Kabanata VII

138 26 2
                                    

Kabanata VII

 

“I told you to stay away from him, right? Bakit nakita kong kinakausap mo pa rin siya?”

Napalunok na lamang siya habang nakatingin sa kasintahang, nagpupuyos sa galit. Nandito sila ngayon sa tagpuan nila. Tumawag kasi ito sa kaniya, at sinabing may pag-uusapan sila.

“Siya naman kasi iyong unang lumapit, and besides, I don’t see anything wrong with it.” Napayuko niyang sagot, ngumuso pa siya dahil hindi niya talaga maintindihan kung bakit ito nagagalit na kinakausap niya si Fourth.

“That’s bullshit, Yuni!" Nagulat siya sa pagsigaw nito sa kaniya.

“Bakit ba kasi nagagalit ka sa kaniya? Kilala mo ba siya? May ginawa ba siya sayo?”

“He’s my classmate; that’s why I know him. Wala siyang ibang kinakausap, kaya nga nagtataka ako kung bakit ka niya nilalapitan" Matalim siya nitong tinitigan, “Are you having an affair with him?”

Mabilis niyang iwinagayway ang kaniyang mga kamay sa harap nito, “Hala! Hindi, magkakilala lang kami. Nagkataon lang na nagkita kami. Besides, malabo iyang sinasabi mo.” She explained, "Wait, nagseselos ka ba sa kaniya?" she asked.

“Ofcourse not! Ayoko lang na maipluwensiyahan ka niya, mabilis ka pa namang maniwala sa sinasabi ng iba!" singhal nito sa kaniya, bago ito naglakad palayo at naiwan siyang mag-isa. Mabigat ang loob niya, dahil sa kaniya ay galit na naman si Jared.

Ilang minuto pa siyang nanatili roon, bago naisipang umalis para pumunta nang klase.

“Boyfriend mo ba si Captain?" Napaatras siya ng harangin siya ng kaklase niyang si Aecy. Napatingin siya sa dalawang kasama nito na pinagtaasan siya ng kilay, hindi niya kilala ang dalawa, marahil ay kaibigan ito ni Aecy mula sa ibang departamento.

"What do you mean?" Kinakabahan niyang tanong dito. Lumapit ito sa kaniya, kaya napa-atras ulit siya.

“Don’t deny it, stupid! Nakita namin kayo magka-usap kanina, and marami na rin ang bulong-bulongan na nakikita kayong mag-kasama. So ano kayo ba ni Captain? "Muling tanong nito sa kaniya habang palapit kaya umatras lang ulit siya. They called Jared captain, dahil ito ang captain ball ng basketball team ng school nila. Napalunok lamang siya ng laway dahil hindi niya alam kung paano sasagotin ang tanong nito.

“Napaka-assuming mo naman kung iisipin mong seryoso sayo si Jared.” Maarteng wika ng isa sa kasama ni Aecy.

“Truth. Sino ba naman kasing magseseryoso sa isang kulang-kulang diba?" Dagdag pa ng isa at nagtawanan silang tatlo. Napayuko na lamang si Amara dahil sa pangungutya sa kaniya ng mga ito. Ayaw niyang pumatol, ayaw niya ng gulo, she just wants to live her life na walang kaaway.

“You’re so innocent at first glance, but if I’m going to dig into your soul, you’re such a whore.” Inikotan pa siya ni Aecy, habang nakahalukipkip ang mga braso nito.

“You’re a freaking loser, bitch!" Singhal nito sa mukha niya nang muli itong makaharap at dinuro pa ang kaniyang noo. Napabuntong hininga siya ng malalim, trying to understand her classmate. Hindi siya nasaktan sa sinabi nito, mas nakaramdam pa siya nang pag-kaawa rito.

Iniharap niya ang bag sa kaniya at binuksan. Kinuha niya ang kaniyang tickler at ballpen. Pinagkunotan naman siya ng noo ng kaharap na kaklase.

“May saltik ka ngang talaga!" pang-uuyam nitong muli sa kaniya. Dahil imbis na pumatol ito sa kanila, ay may balak pa atang mag-sulat. Pareho-pareho silang natigilan dahil sa taong nag-salita mula sa kaniyang likod.

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]Where stories live. Discover now