Kabanata XI

116 10 1
                                    

Kabanata XI


Amara Eunice

"F-fourth?" Nagugolohan kong tanong. Bigla bigla na lang kasi akong hinila.

"Tss." Umiling iling muna siya bago hinablot ang braso ko at pinagkunotan ng noo ang mahabang galos na nakuha ko sa pag-awat kanina. Babawiin ko sana ang kamay ko, pero mas lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak nito.

"If you can't stop the catfight, then be a dog!"

Pinaningkitan ko siya ng mata, dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi siya maintindihan. Bigla bigla na lang siyang susulpot, at kakausapin ako, ei kanina lang hindi niya ako pinansin sa may library.

"Wala naman talaga akong mapipigilan, kasi wala namang nag-away na mga pusa ah.  'Saka bakit ako pa ang kailangan maging aso, puwede namang ikaw—aray!"

Napasimangot ako dahil, bigla na lamang niyang pinitik ang noo ko. Masakit, pero I admit namiss ko iyon. Ilang araw niya rin, kasi akong iniwasan. Binitawan niya saglit ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya.

"Fxcking idiot!"

"Kung hindi mo 'ko minumura, pinipitik mo naman lagi ang noo ko, pinagdarasal naman kita lagi," reklamo ko, pero hindi niya ako pinansin.

"W-what?" Nagugulohan kong tanong, nang iabot niya ang kaniyang kamay na parang may hinihingi. Umirap muna siya bago niya muling kinuha ang kamay ko. Nagulat na lang ako ng lagyan niya ng band aid iyong galos ko.

"Pa'no mo nga pala nalamang may sugat ako?" usisa ko. Tiningnan ko iyong band aid na nilagay niya, may design iyon na heart. It's cute! 

"Of course I saw it!" Inismiran niya akong muli. Napakasungit na naman niya.

"Oo nga, pero paano?" pangungulit ko.

"I just guess." Nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Hala! I didn't know; manghuhula ka na pala ngayon." Hindi siya kumibo, pero inirapan niya lang ako.

"A-ahh, thank you, nga pala." Nahihiya kong ipinakita ang braso kong may band aid. Hindi niya pinansin ang sinabi ko, sa halip ay naglakad na siya, kaya sumunod naman ako.

"Hindi mo kasama boyfriend mong manggagamit?"

Pinagkunotan ko siya ng noo. Grabe na kasi ang mga lumalabas sa bibig niya.

"Hala! Grabe ka naman, mabait na kaya si Jared, sinamahan niya nga ako kanina sa canteen," pagtatanggol ko sa boyfriend ko. Biglang uminit ang pisngi ko ng maalala ko ang paghalik niya sa 'kin kanina.

Mabilis niya akong sinulyapan, at ipinasok ang magkabilang kamay sa kaniyang bulsa. Ngayon ko lang napansin na nakahoodie jacket pala siya, kakulay ito ng suot niya noong una ko siyang makita, ito siguro iyon.

Napansin ko ang kakaibang tingin ng mga estudyanteng nadaanan namin, pero hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin. May mga nagtataas pa nga ng kilay, pero hinayaan ko na lang, hindi kasi ako marunong magtaas ng kilay. Magpapractice na lang ako sa susunod.

"Of course, magiging mabait iyon kasi may kailangan sa 'yo."

"Hindi naman, mahal niya kaya ako."

"Tss. Stupid!"

Napasimangot na lang ako sa sinabi niya; hindi ko na siya kinibo. Bakit kaya parang galit na galit siya kay Jared, and Jared seems to be mad at him too. Magka-away kaya sila? But, why?

Ang sabi sa 'kin ni Jared, magkaklase silang dalawa.

"LQ ba kayo ni Jared?" I asked innocently. Huminto siya at pinagkunotan ako ng noo.

"Fxcking what?" singhal niya.

"Maglinis ka nga ng tenga mo, mukhang nabibingi ka na ei, ang sabi ko kung LQ kayo ni Jared," ulit ko. Ganoon kasi ang naririnig ko kay Jamie, kapag daw magkaaway ang dalawang tao, lq ang tawag doon. Kaya lq din silang dalawa ni Aecy.

"Shut up, woman; you don't know what you're talking about." Nagsimula na ulit siyang maglakad, kaya sumunod naman ako.

"Alam ko kaya, LQ, means magkaaway kayo."

"And what do L and Q stand for?"

"Lunatic's Quarrel—Fourth naman kasiiii!" Mas humaba ang nguso ko, dahil sa pangalawang pagkakataon pinitik niyang muli ang noo ko, pero nakita kong ngumiti siya. Hindi ko kasi napansin na nilingon niya pala ako.

"I am a FoodTech student, but I want to be a teacher for quite some time just to teach you some things in life." Narinig kong sabi niya bago muling naglakad. Hindi na lang ako sumagot,minsan kasi mahirap intindihin ang sinasabi ni Fourth.

"Sakay!" 

Dahil sa malalim kung pag-iisip, hindi ko namalayan na may pinara na pala siyang taxi, at pinapasakay niya ako. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya.

"Kikidnapin mo ba 'ko?" Kinakabahan kong tanong, akmang pipitikin niya na naman ang noo ko nang mabilis ko itong natakpan gamit ang kamay ko.

"What the! Ano namang mapapala ko kung kikidnapin kita?"

"So, ayaw mo akong kidnapin kasi wala kang mapapala? Sayang! Maraming pera si dad, you can ask him a randsom kahit 2 million pesos—te-teka lang! "

Puwersahan niya akong hinila at ipinapasok sa kotse, habang inaalalayan ang ulo ko.

"Fourth, sayang kasi iyong 2 million kung hindi mo ako kikidnapin. Kausapin natin si dad puwede niya naman iyong dagdagan kung kulang pa."

"Go home and read books; stop imagining things." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Akala ko talaga kikidnapin niya ako, pero puwede

"Ahm, s-salamat!" I smiled shyly. Poker face lang siya na tumango. Bago niya isinara ang pinto. Nanatili pa siyang nakatayo, kaya sinabi ko kay Manong driver na may kakausapin muna ako, kaya ibinaba ko muna ang bintana mabuti na lang at nandoon pa siya nakatayo.

Gusto ko sanang mag-sorry sa kaniya dahil sa nasabi ko noong nakaraan.

"Fourth!" Tawag ko sa kaniya na ipinagtaka niya. Huminga muna ako ng malalim bago itinuloy ang nais kong sabihin.

"Ano?" Napakagat ako ng labi dahil seryoso lang siyang nakatingin sa 'kin, habang hinihintay ang sasabihin ko.

"What?" taas kilay niyang tanong.

"Sorry nga pala sa sinabi ko sa 'yo noon, sabi kasi ni Jared iwasan daw kita ei."

"Tss. And you believe him?"

Tumango ako. Umiwas siya ng tingin, muli akong napakagat ng labi nang muli niya akong tingnan.

"Yeah, he is your boyfriend anyway! Just be mindful next time; stop being stupid! Sooner or later, he'll break you."

Sasagot pa sana ako, pero parang nagmamadali si Manong, kaya hindi na ako nakasagot, sa halip ay ngitian ko na lamang siya ng paandarin ni Manong ang taxi.

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now