Kabanata X

84 11 0
                                    

Kabanata X

Amara Eunice

Palabas na dapat ako ng library nang makasalubong ko si Fourth. I bit my lower lip dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. He is staring at me blankly. I was about to say something: nang bigla niya na lamang akong lagpasan at walang lingon lingon na pumasok sa library.

May kunting kirot akong naramdaman sa puso ko, at hindi ko maintindihan kong ano iyon. Nilingon ko pa sana siya para tingnan, pero nakatalikod siya sa gawi ko habang namimili ng libro.

There’s a part of me that is sad. Dahil sa nangyari, sa ilang mga pagkakataong nagkasama kami, I consider him a friend, although wala talaga akong itinuturing na best friends, since I want to be friends with everybody.

I let out a deep sigh. Bago naglakad papuntang canteen dahil nakakaramdam ako ng gutom. Nakasalubong ko si Jared, kasama ang mga teammates niya. Liliko sana ako ng daan, dahil nasanay akong ganoon ang lagi kong ginagawa noon.

"Babe!" Napahinto ako sa pagtawag niya, lumapit siya sa 'kin at kasunod ang ibang teammates niya.

"Ayon oh! Iba talaga ang kapitan namin, matinik sa chix," hirit ng isa niyang kasama sabay sipol.

"Hi Amara, it's me nga pala Jomar," pakilala naman ng isa at umaktong makikipagkamay kaya in-extend ko rin ang kamay ko kahit nagugulohan ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Hi Jomar, nice to meet you." Naconcious ako dahil sa matatalim na matang nakatingin sa paligid. May iba nga na nagbubulong bulongan.

"Off limits, broh, may tatak na iyan ni Captain." wika ng isang lalaki na moreno.

"Ogag! Nakikipagkilala lang," said Jomar.

"Saan ka nga pala pupunta?" Nabaling ang tingin ko kay Jared.

"Ahh, s-sa canteen."

"Hindi ka pa kumakain?" Umiling ako bilang sagot, nagulat ako at mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papuntang canteen. Hanggang ngayon naninibago pa rin ako kay Jared, hindi kasi ako sanay na ganito siya sa 'kin.

Pagkarating namin ng canteen ay si Jared na ang bumili ng pagkain ko. Kaya naiwan ako kasama iyong dalawa niyang teammates. Hanggang ngayon ay may mga masasama pa rin ang tingin sa akin. Bakit kaya gano'n sila, wala naman akong ginagawang masama.

"Matagal na ba kayo ni Captain?" pang-uusisa ng isa. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya.

"Medyo?" 'di siguradong sagot ko.

"Hindi ba kayo nag-cecelebrate ng monthsary?" asks Jomar.

"Monthsary? Ano iyon?" I was clueless. Gano'n ba iyon?

"Hindi mo alam?" Umiling ako, sabay na napa-facepalm ang dalawa.

"Naku! Siraulo talaga si Captain!" sabi no'ng isa.

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now