chapter 3

21 2 1
                                    

chapter 3

suplado

6:30am ako maladas nakakarating sa school, ang una ko ding nakakasama sa umaga ay si red. Lagi kaming nakaabang sa dalawa naming kaibigang laging late si chelsee at eli, Si chelsee ay nalalate dahil matagal kumilos ang mga ka-service sa tricycle at sa kabilang banda ay si eli ay kundi natatraffic ay natural na late dahil late nagigising.

Habang nag hihintay kami sa iba pa naming kaibigan ay dumaan sa harap namin si zav, tinignan ko sya hanggang makaakyat sa hagdanan, parang bagong ligo sya basa pa ang buhok nya pero nakaayos iyon, at napatingin naman ako sa babaeng dumaan sa harap ko, yung babae sa tricycle! sinubukan kong tignan ang id nya pero di ako nag tagumpay makita iyong pangalan nya.

"gusto mo malaman pangalan nya?", tanong sakin ni red. "oo eh, kahapon sa tricycle buong oras nyakong tinarayan habang nandon ako", umirap ako sa kawalan, pero totoong bwiset na bwiset ako sakanya kasi anlakas ng loob nya! kung ibang tao man ang makaksabay mo ay karaniwang di ka papansinin at hahayaan ka lang pero sya todo ang irap at parinig.

DUMATING na din sa wakas si chelsee saktong pag ring ng bell ng 7:00pm, wala pa din si eli at siguradong 5 or 10 minutes late nanaman yon, buti nalang ay late din ang first subject teacher namin, pero himala na at dumating si eli ng 7:03pm! ganyan sya ka-late.

nag start na ang una naming klase, ict. wala naman masyadong ginawa at nanood lang ng video tutorial sa pag gamit ng editing apps, filipino time na. Dumating na ang binibini, agad kaming buti ng magandang umaga at ibinigay nya ang oras para mag meeting sa gaganaping dula-dulaang 'romeo at juliet'. Nag meeting ang grupo namin at napag isipan na mag practice kila chelsee sa melody heights, mamaya na agad uwian ang practice dahil natapos na pala ang script.

Natapos na ang klase at tumunog ang bell, sobrang daming studyante ang nag si babaan galing sa third floor nagmamadali din kaming lumabas para may masakyan kaming jeep, naglakad kami pababa sa exit at dumaan sa shortcut para makapunta sa 7/11 at mag hintay ng jeep, sumakay kaming apat nila red, eli, at chelsee at sa gulat namin ay nandon si zav! 

Nag bayad na kami at dahil sya ang nakaupo sa likod ng driver ay sakanya inaabot ng mga bagong pasahero ang bayad at inaabot nya naman pero nung ako na yung nag abot. "manong bayad po! 4 po sa harap ng kelsey hills! makikisuyo sana zav.", itina-try kong ibigay sakanya pero wala syang pake at patuloy ang pag gamit nya ng phone.

"nako hija, ako nalang hahaha...parang busy ang pinag aabutan mo", sabi ng matandang babaeng sa tabi nya at inabot sa driver. Kumulo ang dugo ko sa ginawa nya, napaka sama! nagpapasuyo lang  naman.

"salamat po nay...", nagpa salamat ako sakanya at ibinalik ang tingin kay zav. "suplado.", umirap ako habang sila chelsee ay walang imik at nakatingin sa mga mangyayari.

THE LIES SERIES #1: Lies hidden beyond the time (ON-GOING)Where stories live. Discover now