Kabanata XII

100 5 0
                                    

Kabanata XII


Nagkagulo sa locker ng mga players nang nagpang-abot sina Jared at Fourth. Bigla na lamang kasing sinuntok ni Jared ang walang kamalay malay at abala sa pagbibihis na si Fourth.

"Stay away from my girlfriend." Galit na galit na wika ni Jared. Ngumisi lamang si Fourth sa kaniyang narinig na mas lalo namang kinaasar ng isa. Walang balak pumatol si Fourth dito, pero kung mapapangalawahan ang suntok sa kaniya ay hindi siya magdadalawang isip na sumuntok pabalik.

"Tss. Act like a boyfriend, then you can call her your girlfriend."

"H*yop ka talaga, Santiago! Huwag mo akong ginagago." Muli siyang sinuntok sa kaliwang pisnge, kaya binawian niya ito ng mas malakas, kaya tumama ito sa may locker.

"Dati ka ng gago, ba't pa kita gagagohin," pang-aasar niya lalo rito. Marami na ang umawat sa kanila subalit, mas nangingibabaw ang galit nila sa isa't-isa, kaya may kung anong taglay silang lakas na hindi maawat-awat.

"Stop poisoning my girlfriend's mind; I'm warning you." Dinuro siya nito, pero hinawi niya lang ang daliri nito at nginisian.


"Oh, which girlfriend are you talking about? You know what? You can fool an innocent woman, but not me." Tinulak siya nito at sinuntok, kaya sinuntok niya rin ito.

"Guys, tama na! You're both making a scene here," awat sa kanila ni Alec isa sa ka-team ni Fourth sa sepak. Hindi nila ito pinansin dahil pareho silang nag-iinit sa galit. Marami na rin ang nakikiusyoso, maging ang mga kababaihang nanonood ng laro kanina ay nagsiharang na sa pintuan ng locker.

"Teka nga, ano bang pakialam mo ha? From a mysterious man wearing a hoodie and now a troublemaker. What a transformation!"

Ngumisi si Fourth dahil sa narinig, lumapit siya dito at halos magdikit na ang mga katawan nila. "What if I tell you that?" he paused and lean closer to his ear. "You're girlfriend transformed me into this," he added and grinned. Kaya mabilis siyang itinulak ni Jared. Sinuntok pa siya nito, kaya agad naman siyang bumawe.

"Alam mo, naiinis talaga ako sa Amara na 'yan ha," komento ng isa sa mga nakikiusyosong babae.

"Amara, who?"

"Captain's girlfriend, duhh! Yung psychology student na mukhang kailangang i-diagnose ang sarili niya. I can't believe na pinatulan siya ni Captain 'di ba?"

"Ahh, 'yong stupid girl na feeling innocent."

Hinawe ni Amara ang mga estudyanteng nakaharang sa may locker, may ilan na nagtaas ng kilay, at may ilan namang nagbulong bulongan ng makita siya.

"Speaking of the witch!"

Mabilis ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib dahil sa pagkahingal dahilan ng kaniyang mabilis na pagtakbo nang marinig ang balitang nagsusuntokan ang boyfriend niya at si Fourth. Takang taka ang kaniyang mukha habang ipinagpapalit palit ang tingin sa dalawang pareho nang hawak ng mga lalaking umaawat kanina. Pareho itong may pasa at hinihingal.

"Akala ko ba nagsusuntokan kayo, ba't hawak nila kayo?" nagtataka niyang tanong. May mga nagtaas ng kilay, may mga nag-ikot ng mata at meron namang natawa at napailing na lang dahil sa naging tanong niya.

"She's really stupid, psh! Let's go girls." Nabaling ang kaniyang tingin sa mga kababaihang naglakad palabas ng locker. Hindi niya na lamang pinagtuonan ng pansin ito, at muling ibinaling ang tingin sa boyfriend na hindi maipinta ang mukha.

"B-babe, bakit may pasa ka?" Hinawakan niya ang mukha nito, subalit ipinilig lamang ang ulo nito na parang napaso sa kaniyang hawak.

"What are you doing here?" sa halip ay tanong nito sa kaniya.

"Ha? May mga estudyante kasi na nagsabi sa 'kin na pumunta dito kasi nag-aaway raw kayo ni Fourth. Pero pagdating ko hindi naman, prank lang ba 'yon?" Iba't ibang reaksiyon ang maririnig mula sa mga estudyanteng nakarinig noon. Binitawan na si Jared ng may hawak sa kaniya kanina maging ang tahimik na si Fourth na nakahawak na sa gilid ng kaniyang labi.

Napapikit si Jared ng marinig ang tawanan mula sa mga estudyanteng naroon bago ito nahihiyang tumingin kay Amara, "Just leave now; I'll talk to you later, please."

Sa kabilang banda naman ay iki-naininis ito ni Fourth, kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Amara na ikinagulat ng lahat, "Let's go! Don't waste time staying here and staying with his life." Matalim niyang tinitigan ang kaklaseng si Jared na agad namang hinawakan ang kabilang kamay ng kasintahan.

"Don't touch my girlfriend." Maawtoridad nitong turan sabay hablot papalapit sa kasintahan.

"Ohh, really? You're such an unbelievable cheater. Stop claiming her your girlfriend if you don't act like a boyfriend to her," tugon ni Fourth at hinila rin papalapit sa kaniya si Amara na gulong gulo sa mga nangyayari.

Napasipol ang ilang kalalakihan habang naiinis naman na muling nagbulong bulongan ang mga kababaihan.

"Wait lang! Wait lang! Can you guys explain to me what is happening now? Bakit ba pareho niyo akong hinihila?" gulong gulo na tanong ni Amara at siya na mismo ang kusang bumitaw sa dalawa.

"Quit your acting-innocent-queen drama girl. If I know sinadya mo lang namang landiin silang dalawa para pag-agawan ka."

Pinagkunotan niya ng noo ang babaeng may mahabang buhok na nagsalita, gusto niyang tandaan ang mukha nito para kunin ang pangalan sa susunod kapag hindi na siya busy para madagdag niya sa mga listahan na ipagdarasal niya ang kaluluwa.

"I'll explain everything, but for now you and him are over, okay?" sagot ni Fourth habang masama ang titig kay Jared at tuluyan na siyang hinila palabas. Hindi na siya nakaangal dahil na rin sa pagkabigla. Sinubokan niya pa sanang lingonin ang boyfriend na si Jared, subalit nakalayo na sila.

Tumigil siya sa paglalakad at mabilis na hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Fourth. Kunot noo niya itong tiningnan. "Bakit natin iniwan si Jared?'saka anong sinasabi mong over na kami?"

Napapikit siya ng pitikin nito ang kaniyang noo. "You know what? Kaya ka tinatawag ng ibang stupid, kasi hindi ka nag-iisip."

"Hoy grabe ka! Nag-iisip kaya ako no! Pero ano nga?"

Malalim na bumuntong hininga si Fourth bago siya muling sinagot nito, "Will you trust me?" seryoso nitong tanong sa kaniya. Napakagat siya sa gilid ng kaniyang labi, kasi hindi niya alam kung bakit siya tinatanong nito.

"Bakit?" nagugulohan niyang tanong rito.

"Just answer me."

"Okay, I will," tumango pa siya rito. Tinangoan naman siya nito bago muling kinuha ang kamay niya at muli siyang hinila nito.

"Now, come with me."

Eccedentesiast:The Pain Untold [ On-Going ]On viuen les histories. Descobreix ara