Chapter 4 ♥

851K 16K 4.3K
                                    


Chelsea POV

Time check: 2:50 pm na. Vacant kasi namin ngayon. Actually kanina pang 2pm. Hanggang 4 yung vacant namin tapos may isa pa akong klase na pang 4 to 5pm. Kinakabahan na ako.

Lakad.
Lakad.
Lakad.

Arghhh! Nasaan na ba yung room na may nakasulat na Tigers sa pinto? I saw the gym, hanep sa laki! Parang araneta ang peg, chos!

Naglakad-lakad pa'ko ng konti hanggang sa makita ko nga ang isang may kalakihang room na may itim na pinto at may nakasulat na “TIGERS”. So, may sarili pala silang room gano'n? Sosyal sila huh!

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Agad naman nagbukas 'yon, and guess what? Isang gwapong nilalang ang nagbukas niyon. Napansin ko 'yong pagkunot ng noo niya.

“May kailangan ka Miss?”

“Pinapupunta ako ni Kyle dito.” kalma lang ang boses ko.

Dumilat pa ang masingkit-singkit nyang mata. “Whoah! Iba na pala ang taste ni Kyle sa mga babae?”

Aba't? Ano daw?

“Sino ba 'yan Jerome?” tanong ni Adrian

“Uyy, tweety girl, ikaw pala 'yan. Hinihintay ka na ni Kyle sa loob.”

Ngumiti ako kay Adrian, talaga namang napakabait ng isang 'to.

Pumasok na'ko sa loob kasunod nina Adrian at 'yung singkit na lalaki na Jerome yata ang pangalan. Nagulat ako pagpasok ko, para akong pumasok sa isang living room na puno ng gadgets. Paano nagkaroon nito sa school? Kung sabagay, kapag ba naman anak ka ng may-ari ng school. Kung nagulat man ako sa dami ng gadgets sa loob, mas ikinagulat ko ang ilang piraso ng ulam, este ilang lalaki pala na ngayon ay nakatingin na sa'kin lahat.

WOW! Ulam...

My gulay, lahat sila guwapo! Saang planeta galing ang mga ito?

“Maaga ka pa ng 4 minutes.” sabi ni Kyle

Sumimangot ako, anong gusto niya late ako?

“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, nagmamadali ako.” sabi ko

“Whoa! Kyle, new girlfriend?” sabi nung lalaking naka-black jersey.

“Tumigil ka nga Ken. Alipin ko 'yan.” sabi ni Kyle.

“Anong alipin pinagsasasabi mo dyan ha Kyle?” pinag-iinit nito ang dugo ko, paano nya nasabi na alipin ako?

“Matawagan nga si Papa” sabi ni Kyle habang hawak ang cellphone.

“Sabi ko nga, alipin mo ako.”

Kailangan ba talagang ipanakot 'yon?

O_O  adrian
O_-  lance
O_O  jerome
O_O ken

At ang tatlo pang lalaki na diko pa kilala, O_O!

“ALIPIN KA TALAGA?”

Ouch, nabingi naman ako d'on. Sabay sabay ba namang sigaw. Tumango na lang ako.

Lumapit agad sakin si Adrian, “Tweety girl, paano ka niya naging alipin?”

“Hoy Adrian, tigilan mo nga 'yan. Narinig nyo namang lahat, alipin ko 'yan kaya pwede bang lumabas muna kayong lahat dahil may pag-uusapan kaming importanteng mahalaga.” sabi ni Kyle

“Importante na, mahalaga pa.” komento ni Lance.

“Hoy Kyle baka pagsamantalahan mo lang si tweety girl.” sabi ni Adrian.

“Para sabihin ko sayong ugok ka, may taste naman ako!” sigaw 'yan ni Kyle.

Kapal nito. “Hello? Para sabihin ko din sa'yo, may taste din naman ako!”

Mr. Popular meets Miss NobodyWhere stories live. Discover now