Kabanata VI

117 26 0
                                    

Kabanata VI


Hindi tinanggal ni Fourth ang kamay sa balikat ng dalaga kahit pa na nakatingin sa kanila ang boyfriend nito. He wants to mock it and see what he would do. Ilang segundo pa silang nagsukatan ng tingin, bago ito lumapit at kinuha sa kaniya ang dalaga.

Kakatapos lang marahil ng practice nito sa basketball, ni hindi pa nga ito nakapagbihis dahil nakasuot pa ito ng jersey.

"What happened to you?" Tanong ni Jared sa kasintahan.

"Namaga lang 'yong paa ko, pero ayos lang naman. Four helped me to the clinic," Amara explained.

"By the way, Fourth, this is Jared, babe siya si Fourth." Pagpapakilala ng dalaga sa kanilang dalawa, without knowing that they already know each other.

Blanko lamang ang kaniyang mukha habang nakatingin kay Jared na tumango lamang din sa kaniya. Dumapo ang mata niya sa dalagang papalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Marahil ay nagtataka ito kung bakit hindi sila nagbatian.

"Let's go, babe; I'll send you outside."

Pinanood lamang ni Fourth ang dalawa papalayo. Nilingon pa siya ng dalaga at kumaway ito sa kaniya.

"Thank you, balik ka na sa training mo."

Sa halip na sundin ang sinabi ng dalaga ay pumunta na lamang siya ng locker para kunin ang damit na pambihis. Dahil alam niyang, wala na siyang training na babalikan ngayon.

"Fourth, pinapasabi nga pala ni coach na puntahan mo raw siya bukas sa office niya. Kailangan niyo raw mag-usap."

Hindi niya nilingon si Alec na kateam niya sa sepak takraw. Sa halip ay isinara niya ang locker at dumertso nang cr. Napailing na lamang si Alec, sa inasta ng binata. Ano pa nga ba ang aasahan niya rito? Sanay na sila sa ugali ng teammate nilang si Fourth.

Alam ni Fourth na pagagalitan lamang siya ng coach nila, dahil sa pag-alis niya kanina kahit hindi pa tapos ang practice nila.

--

"Stay away from him, Yuni." Maawtoridad na turan sa kaniya ng kasintahan, habang nakaalalay ito sa kaniya. Sometimes Jared called her Yuni, from her second name, Eunice.

"Why?" Nagtataka niyang tanong rito. May mangilan-ngilang estudyante ang napapatingin sa kanila. Nagtataka siguro ang mga ito kung bakit sila magkasama ng captain ball ng basketball team ng school nila. Jared was a varsity scholar of their school; magaling itong mag-laro kaya hindi naman lingid sa kaalaman ng dalaga na kilala ito sa campus nila.

"Because, I said so."

Hindi na umimik si Amara, ayaw niya kasing magalit pa ito sa kaniya, mukhang pagod ito galing sa practice, kaya baka uminit lamang ang ulo nito at mag-away pa sila.

Kahit pa na gusto niyang malaman ang dahilan nito kung bakit gusto nitong iwasan niya si Fourth. Lalo pa't wala naman siyang nakikitang dahilan, subalit naisip ni Amara na baka nalaman ni Jared na alam na ni Fourth na magkarelasyon sila, kaya gusto ng kasintahan na iwasan niya ito dahil baka ipagkalat nito ang relasyon nila.

"S-salamat babe, ingat ka!" Tinangoan lamang siya ni Jared pagkatapos siya nitong ipagbukas ng pinto ng taxi. Kumaway pa siya sa kasintahan, bago niya naramdaman ang pag-andar ng sinasakyan.

Iika-ika si Amara habang papasok ng bahay, masyadong malaki ito, kaya ilang minuto pa siyang nagtiis maglakad bago nakapasok sa loob. She let out a deep sigh when she found her mom lying on the sofa. Habang nakakalat ang mga bote ng beer sa sahig.

