin sa filipino, wala namang problema doon pero mahirap mag sulat ng kanta at humanap ng mga kantang gagamitin.

Tumango lang si zav sa sinabi ko at tinawag na ang mga kagrupo nya sa kabilang side ng court. Oo, medyo maliit ang court pero kasya naman kami doon, kailangan lang namin mag adjust para sa isa't isa.

Natapos ang practice namin at nag aayos na nga mga gamit ang mga kagrupo ko, "kapagod! ansakit ng likod at ulo ko!", sabi iyon ni red. Si chelsee naman ay natulala nalang sa pagod at si eli ay nag chichismis na.

"Huy bhe! si ano daw sila na ng ex ni ano ah!", sabi ni eli kay red. Kahit ganyan lang ang lengwahe nila ay alam na alam parin nila ang tinutukoy na tao, di naman mawawala sa mag kakaibigan ang pag chichismisan tungkol sa mga kaklase lalo na pag lovelife ng mga kaklase! jusko! baka kung saang usapan pa umabot yan.

"uuwi na kayo??", tanong ni chelsee na bumalik na sa ulirat. "oo uuwi nako," sabi ko at tinignan ang oras ng cellphone ko. 5:45pm. "ikaw ba? red? uuwi kana? chaka eli," sunod sunod kong tanong. Tumango naman silang parehas. Mag isa nanaman ako hayst, nagugutom nako at napapagod, gusto ko na talagang umuwi tas andami pa ng bitbit ko, sana lang ay hindi umulan pero parang hindi naman talaga dahil maaliwalas ang kalangitan at maalinsangan ngayon.

Nilagay ko na ang bag ko sa likod ko at bitbit ko na din ang laptop ko at payong dahil mainit, may nag salita sa likod ko.

"uuwi kana?", nilingon ko ang nag salita, kaya pala pamilyar yung boses. Si zav, tumango lamang ako at nag simula nang mag lakad.

"sabay tayo.", sabi ni zav at binilisang maglakad para pumantay saking lebel ng pag lakad. Nag tataka ako at di nya kasama si tatiana ngayong araw.

"saan yung ka-service mo?? 'di mo kasabay?", tinaasan ko sya ng kilay. "bakit? ayaw mo bakong kasabay?", panunungit nya sakin.

"nagtatanong lang eh,", sabi ko nag lalakad na kami papunta sa highway duon lang kasi kami makakasakay para makauwi na ng panorama.

Katulad nga nang sabi ko, pagod at gutom na'ko, nag simula nang kumirot at kumalam ng malakas ang sikmura ko.

sumimangot si zav, "gutom kana??", tanong nya habang nakalagay sa bulsa nya ang mga kamay nya. "uhh hindi, wala to...", sabi ko, nakakahiya! ang lakas ng pag kalam ng sikmura ko. Hinawakan nya ang pala pulsuhan ako at tumawid kami, nilakad namin papunta sa mcdo. Dinala nya akong mcdo, "uyy hindi na sa bahay nalang talaga ako kakain...", nahihiyang sabi ko.

"kelan ka huling kumain at anong kinain mo??", naningkit ang mga mata nya. "kaninang lunch break, tas tinapay lang...", kasalanan ko din naman dahil pinili kong kumain lang ng tinapay, 5pm na ang lunch namin ay 12pm pa.

Hinaltak nyako papasok ng mcdo at pumila sya sa pila. "What do you want?", tanong nya. "kahit ano nalang sakin.", sabi ko nakakahiya talaga kasi parang ililibre nya'ko!

Nilibot ko ang mata ko sa paligid at nakita ko ang kaklase naming chismoso! jusko! aabot ito sa adviser namin! ayokong maissue at tuksuhin sa room!

Bago pa nila ako makita ay tumalikod nako at sumunod kay zav na oorder na.

"Hi can i get, 2 orders of one piece mccrispy fried chicken and coke nalang yung drinks.", sabi ni zav at nilabas nya na ang wallet nya, nakakahiya! babayadan ko yung akin.

"ako na mag babayad ng akin zav...", sabi ko at kinuha na ang wallet ko. "I don't let girls pay pag ako yung nag yaya lumabas, it's my treat. alam kong pagod ka.", sabi nya at nag bayad na.

Andami nyang sinabi gusto ko lang naman bayaran yung akin. Binigay na ng cashier ang number namin at nag hintay kami saglit, umupo muna kami. "Di mo'ko inaadd sa fb?", tanong ni zav at hawak ang iphone 14 pro max nya. "naks, fully paid yan? sanaol.", sabi ko at tinignan ang android kong phone. "why?? wanna take a picture??", he asked. He's more calmer now, mabait naman sya pero suplado at pilosopo talaga minsan. He offered his phone to me. Katabi ko kasi sya, IPHONE NA TO KUNIN NA ANG OPORTUNIDAD DIBA!

Kinuha ko ang phone nya, at nilagay yon sa cam at nilagay ito sa front cam.
Nag selfie lang ako, 'lam mo na ang ganap ngayon ng mga gen z, mga 0.5 gangs! nilagay ko iyon sa 0.5 at kinalabit ko si zav. "picture tayo!", sabi ko ngumingisi nako ngayon. Ngumiti sya at inakbayan ang upuan na kinauupuan ko. He did a 'thumbs up' pose while naka 'peace sign' naman ako.

Tinignan ko iyon, OMG MUKA KAMING MAG JOWA! syempre kinilig at namula ako, "order 245 po!", sabi ng babae at hawak ang inorder namin. Tumayo na kami.

"sa taas tayo, yoko dito.", sabi ni zav, iaabot ko na sana ang phone nya pero sabi nya, "sayo na muna, akyat na tayo.", nag lakad na sya at sununod ako paakyat sa 2nd floor. Pumwesto kami sa pinaka dulo, sa may salamin, maganda doon at malamig, makikita mo ang traffic sa harap ng mcdo, katabi din non ay playground.

"Kain kana", sabi nya at nilagay ang pag kain sa harap ko.

Kinuha ko na ang fried chicken at kakagat na sana ako pero may tumawag sakin, "omg! elle!?"

THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now