Kabanata IX

153 14 0
                                    

Kabanata IX

Amara Eunice

 

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Fourth, not that I want to see him. I’m just worried na baka galit siya sa akin dahil sa huli naming pagkikita.

Yes, I told him to stay away from me, pero hindi naman sa gano’ng paraan. I wanted to explain it to him in a good way. I tried going to the field, hoping that they had a practice, but iyong mga team member niya lang naman ang naroon.

Bumalik na lamang ako pabalik ng classroom, kahit may dalawang oras pa bago ang next class ko.

“Maraaaaaaa~”  mahabang tawag sa pangalan ko ni Jamie, habang malapad ang ngiti na sumalubong sa ‘kin. Nagtataka ko naman siyang tiningnan ng yakapin niya ako ng mahigpit.

“Galing kasi ako sa accounting kanina, at makakapag-midterm na raw ako next week.” Pinunasan nito ang luhang kumawala sa kaniyang mata kaya nataranta ako. Kagaya nang sinabi ko sa kaniya noong nakaraan, binayaran ko iyong tuition niya para makapag-midterm siya. Hindi ko naman alam na dahil do’n ay iiyak siya.

“Hala ba’t ka naman umiiyak? Kung alam ko lang na iiyak ka dahil doon, hindi ko na sana binayaran iyong tuition mo,” seryoso kong wika. Napapadyak naman siya ng paa dahil sa sinabi ko, at di alam kung tatawa ba.

“Mara naman eh! Masaya na sana ako, kasi makakapag-exam na ako, tapos bigla mo namang babawiin.” Nakabusangot niyang wika.

“Masaya, pero bakit ka umiiyak?" I asked.

“This is what you call tears of joy! Kaya, thank you, talaga," she said, giving me another hug. I just tapped her back.

“No, problem. I’m happy to serve you!" Nakangiti kong sambit, at ginaya ko iyong estatwa ng McDo, kaya natawa sa ‘kin si Jamie. Masaya ako, na may napasaya na naman akong isang tao.

Sabay na kaming bumalik sa upoan.

——

Naglakakad na si Fourth papuntang field, kagagaling niya lamang ng cr nang matanaw niya si Amara na nag-lalakad palayo. He doesn’t intend to avoid her, but in the past few days, iniiwasan niya lang na puntahan ang mga lugar na maaari niya itong makita. Pero wala naman talaga siyang balak iwasan ito. Hayy, ewan maski siya ay nalalaboan na rin.

Nang sinabihan siya nitong layoan siya, ay nakita niya sa mukha ng dalaga na parang nahihirapan ito. Nagkataon lang talaga na marami siyang ginagawa noong mga nagdaang araw, idagdag pa ang training nila.

“Santiago, double time!" sigaw ng coach niya, nang makita siyang mabagal na naglalakad.

Pinagkunotan niya pa ng noo ang mga dalagang sinusundan siya ng tingin. Narinig niya ang hagikhikan ng mga ito, pero pinili na lamang niyang ‘wag pansinin at mabilis na tumakbo palapit sa coach nila.

Nang matapos ang training nila ay pumasok siya sa loob ng gym para pumunta sa locker at kunin ang damit na pambihis. Naabotan niya pa roon ang kaklaseng si Jared na may kausap na babae, kaya pinagkunotan niya ito ng noo.

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now