Nilapitan niya ito at nadatnang tulog, marahil ay lasing na lasing na naman ito dahil sa rami ng bote na nakakalat. Naupo siya at tinitigan ang mukha ng ina, napansin niya kaagad ang pasa sa gilid ng labi nito. She was so sure that her father was the reason, kung bakit may pasa ang kaniyang mommy.

She kissed the temple of her mom. Inilapag niya ang kaniyang bag sa center table at iniligpit ang nagkalat na bote. Sanay na siyang madatnan ang ina sa ganoong sitwasyon.

Pagkatapos mag-ligpit ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at nagbihis. Bago bumaba ay nag-order muna siya ng pagkain sa grab; ganito ang lagi niyang ginagawa since she doesn't know how to cook; hindi niya rin maaasahan ang ina dahil kung hindi ito umaalis ng bahay ay palagi naman itong lasing.

While her father? Siguro nasa opisina pa ito, or somewhere she doesn't know. Minsan mas mabuti ng wala ang kaniyang ama para tahimik lang ang kanilang bahay. Her life was way too different outside their house.

"Ziana!" Kinuha nito ang kamay niya habang nanatili lamang nakapikit. Lumapit siya rito, at napangiti ng mapait.

"It's Amara, mommy, not Ziana," mahina niyang bulong rito habang marahan niyang hinihimas ang buhok ng natutulog na ina.

"I miss you, baby." May kung anong gumuhit sa kaniyang dibdib dahil sa narinig mula sa ina, muli niyang pinakawalan ang malalim na buntong hininga bago malungkot na ngumiti. Hindi siguro sila magiging ganito, kung hindi nangyari ang-iwinakli niya ang kaniyang nasa isip.

"I miss you too, mommy. I wish everything would get better soon." Bulong niya rito bago iika-ikang tumayo nang marinig ang doorbell sa labas. Ito na siguro ang inorder niyang pagkain, para sa dinner.

--

"How's your foot?"

"Ay kabayo kang manyakis!" Napatakip ng kamay sa bibig si Amara dahil sa biglaang pagtaas ng kaniyang boses. Nagulat kasi siya kay Fourth. Pinagkunotan siya ng noo ng binata, dahil kanina pa ito sa harap niya subalit hindi niya naman napansin kaagad. "Ikaw pala, ginulat mo naman kasi ako, magaling na ang paa ko, thank you, sayo," saad niya rito.

"Okay. So, what's bothering you?" Tanong ng binata sa kaniya, naupo pa ito sa kaniyang harap. Nandito siya sa library, and hindi niya in-expect na makikita niya si Fourth dito.

"Itong word na, let's go." Itinuro niya ng kaniyang daliri ang salita mula sa binabasang libro, na agad namang pinagtakhan ni Fourth.

"Okay? Why isn't it bothering you?"

Napabuntong hininga muna siya bago sumagot, "Naituro kasi samin before na, kapag mag-susulat ka, and babawasan mo ng isang letra ang salita, you have to use apostrophe as an exchange."

Pinaningkitan siya ng mata ni Fourth, na parang tinatanong kung ano ang kinalaman ng salitang, let's go sa ipinupunto ng dalaga.

"Look at this," itinuro niya ang word na let's, "diba may apostrophe before the letter s."

"Okay?"

"So, I just wonder, kung ano iyong nawawalang letter sa words na Let's go- Aww!"Nakakuha lamang siya nang pitik sa noo mula sa kaharap.

"Silly! Does it bother you a lot?" tanong nito. She nodded.

"Wala namang kulang, maybe it's just a shortcut."

"Shortcut?" tanong niyang muli.

"Yeah."

"Bakit? Nagmamadali ba iyong nag-susulat, bakit kailangan mag-shortcut?"

Napailing na lamang sa kaniya ang binata dahil sa naging tanong niya. Sumilay ang ngisi sa labi nito, na agad namang napansin ni Amara.

"No! Baka tinatamad lang iyong nag-susulat," he joked, pero hindi niya inasahan na seseryosohin ito ng dalaga.

"Baka nga, nakakatamad naman, kasi talaga mag-sulat."

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now