Chapter 32 ♥

748K 14.5K 7.9K
                                    


Chelsea POV

Nagising ako dahil sa alarm ng iphone ko. Syempre, bawal ma-late.

Pagmulat ko..

Teka? Nasaan ako?  Pinalibot ko tingin ko sa buong kwarto. Pink yung ceiling tapos maganda, may aircon pa. pambabae yung kwarto.

Nasaan ba ako?

Aish, sa condo nga pala ako na bigay ni Adrian. HAHA, may sapak yata ako ngayon. Nakalimutan ko agad na independent na'ko ngayon at mag-isa na dito sa condo.

Sorry naman. Hindi sanay. First time akong natulog dito eh. Bumangon na'ko saka dumiretso sa CR dito sa loob ng kwarto ko, oh diba sosyal. Hehe.

After that bihis na.

Ayos!

Check ng bag

Tapos baba nako dito sa salas. Pinatong ko muna bag ko sa pink sofa ko. Naks! Hehe. Lagi na yang may KO. Kasi akin na to eh. Hehe.

Punta muna akong kusina. Mag-tinapay na lang muna ako saka kape. Baka ma-late eh. Di ko pa naman alam daan mula dito papuntang school.

Kain

Inom kape

Kain

Inom kape

BURP!

Yeah, busog na'ko. Lagay ko na sa hugasan yung mug ng kape. Maya ko nalang hugasan pag-uwi.

Hala, nalimutan ko palang bumili ng diswashing liquid saka pala bigas.

Daan nalang ako mamaya sa supermarket bago umuwi.

Dali-dali akong nagsuot nung bago kong shoes na nabili sa world balance. Hndi pala nabili, FREE yun pala. HAHA!

Palabas na'ko ng pinto.

"Ay kabayo!"

"Mukha ba talaga akong kabayo?" si Adrian habang nakangiti sa'kin. "Good morning crush!"

Ano ba naman tong si Adrian, aga-aga nangugulat eh. "Good morning din. Aga mo ah."

He smiled. "Syempre, papasok tayo eh. Sabay na tayo. Hindi mo pa alam yung daan papuntang school, right?" sabi niya.

Sabagay napansin ko naka-bag na siya. Ngumiti nalang ako at tumango. Sinara ko na yung pinto.

*

Kyle POV

"Nagtext si Adrian. Diretso na daw siya sa room kasi kasabay niya si crush, este Chelsea! Nahahawa na'ko kay Adrian. Tch." Sabi ni Lance sa'kin.

Dito kami sa tambayan eh. Hintay sana si Adrian. Sus, magkasabay na naman. Napapadalas na ah. Eto namang si nobody masyado inaabuso ah. Pasalamat siya wala akong utos sa kaniya kahapon. Humanda ka ngayon.

"Tara na sa room." Yaya ko kay Lance.

Nag-nod lang siya. Asa ka naman dyan kay Lance. Tahimik pa yan sa ipis eh.

Dito na kami sa may corridor papuntang room.

"Kyaaaaaa! Pinagdala pa ni Prince Adrian yung girl ng bag! Sino ba siya?"

"Ang taray ni ate."

"Nililigawan ba siya ni Prince Adrian?"

"Paano na future natin?"

Nakakarindi itong mga babaeng 'to. Walang alam kung hindi tumili. Napatingin ako kay Adrian na naglalakad.

Hindi ako nagulat na kasabay niya maglakad si nobody papasok sa room. Ang kinagulat ko? Dala ni Adrian ang bag ni nobody.

Mr. Popular meets Miss NobodyWhere stories live. Discover now