Chapter 15 ♥

681K 13.7K 2.2K
                                    


Kyle POV

Maaga akong nagising. Napahawak agad ako sa bandang ulo ko kasi ang sakit. Aish. Teka, si nobody kaya? Andito siya kagabi eh. Hindi man lang nagpaalam sa'kin. Sumigaw ako sa intercom.

“BUTLER! Gutom na ako!”

Alam ko after 5 minutes dadating na din ang pagkain. Takot nalang sa'kin ng mga tauhan dito sa mansion. Oo nga pala, kung mapapansin niyo. Palagi akong mag-isa, I mean oo madaming katulong pero sa family, ako lang lagi dito.

Patay na si Mama, 5 years old palang ako no'n. Yun ang sabi ni Papa, sa abroad na daw namatay si Mama eh? Pero kahit kailan, hindi ko nakita yung bangkay niya. Ayaw daw kasi ipakita sa'kin ni Papa, ewan ko lang kung bakit. Si Papa naman busy lagi sa kompanya namin.

Ako eto, taga-waldas ng kayamanan namin. Ito nalang kasi kasiyahan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko.

Dati, malungkot talaga ang buhay ko. Pero ngayon natuto akong sumaya kahit mag-isa lang. May mga kaibigan naman ako. Ewan ko nga kung bunga yun ng pagiging salbahe ko ngayon. But I’m proud to be.

Salbahe na kung salbahe.

Walang modo na kung walang modo

Pusong bato man o bastos ang itawag nila sa’kin, WALA AKONG PAKIALAM.

Buhay ko 'to. Walang pwedeng makialam maliban sa tatay ko.

Bago pa 'ko maiyak sa pagda-drama, dumating na rin si Butler kasunod yung waiter dala ang pagkain ko. Tama, may waiter ako dito. Taga-hatid ng pagkain ko. Madalas kasing dito ako kumakain sa kwarto ko.

Paano ba naman. Sampung tao yata ang kasya sa dining table namin tapos mag-isa lng akong kakain, masyadong alone. Kaya dito na lang.

Napatingin ako kay Butler kasi parang natatawa siya.

“Anong nakakatawa?” sigaw ko.

Itinuro niya yung bandang noo ko. Napatingin naman ako at napahawak sa noo ko. May post-it note sa noo ko, kulay pink pa. Putekk! Alam ko na sino gumawa nito.

“Umalis na nga kayo!” sinigawan ko yung dalawa.

Nang makalabas na sila, tiningnan ko kung anong nakasulat sa post-it notes.

Dear Kamahalan,

Umuwi na ako. Hindi na ako nagpaalam dahil tulo laway kayo kung matulog. Nahiya naman akong abalahin kayo sa paglalaway.

Nagmamahal,
ALIPIN.

AAISHHHH! Baliw talaga ang babaeng yun! Hindi naman tumutulo laway ko pag natutulog ah? Pinapainit niya ang ulo ko. Buwisit.

Tinuon ko nalang pansin ko sa pagkain ko tapos pumunta ako sa desktop. Habang kumakain, nagcheck muna ako ng facebook.

FRIEND REQUEST (2,456)
MESSAGES (874)
NOTIFICATION (9,451)

Langya naman.

Ka-o-open ko lang nung isang araw ganito na agad kadami? Putek naman. Tiningnan ko wall ko. Kaya pala ang daming notifications. Puro daming post sa wall ko ng kung sinu-sinong babaeng diko kilala. Karamihan taga-school.

Naaalala ko si nobody. Talaga bang hindi siya marunong mag-FB? Ignorante talaga. Nagcheck muna ako saglit ng message. Baka may importante eh.

Scroll

Scroll

Scroll

Oops, balik.

May isang message na nakakuha ng attention ko. Walang picture  at ang name lang nya ay Anonymous.

Mr. Popular meets Miss NobodyWhere stories live. Discover now